Chapter 50

41 3 0
                                    

" Chandria! Gising! Si Jacob, si Jacob!"

Halos manlumo ako sa panggigising ng mga kaibigan ko sa akin, ang lalakas kasi ng mga boses nila at halos mabingi na ako sa pambubulabog nila saakin.

" What happen?" Histerikang tanong ko sa mga kaibigan ko.

" Si Jacob, mag ayos ka, dalian mo, naroon siya sa pool area!" Iniwan nila akong dalawa na tumatakbo at nagsisitilian, hindi ko alam kung ano ang trip nila pero agad na akong nag ayos ng mukha ko, at saka na ako bumaba para hanapin si Jacob.

Suot suot ko parin ang damit niya, ipinalaba ko na sa mga kasambahay ang mga damit ko, kaya may damit na ako bukas. Nang makarating ako sa pool area ay wala nadatnan ko si Jacob na naliligo sa pool mag isa, naka shorts lang siya at walang damit pang itaas, agad akong nagtaka. Akala ko ba may kung anong nangyari na kay Jacob, bakit nariyan lang siya sa pool at naliligo mag isa?

" Jacob, are you fine?" Inaantok na tanong ko at saka naupo sa mahabang upuan, sumandal ako para maisandal ang uluhan ko at matulog pa ulit.

" I am, why?"

" Naghihisterical ang mga babae kanina, akala ko kung anong nangyari sayo, ginising pa nila ako." Sambit ko habang nakapikit ang mga mata.

Ano bang trip nila sa buhay nila?

" Aakyat na ako, bubuhatin na kita pabalik sa kwarto." Dinig kong sambit ni Jacob bago ako lamunin ng antok ko.

" Baby, careful..." Naalimpungatan ako nang bumagsak ang likod ko sa malambot na kama. Si Jacob din ang unang nakita ko nang buksan ko ang aking mga mata.

" I'm sorry.." Sa hindi malamang dahilan ay iyan ang nasambit ko.

Agad siyang nagtaka sa akin.

" For what? You didn't do anything bad that'll make me mad, what are you saying?" Alalang tanong niya saakin at saka siya naupo sa gilid ng kama at gilid ko.

Nag pout ako sa harapan niya.

" Sorry for being like this, you're baby-ing me, everytime you're doing it, I feel something, I don't know what do you call that, but I love it everytime I am feeling it." Ngumiti siya, hinawakan niya ang mga kamay ko, at saka niya iyon pinaglaruan na animo'y isa siyang bata.

Tinignan ko kung ano ang ginagawa niya sa kamay ko.

" Just let me gave you that feeling, Chandria." Tanging sagot niya lang sa akin.

Nagkakasiyahan ang mga kaibigan ko sa ibaba nang madatnan ko, parang wala nga kaming problema tignan habang nandito kami sa bahay ni Jacob, pero ang totoo, naghahanda na kaming lumabas ng bahay pagtapos ng ilang araw dahil tutulong kami sa pagpapalikas sa mga tao, kaya naman excited na ako. Nagkukwentuhan sina Maki, Alec, Alaia, at Ariyana sa sofa sa sala, may kinakain din sila doon, kaya hinila ko si Jacob para makisama sa kanila.

" O? Akala namin magsosolo na kayo forever e." Biro ni Alec. Napangiwi ako sa sinabi niya.

" Bakit ang saya saya niyo ata dito?" Pagiiba ko ng usapan.

" Hindi kami nagsasaya, masaya talaga iyong panood. Look, ito yung pinanunuod nating SPG noong isang araw na hindi natin napatapos." Halos malaglag ang panga ko nang makitang iyon nga ang pinanunuod nila sa laptop.

Agad kong tinakpan ang mga mata ko sa nakita.

" Bakit kayo tumatawa kung iyan ang panood?" Mas lalong lumakas ang tawa nila.

" Intro lang iyong may ungol, Chandria, pero comedy talaga itong laman ng CD na ito." Tumango ako sa sinabi niya, intro pero umuungol?

May ganoon ba?

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon