Chapter 13

79 9 0
                                    

" Paano kita titigilan?! Malandi ka! Sumisiksik ka pa talaga dito sa Palasyo!"

Hindi ako lumalaban, hinahayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya, ako naman ang mapapatalsik kung lalaban ako, kaya hinayaan ko siya. Nakita ko ang ilang butones ng damit ko sa sahig, gulo gulo na din ang buhok ko.

" Umamin ka nga saakin, gusto mo ba si Mr. Saldua o inaakit mo lang siya para sa pera?" Malakas na sigaw niya saakin.

Umiling ako at saka ako yumuko.

" No, Ms. Lazatin, wala sa pagpipilian ang sagot. Hindi ko mahal si Mr. Saldua at lalong hindi ko siya inaakit, ginagawa ko lang ang-"

" Ang alin? Ang panlalandi sa Presidente?" Umiling ako, itinulak niya ako sa pader, at saka niya ako niyugyog doon, masakit na ang likuran ko.

Kaunti nalang ay papatol na ako!

" Hindi ko kailanman-"

" Fuck off." Agad na may nagtanggal ng kamay ni Ms. Lazatin na nakahawak sa aking damit. Tinignan ko ang damit ko, sira na nga ito, tinakpan ko ito ng dalawang kamay ko, at saka ako yumuko.

Sapatos palang, alam ko na kung sino ang lalaking nakatayo sa harapan ko.

" Knight shining armor, huh?" Pilyang tanong ni Ms. Lazatin kay Mr. Saldua.

" I want to terminate you, Ms. Lazatin. Hahanap ako ng ibang Vice President na ipapalit sayo, maghanda ka na." Hinila ni Mr. Saldua ang kamay ko, naglakad kami papasok sa opisina niya.

" Mr. Saldua-"

" Fuck off, Ms. Lazatin! Aalisin kita! Tandaan mo ang ginawa mong ito!" Sigaw ni Mr. Saldua at saka niya isinara ang pintuan nang padabog, napapikit pa ako sa ginawa niyang iyon.

" Leandro.." Tawag ko dito, tinanggal niya ang dalawang kamay ko na nakaharang sa damit ko, hinubad niya ang kaniyang coat, at saka niya ito isinuot saakin.

" May polo akong isa doon, hindi ba? Suotin mo muna iyon. Bibilhan kita ng bagong damit mo. I'll wait for you." Aniya. Hindi ako nakinig, yumakap ako sa kaniya, kahit na nakakahiya, yumakap ako.

Alam kong bawal gawin, pero gusto ko.

" Yes you can hug me, Chandria. Come here." Hinigit niya ang beywang ko at saka niya ako niyakap, ramdam ko din sa likod ko ang kamay niya.

Napatulala ako sa pintuan habang nakayakap ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong nangyari, bakit galit na galit saakin si Ms. Lazatin, wala naman akong ginagawa.

" Thank you, Mr. Saldua for saving me   from Ms. Lazatin." Nakabusangot na saad ko sa harapan niya.

" Nasaktan ka, alam ko, saan ang masakit sa iyo?" Tanong niya saakin. Yumuko lang ako, tinitignan niya ako at ineexamine niya ang kalagayan ko.

" It's my back. It hurts. Tumama siya ng ilang beses sa pader kanina." Tumango siya.

Hinawakan niya ang telepono niya at saka siya tuminging muli saakin.

" Dra. Francheska, I need you here." Naglakad ako palapit sa kaniya kung saan siya nakatayo at kausap si Dra. Francheska, ang kaniyang Personal Doctor.

" Mr. Saldua, there's no need, I am okay-"

" I told you, wear my extra polo, Chandria, I can see your undergarments already." Tinignan ko ang damit ko at saka ko ito inayos. Naglakad ako kung saan nakalagay ang mga polo niya, kinuha ko ito at saka ako pumunta sa banyo para magpalita.

Itatapon ko na ang damit ko na ito, sira naman na.

" Wait a minute." Sigaw ko.

Nag ayos ayos pa ako sa harapan ng salamin, nagisip pa ako ng style na gagawin ko sa damit ko, mabuti nalang at naayos ko siya, kaya maganda na siyang tignan.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon