Chapter 65

53 4 0
                                    

" Anong huwag mag alala?! Muntik na ako magwala noong nalaman kong nasa Ospital ka, Jacob naman!"

Malakas ang tawa ko habang nakatingin sa mga kaibigan kong kanina pa hinahampas hampas si Jacob sa dibdib at likod, ngayong umaga nila ibinuhos ang galit kay Jacob dahil kauuwi niya galing duty.

" Chill, Guys. Buhay pa ako, hindi ako basta basta mamamatay." Ani Jacob na tinatawanan ang mga kaibigan kong hindi parin matigil sa paghampas sa kaniya.

Lumapit ako sa dalawang babae at saka sila inalis mula kay Jacob, gulo gulo ang buhok nilang dalawa habang pawis na pawis.

" Come on, you're hurting him, tapos na, okay? Ayos naman siya e, nothing to worry about." Kusilap ko sa kanilang dalawa.

" E kasi naman, nag alala ako sa kaniya, tapos tatawanan niya kami." Hindi makapaniwalang sambit ni Ariyana.

" I'm really sorry, alam niyo naman ang dahilan, hindi ba?" Tumango ang dalawang babae sa sinabi ni Jacob. Ngumiti sila at saka sila yumakap kay Jacob, napailing ako sa sobrang kakulitan ng mga kaibigan ko.

Mabuti nalang at malaki ang pasensiya ni Jacob sa kanila.

" Basta huwag mo kaming binibigyan ng ganoong biglaang balita, Jacob, ikakamatay ko iyon, wala pa akong nakukuhang sugar daddy." Pinalo ni Ariyana si Alaia dahil sa sinabi niyang iyon.

Nang kumalma ang dalawang babae ay agad na silang nagpaalam na aakyat muna sa kwarto nilang dalawa. Naiwan kami ni Jacob dito sa ibaba.

" Hinatid ka ba niya kagabi?" Tanong niya.

" Oo, nakatulog ako doon pero hinatid niya naman ako kaagad nang magising ako." Hinawakan niya ang aking mga kamay at saka siya ngumiti saakin.

Tinanggal ko isa isa ang mga pins na nakalagay sa kaniyang uniporme, at nilagay sa kamay niya.

" Magpalit ka na." Utos ko.

" Copy, Boss." Aniya bago naglakad pataas sa kwarto niya.

Mamaya maya ay papasok na din ako, sabay sabay na kami ng mga kaibigan ko, okay daw na malate ako, kasi overtime ako kagabi, at tapos ko naman na ang mga gawain ko kaya kahit anong oras na ako doon pupunta mamaya.

" Jacob, nandoon na ang pagkain mo sa ref, iniwan namin doon!" Sigaw ni Alaia nang matapos kaming kumain, natutulog pa siguro si Jacob kaya hindi siya bumababa, mamayang gabi pa ang kaniyang duty ulit, kaya baka natutulog siya sa itaas.

Nakabihis na ang mga babae, sina Alec at Maki naman ay naliligo palang, kakatapos nilang kumain. Ako naman ay nakaligo na kanina, magpapalit nalang ako ng damit ko. Umakyat ako para magpalit ng aking damit, dumiretso ako sa kwarto ni Jacob nang matapos ako.

" Jacob, aalis na kami, maiiwan ka dito mag isa. Iyong pagkain mo, naroon sa ref, iniwan namin." Paalala ko sa kaniya habang nakaupo sa tabi ng kama niya. Nag iinat naman siyang tumingin saakin at saka siya humikab.

" Take care, okay? See you later at the palace." Tugon niya.

Ngumiti ako at saka ko siya tinapik sa kaniyang balikat, bago ako naglakad pababa sa sala kung saan naroon na ang mga kaibigan kong nakabihis na at handa nang umalis.

" How's your sleep?" Iyan kaagad ang tanong saakin ni Leandro nang makapasok ako sa opisina niya. Tumingin ako sa kaniya at saka ko siya nginitian.

" Ayos lang naman. Ikaw ba? Kumain ka na?" Tinignan niya ang mga papeles na nasa lamesa niya at saka siya umiling.

" I'm waiting for you, let's eat breakfast together."

" Sure, let's eat." Sagot ko.

Nagpunta kami sa kitchen ng palasyo, may mga pagkain na doon na naka serve, baka siya ang naghanda nito? At hinintay niya talaga ako?

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon