Chapter 18

70 9 0
                                    

" We're here, Chandria."

Ani Mr. Saldua nang makarating kami sa bahay ko. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan niya. First time ko siyang nakitang nagmaneho, at saakin pa, sa front seat pa ako nakaupo, kaya feeling ko, special ako.

Joke.

" Hindi mo naman kailangang ihatid pa ako, pero salamat." Kinuha ko ang bag ko na hawak niya at saka ko siya tipid na nginitian.

" It's okay if you're late tomorrow. I will understand. Rest for awhile." Tumango ako. Binuksan ko ang gate ng bahay at saka ko siya tinignan.

Namataan kong nakatitig siya saakin. Umiwas ako.

" Mag iingat ka pauwi. Maaga ako bukas." Ngumiti siya.

" The dress suits you, Chandria. Fuck, you're so beautiful."

Isinara ko na ang aking gate. Hinintay ko pa na buksan niya ang makina ng sasakyan niya bago ako naglakad sa front door ng bahay ko. Nang marinig ko na naka alis na siya ay saka na ako pumasok. Napabuntong hininga ako nang makapasok ako. Sumandal ako sa pintuan.

Totoo bang hinalikan niya ako? Totoo bang sumagot ako sa halik niya? Totoo ba ang lahat ng iyon?

Hinawakan ko ang aking labi, nagsink in saakin at naalala ko lahat nang nangyari doon sa park kanina.

Totoo nga.

" Kailangan na nating matapos ang bakuna sa lalong madaling panahon." Anunsiyo ni Mr. Saldua sa meeting nila. Nakatayo ako sa tabi niya, nakikinig din ako sa pinag uusapan.

Totoo nga din pala ang balita na may ipinapagawang bakuna para sa mga tao.

" We are working that out, Mr. President. Sinabi ng mga scientist na hindi naman daw pwedeng madaliin dahil mahirap din daw po ang ginagawa nila." Nagtaas lang siya ng kilay sa sinabi ng lalaki.

Alam ko na ang pangalan niya. Siya si Alec.

" What about the explosions? Anong balita doon?" Tanong ni Mr. Saldua kay Alec. Tumingin si Alec saakin, lumingon naman din si Mr. Saldua sa akin.

" Stop looking at her." Utos ni Mr. Saldua. Hinila niya ang aking kamay at saka ako tumabi sa kaniya.

So possessive. Argh.

" Mr. Saldua.." Banta ko.

" Inaayos na po ang mga nasirang pasilidad, nasa evacuation center parin po ang mga nakaligtas, may schedule po kayo na bibisita kayo doon, Mr. President, and it's later. Inaasahan po kayo doon ng mga medias." Ani Alec, tumango naman si Mr. Saldua.

Umalis muna ako para magtimpla ng kape ni Mr. Saldua, minsan kasi ay inaantok siya sa mga meetings niya, kaya kailangan kong magbigay ng kape sa kaniya.

" How about the families of the survivors? Naabutan na ba sila ng tulong? Ang mga nasawi? Nasaan na?" Sunod sunod na tanong niya kay Alec.

" Hinihintay nila ang pagdating niyo sa Ospital, Sir. Nahinto po kasi iyon dahil kay-"

" I know." Bulong ko. Tumingin saakin si Mr. Saldua.

Ngumiti ako.

" Okay. Ihanda na ang sasakyan, pupunta na tayo sa mga nasa evacuation center." Tumayo na ang mga kasamahan namin dito, hindi pa siya tumatayo sa kinauupuan niya.

Nang makalabas na silang lahat ay lumingon ako kay Mr. Saldua.

" What now?" Tanong ko.

" Matabang ang kape ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya saakin. Agad agad kong kinuha ang kape at saka ko ininuman. Nagtaas ako ng kilay ko nang malasahan ko.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon