Chapter 44

40 4 0
                                    

" I'm jealous, Chandria. Stop it."

Napalunok ako sa ibinulong ni Jacob saakin habang papalabas kami ng pintuan at naglalakad na pabalik sa pool at sa niluluto nila doon sa labas.

" You don't want to swim?" Malambing na tanong ni Jacob sa akin.

Umiling ako.

" Mamayang gabi nalang siguro." Tumango at ngumiti siya sa sinagot ko sa kaniya. Naghain na ako ng plato at mga kailangan namin sa pagkain sa lamesa na narito sa labas, si Maki naman ang kumuha ng kanin at nagtuwalya na ang mga kaibigan ko para makakain na din sila.

Inilagay na ni Jacob ang mga natapos nang maihaw na karne sa malaking plato at saka nila ito hiniwa hiwa para tantiyado ang pagkuha namin doon. Naupo ako sa ibinigay na upuan ni Alec, at saka ko hinintay ang iba.

" Jacob, sit beside me." Aya ko kay Jacob at turo turo ang upuan na bakante sa tabi ko, tumango naman siya sa akin at saka naupo sa tabi ko.

Nagdasal kami bago kumain, at saka nilantakan ang pagkain na inihanda nila.

" Ang sarap ng sauce na gawa ni Maki." Dinig kong puri ng mga babae sa gawang sauce ni Maki, nakatulala  naman ako habang kumakain, basta nalang sumusubo at lumulunok, hindi ko tinitignan ang pagkain ko.

" Chandria, here." Huli na nang makaiwas ako sa kamay ni Jacob, sinubuan niya ako gamit ang kamay niya, hindi ko kasi namalayan na gagawin niya iyon at agad kong isinubo ang kamay niya.

Umiwas ako ng tingin nang mapagtantong naisubo ko ang kamay niya.

" I'm sorry." Paghingi ko ng tawad sa kaniya.

Si Alaia na ang nagprisentang maghuhugas ng plato, sina Maki at Ariyana naman ang nag ayos ng lamesa at si Alec ang nagpatay ng apoy sa ihawan na ginamit kanina. Naupo ako sa pool at ibinabad ang paa ko doon. Pinagmasdan ko silang gumalaw at magtulong tulong na mag ayos ng pinagkainan namin.

Napabuntong hininga ako.

Kamusta na kaya siya? Alam kong iba ang gagawin niya kapag wala siyang maisip na plano o magulo ang isip niya, alam kong iiinom niya iyon at masasaktan niya ang kaniyang sarili, pero nandito ako at iniwan ko siya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, nag aalala ako kay Leandro, baka mamaya ay kung ano ang mangyari sa kaniya, wala na sina Alec doon kaya wala na siyang katulong sa mga gawain, lalo na sina Ariyana at Alaia na alam na alam ang gagawin doon sa bahay niya, wala na din. Paano na kaya siya?

Iniwan ko siya na hindi man lang sinasabi ang dahilan, hindi ko na sinabi dahil kapag nalaman ng mga tauhan niya ay magkagulo sila at iwanan nila nang tuluyan nang magisa si Leandro doon, iniwan ko siya na hindi man lang pinakikinggan ang paliwanag niya, na hindi man lang inalam ang side niya, ang nararamdaman niya, iniwan ko siya nang hindi niya alam kung bakit. Hindi ko alam kung matutuwa akong nakalaya ako sa kaniya o malulungkot ako na iniwan ko siya.

Masakit para saakin na iwanan siya nang wala man lang pasabi, at paliwanag kung bakit, basta ang alam ko lang ay tama ang ginawa ko.

Babalik pa kaya ako kay Leandro kapag natapos na namin ang plano namin?

" Chandria, maaraw na dito, doon ka na muna sa loob, nag aaya silang manuod." Kalabit sa akin ni Maki, sumimangot ako sa kaniya, at saka ako nagpatulong na tumayo mula sa pool.

Kinuha niya ang kamay ko, at saka niya ako tinulungang makatayo.

" Salamat." Saad ko.

Maingay sa loob nang makarating kami doon, nagkakagulo sila dahil nag aaway si Ariyana kung anong papanuorin namin, ang mga lalaki naman ay busy na ayusin ang player at speaker ng gagamitin namin.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon