Chapter 14

82 12 0
                                    

" What the heck are you saying, Ariyana?"

Hesterikang tanong ko sa mga kaibigan ko nang magsabay sabay kaming kumain na apat.

" May isang baranggay na ang buong mamamayan doon ay namatay, sabay sabay!" Nalaglag ko na ang aking kinakain pabalik sa baunan ko.  Agad akong humarap kay Ariyana.

" Anong sinabi mo?" Paulit ulit na tanong ko.

" Sabay sabay na namatay, Chandria. Sa tingin mo, sino ang may pakana nito?" Tumingin ako sa kanilang tatlo.

" Do you think it's Mr. Saldua? Pero paano? He's making his ways to get to know who is the culprit." Nagtaas sila ng kilay saakin, at saka sila naglagay ng parang map sa harapan ko, mga patterns iyon sa nangyayari sa paligid namin.

Tinignan ko ito habang nagsasalita si Ariyana.

" What do you think is the reason why Mr. Saldua wants to create a vaccine? For what, Chandria? Wala namang outbreak na sakit, wala namang epidemic, pandemic, wala, so bakit siya nagpapagawa ng ipapabakuna sa mga tao?" Tinignan ko ang mapa, mga patterns, records ng mga namamatay, linggo linggo, maswerte nalang kami at buhay pa ang mga magulang at lahat ng kamag anak namin.

" Balak bang angkinin ni Mr. Saldua ang buong bansang ito? Bakit unti unti niyang pinapatay ang mga tao?" Tanong ni Maki sa harapan namin, napabuntong hininga si Alaia, si Ariyana naman ay patuloy na tinitignan ang mapa na nasa harapan namin.

Tinignan ko si Maki.

" Bakit tayo nagfo focus sa iisang tao? Paano iyong iba? Paano kung hindi naman pala siya? Paano kung may ibang tao talaga sa pangyayaring ito? What if it's not Mr. Saldua?" Nag igting ang panga ni Maki sa sinabi ko, umiwas siya ng tingin at saka siya tumayo.

" Sinasabi mo iyan kasi pinagtatanggol mo siya? Isantabi mo ang puso mo, Chandria. Nakasalalay sa atin ang buhay nang milyong milyong tao." At umalis siya sa harapan naming tatlo, napayuko ako sa sinabi niya.

Sinasabi ko na nga ba na mali nanaman ang magiging intindi nila kapag sinabi ko iyon. Alam kong ganito ang magiging reaksiyon nila sa sinabi ni Mr. Saldua sa media.

" Alaia, Ariyana, sorry kung mali ang pagpapaliwanag ko, baka akala ninyo ay pinagtatanggol ko si Mr. Saldua, hindi ganoon iyon." Malungkot na sambit ko sa kanila.

" Alam namin, Chandria. Kailangan talaga nating mag isip ng malalim at maayos para malaman natin kung sino ang may pakana nito." Ngumiti sila saakin, kaya nahawa ako, tumayo ako.

Susundan ko si Maki.

" Susunod muna ako kay Maki, kakausapin ko muna siya." Paalam ko sa kanilang dalawa. Tumango naman sila at ngumiti saakin.

" Sige, kita nalang tayo ulit mamaya."

Naglakad ako, inisip ko kung saan ba possibleng mahanap si Maki, hinagilap ko siya sa kabuuan ng Palasyo, hindi ko alam kung saan ako pupunta, mabuti nalang at nakita ko siyang nakaupo sa isang hallway na hindi madalas nadadaanan ng tao.

" Maki.." Mahinahong tawag ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin kaagad.

" I'm sorry-"

" Sorry-" Sabay naming sambit.

" Maki, mali ang pagkakaintindi mo sa gusto kong sabihin, hindi ko naman pinagtatanggol si Mr. Saldua, nagbi brainstorm lang ako kanina kaya nasabi ko iyon." Hinawakan niya ang aking mga balikat, at saka niya ako tinignan sa mga mata ko.

" You know what? I am jealous, Chandria. Selos na selos na ako, alam mo ba iyon? Kahit na alam kong hindi mo mahal si Mr. Saldua, hindi ako mapakali. Nag seselos ako, Chandria. Mahal kita." Hinila niya ako palapit sa kaniya at saka siya ako niyakap, nanlalaki ang mata kong nagpaubaya sa yakap at hatak niya saakin.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon