Chapter 54

39 2 0
                                    

" Dalian niyo! Pabagal bagal!"

Sigaw ni Alaia sa labas ng bahay ko, naka sumbrero at naka sunglasses pa ito nang napakalaki, at saka naka dress, hindi ko alam ano ang trip ng mga kaibigan ko.

" Parang tanga si Alaia, o, magpapalabas tayo ng mga nasa evacuation area, bakit ganiyan ang suot mo?" Sigaw ni Ariyana mula sa pintuan ko, nasa gate na si Alaia at naiinitan na kaya lang ay uma-aura parin siya sa init.

Sinamaan ng tingin ni Alaia si Ariyana.

" Kailangan maganda tayo, may media pala doon. Tsaka ngayon nalang ako makakapag suot nito, noong naka isolate tayo, panay pambahay ang suot ko!" Sabat naman ni Alaia, napailing nalang ako sa dalawa, inaayos ni Jacob ang sasakyan namin.

Tumingin ako sa whole body mirror ko dito sa sala, at saka ako umikot ikot, kumuha pa ako ng litrato ko, dahil gandang ganda ako sa suot ko ngayong araw.

" Chandria! Tignan mo si Alaia parang tanga dito sa labas! Nababaliw na ata!" Napailing ako sa sinabi ni Ariyana, malakas mang asar ang isang ito, kaya alam kong mag aaway silang dalawa sa van mamaya.

" Nariyan na ako, teka!" Sigaw ko pabalik. Tinignan ko ang suot ko, nag heels na ako ngayon, para maayos naman akong tignan, ngayon nalang ako ulit nakapag heels kaya naman susulitin ko na.

Naka dress din ako kagaya ni Alaia, at saka naglagay lang ako ng hair clip para may ayos ang nakalugay kong buhok. Ngumiti ako sa salamin bago ako tuluyang lumabas.

" Damn.." Dinig kong mura ni Jacob nang makalabas ako sa pintuan, agad namang natigil ang mga kasamahan ko sa pagsakay sa van nang marinig ang mura ni Jacob.

" What's the matter?" Alalang tanong ko kay Jacob.

" You look so good, damn it." Puri niya sa suot ko, ngumiti naman ako.

" You like it?" Tanong ko, tumango siya at saka niya inamoy ang pabango ko sa leeg, napatili naman ang mga kasamahan namin sa ginawa niya.

" Smells so good, fuck." Puri niyang muli, napatawa naman ako sa sinabi niya, at saka ako umakyat sa sasakyan ko. Sa tabi nanaman ako ni Jacob, as usual, hindi naman iyan papayag na doon ako sa likod kasama ng mga kaibigan ko.

Nakafocus si Jacob sa daan, ang mga kaibigan ko ay kumukuha ng litrato sa likod, gustong gusto nila ang mga outfits nila, akala mo may lakad talaga. Nagbaon parin kami ng pagkain, dahil syempre baka magutom kami doon. Nang makarating kami doon sa venue ay agad kaming pinagtinginan ng mga tao.

" Hello po, magpapalabas na kami ng mga tao." Sambit ko sa mga Pulis na sumalubong saamin at sumaludo kay Jacob.

" Naroon sila sa loob, Ma'am. Naghihintay na sila." Ani ng isang Pulis.

Hinawakan ni Jacob ang aking beywang.

" Come on, hold my hand. Be careful." Hinawakan niya ang aking kamay at beywang at dahan dahan kaming naglakad papasok sa venue para makapag palabas na kami ng mga tao, nauna na sina Ariyana at Alaia doon sa loob, baka nga naguumpisa na din sila.

" Okay na ako dito, punta ka na doon, okay?" Nag thumbs up siya sa sinabi ko. Ngumiti ako at saka siya umalis.

Nakita ko ngang nag uumpisa na sina Ariyana at Alaia na magpalabas ng mga tao. Sina Maki at Alec ay inaayos ang pila ng mga tao na lalabas na. Hindi ko alam kung may pagkain silang inihanda pero ayos lang naman saamin dahil may dala kaming pagkain sa sasakyan, doon nalang kakain mamaya kung nagutom at natapos na kami dito sa loob.

" Excuse me, saan ang restroom dito?" Tanong ko sa isang babae na nakapila, tinuro niya ang nag iisang pinto sa dulo.

" Iyon po, Ate." Sagot niya.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon