Chapter 48

28 4 0
                                    

" Sinabi ko naman po, Sir, pasensiya na po."

Dinig ko ang sinabing iyon ng kasambahay ni Jacob, agad akong nagtago at itinago ang basahan na dala dala ko, naglilinis kasi ako ng kwarto.

Pero hindi ko alam kung kaninong kwarto ito.

" Nasaan siya?" Takang tanong ni Jacob, agad akong nagtago sa likod ng pintuan.

" Nandoon po siya kanina sa dating opisina niyo, Sir." Sagot ng kasambahay. So, dating opisina niya ito?

Kaya pala maraming papel at mga box na hindi ko alam kung anong laman.

" Hahanapin ko, mag ayos nalang kayo sa ibaba." Ani Jacob.

" Yes, Sir."

Hinawakan ko nang mabuti ang basahan na hawak ko, at saka ako mas lalong sumiksik sa likod ng pintuan, maya maya pa ang napapikit ako nang masagi ko ang vase na nasa gilid ko at nabasag iyon. Hindi ako kaagad gumalaw dahil nalaglag ang ibang bubog sa paa ko, takot ako na baka may dugo akong makita kaya naman hindi ko muna tinignan.

" Fuck." Dinig kong mura ni Jacob at saka siya pumasok sa kwarto kung nasaan ako.

Nakita kaagad niya ako nang isara niya ang pintuan.

" What happen?" Tanong niya.

" It hurts.." Daing ko at saka itinuro ang mga bubog sa paa ko.

Isa isa niyang dinampot ang mga bugbog na sa paa ko, at saka niya ako binuhat. Nabitawan ko pa ang basahan na hawak ko. Naglakad siya padiretso sa kwarto niya.

" Anong nangyari?" Tanong ng mga kaibigan ko. Sumunod silang pumasok sa kwarto ni Jacob.

" Leave us alone." Ani Jacob.

Agad na umalis ang mga kaibigan ko at saka isinara ang pintuan. Nakayuko naman akong humarap sa kaniya habang nakaupo sa kama. Hindi ko siya matignan sa mga mata niya.

" What are you doing in there?" Tanong niya kaagad saakin.

" Cleaning." Maikling sagot ko.

" What did I told you?" Tanong niyang muli.

" Don't clean or touch your things." Nakasimangot na sagot ko.

" Did you listen to me?" Umiling ako.

" No." Sagot ko.

Pinagsalikop niya ang mga braso niya sa harapan ko, at saka siya muling tumingin saakin.

" Did my vases fell down?" Umiling ako.

" Just one."

" And?" Aniya.

" You're mad." Dinig ko ang mahinang tawa niya.

" Does it hurt?" Turo niya sa paa ko habang hawak hawak niya, tinignan ko naman iyon.

" You're mad." Sambit kong muli.

" Can you walk?"

" Jacob..." Pagpapatigil ko sa sunod sunod na tanong niya.

" I am mad, baby, you made me worried." Aniya at saka umalis sa kwarto.

Laglag ang panga ko siyang tinignan lang na isara ang pintuan habang ako naman ay naiwan dito sa loob mag isa. Napatingin pa ako sa paligid ko dahil mamaya ay may multo pala dito at bigla akong kunin. Hindi ko nalang siya pinansin at nagkulong nalang din sa kwartong ito.

Nahiga ako, at nagmuni muni, panay lang ang tingin ko sa orasan na nasa side table, akala niya siguro ay susundan ko siya? No way.

Lumabas na ako ng kwarto nang hapon na, wala din namang ginagawa ang mga kaibigan ko, kaya wala akong ibang gagawin sa ibaba. Tinignan ko na din pala ang paa ko, wala naman siyang sugat at namula lang, kaya walang dapat ipag alala.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon