Chapter 55

49 2 0
                                    

" Magkita nalang tayo sa palasyo."

Walang emosyong sambit ni Leandro kay Jacob, at saka na siya umalis sa harapan namin. Nagtaka naman ako kaagad. Para saan?

Bakit kami pupunta doon?

" Bakit pupunta ka sa palasyo?" Tanong ko kay Jacob, tumingin siya saakin.

" Tayong anim ang kailangan doon, pagkatapos natin dito, diretso tayo doon." Ani Jacob. Nagtaka ako sa sinabi niya saakin.

" Bakit nga kailangan tayo doon?" Tanong kong muli.

" Relax, baby. We'll know later. Okay?" Tumango ako.

Madali nalang naming natapos at napalabas ang mga tao dahil pinagtulungan na naming ayusin. Kumain na din kami sa labas bago kami pupunta sa palasyo.

" Baka naman gusto tayong pabalikin ni Mr. Saldua sa mga posisyon natin ulit?" Tanong ni Alaia habang kumakain kami. Tumingin ako sa sinabi niya.

" So you want me to be his Secretary again if that happens? Fuck, no." Sambit ko sa mga kaibigan ko, natigil naman sa pagsubo si Maki dahil sa sinabi ko.

Maging si Jacob, sina Alaia at Ariyana naman ay nakatulala sa harapan ko, nawalan tuloy ako ng gana kumain.

" What if he wants you to be his Secretary again? Will you accept his offer?" Tanong ni Alaia saakin, hindi ako nagbigay ng sagot at reaksiyon.

Sinalubong ko ang mga mata nila.

" Let's see what will he say later, okay? Let's not overthink, sa tingin ko iba ang balak-" Pinutol ako ni Jacob.

" That's right, Alaia. Mr. Saldua wants you all back from your respective positions in the palace, especially Chandria." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jacob, ibinaba ko ang mga kubyertos na hawak hawak ko, at saka ako uminom ng tubig. Napahawak naman sa bibig nila sina Alaia at Ariyana, natigil naman sina Maki at Alec.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko, he wants me back from my position?

" How did you know?" Wala sa sariling sambit ko kay Jacob.

" We talked awhile ago, he said that he wants you all back from your positions. Lalo na si Chandria. He is having a hard time looking for his new secretary so he wants Chandria back." Napalunok ako, uminom ako ng tubig, halos maubos ko na ang tubig sa baso ko.

" What if we don't want to go back?" Tanong ni Ariyana.

" He'll triple your salary, ayaw niyo pa iyon?" Pumalakpak si Alaia.

At saka nag thumbs up.

" Fine. Ready na akong mastress, basta triple ang bayad, monthly ba?" Tumango si Jacob, napadasal naman si Alaia at saka ngumiti na, tinuloy niya na ang kinakain niya, masaya na siya kaya alam kong babalik siya.

Babalik ba ako?

" I'm in as well. Pero paano ka, Chandria?" Tanong ni Ariyana saakin, tinaasan ko sila ng kilay, at saka ako nagkibit balikat.

" I don't know. How about you, Alec? Maki? Ariyana?" Nag thumbs up si Ariyana, ganoon din si Alec.

Kaming dalawa nalang ni Maki ang hindi sumasagot. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, babalik ba ako? Babalik pa ba ako? Kailangan ko bang bumalik?

" Saka na ako papayag na babalik kung makikilala ko na ang bagong vice president." Sagot ni Maki saakin, napatango naman ako. Itinuloy ko na ang pagkain ko, at saka ako nagpunta sa restroom para mag ayos, sumama saakin ang dalawang babae.

Si Ariyana at Alaia.

" Chandria, papayag ka ba? Babalik kami doon hindi dahil sa triple na sahod, wala na kasi kaming mahanap na ibang trabaho, kaya doon muna kami, ikaw? Paano ka?" Alalang tanong saakin ni Ariyana, napatulala lang ako sa salamin, at saka nagkibit balikat.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon