" Chandria! You're back?! Omygod!"
Puri saakin ng mga kasamahan ko noon, nagkumpulan sila sa harapan ko, at saka nila ako hinahawakan isa isa. Ngumiti naman ako sa kanilang lahat.
" Hindi pa ngayon, aayusin at titignan ko pa ang opisina ko, bago ako maglalagay ng mga bagong gamit." Paliwanag ko sa kanila. Masaya sila sa pagdating ko sa palasyo, kita ko sa mga mata nila ang tuwa, kaya tumaba ang puso ko sa kanila.
Kilala parin nila ako at saka hinihintay nila akong bumalik.
" Mabuti naman at bumalik ka na! Pabagal bagal kasi ang mga kinukuha noon ni Mr. Saldua, nakakapang init ng ulo." Tumatawang sambit ng isa, napatawa din ako sa sinabi niya, ang harsh pero ganoon talaga si Leandro, isa din sa ayaw pabagal bagal kumilos, kaya pati ang mga ibang tauhan, umiinit ang ulo sa mabagal kumilos.
" Sige, mamaya nalang ulit? Pupunta na ako sa opisina ko." Paalam ko sa kanila.
Ngumiti sila saakin at saka nila ako hinayaan na maglakad na papunta sa opisina ni Leandro, naroon ang lamesa ko kaya naman doon ako pupunta, dala dala ko ang kontrata na ibinigay niya saakin kahapon. Kumatok ako nang makatayo ako sa harapan ng pintuan ng opisina niya.
" Come in." Dinig kong utos niya. Kaya pinihit ko na ang doorknob at saka ako sumilip at nagpakita sa kaniya.
Tumayo naman siya nang makita ako.
" Hi." Nahihiyang bati ko sa kaniya, at saka isinara ang pintuan. Ngumiti ako sa kaniya at saka ko inilibot ang tingin sa buong opisina.
Walang pinagbago.
" Why so sudden? Hindi mo sinabi saakin na pupunta ka." Aniya habang pinaghihila ako ng upuan dahil nakaskirt ako. Ngumiti ako at saka ko iniaabot ang kontrata sa lamesa niya.
Nangunot naman ang kaniyang noo.
" Can I borrow your pen? Pipirma na ako." Kita ko ang pagkagulat sa mata niya pero hindi ko ipinahalata na nakita ko siya. Ngumiti siya saakin, at saka niya binigay ang kaniyang ballpen.
Inabot ko ito.
Ibinuklat ko ang envelope at saka ko ito ipinunta sa pinakadulong parte, nang makita ko ang pangalan ko ay agad ko na itong pinirmahan at saka ibinalik sa envelope.
" I am here also to check my things, pero mukhang ayos naman ang lamesa ko." Sabay kaming bumaling sa lamesa ko na nasa gilid lang ng lamesa ni Leandro, napangiwi ako, dati rati nariyan ako at stress na stress sa pagischedule sa mga gawain niya, ngayon, babalik na ako.
" Balak ko nga sanang ilipat na, baka hindi ka na komportable na-" Nanlaki ang mata ko at saka ako tumayo.
" No, it's fine, kahit dito na lang, ayos lang naman saakin." Hindi dapat ako makalayo kay Leandro, dapat ay magkasama kaming dalawa dito sa loob para makita ko kung sino ang mga pumapasok at bibisita sa kaniya, kaya dapat ay nandito ako palagi.
Ngumiti ako kay Leandro at ako naglakad papunta sa lamesa ko, hinawakan ko ang name plate ko doon na napakalaki, at saka ako umikot para makaupo sa swivel chair ko.
" Well, if that's what you want, then dito ka na." Napa thumbs up ako ng pasikreto sa success ko, hindi naman pala mahirap kausap si Leandro e, masunurin naman pala siya.
Dinamdam ko muna ang upuan ko, pinakiramdaman ko muna habang nakaupo ako, namiss ko din ang upuang ito dahil halos araw araw ay narito ako, palaging kami ang magkasama, kaya naman nakakamiss siyang upuan. Tinignan ko ang mga papeles dito sa ibabaw ng lamesa ko, naka ayos sila at nakasalansan ng maayos, pati ang mga ballpen at kung ano ano pang makikita sa lamesa ko ay maayos at malinis, sino ang naglinis dito?
BINABASA MO ANG
The President's Killer Mind
RomanceChandria Marina Valderama is a Presidential Secretary of Mr. President Leandro Saldua. Isa siyang magaling na sekretarya. Siya na ata ang Sekretarya na hihilingin nang kungi sino. Ginagawa niya ang trabaho niya nang may puso, tiyaga, at pagmamahal...