" Akala ko nagbibiro ka lang?"
Kabadong tanong ko sa kaniya nang may ibigay siyang kontrata saakin, iniabot niya na ito saakin kanina pero ngayon ko lang nabasa.
Ako ang papalit kay Ms. Lazatin.
" You fit the position, Chandria-"
" Pero Leandro, hindi ko kayang maging pangalawang pangulo, hindi ko alam, hindi ako handa, paano ko patatakbuhin ang bansa kung hanggang pagsi set ng schedule lang ang alam ko?" Nanginginig ako habang nakikipag usap sa kaniya, ngumiti naman siya saakin, hinawakan niya ang aking mga braso.
" Look, Chandria. I will help you, hinay hinay iyan, hindi mo naman kailangang magmadali, tuturuan at tutulungan kita, okay?" Hindi ako nag react sa sinabi niya saakin.
Ibinaba ko ang papel sa lamesa ko, ramdam ko naman ang titig niya saakin kaya nilingon ko siya.
" Hindi mo ba pipirmahan muna?" Tanong niya.
" Hangga't hindi ko alam kung paano magpatakbo ng bansa, hindi ko muna titintahan iyan, Leandro. I'm sorry." Hingi ko ng tawad sa kaniya, bumuntong hininga siya.
" Look, hindi ko alam na tototohanin mo ang sinabi mo saakin, kaya kalmado ako na hindi nga ako ang papalit kay Ms. Lazatin, Leandro, for how many years, ang alam ko lang ay mag set ng schedule mo, magpapirma, lumibot para magpasa ng mga papel, mag print at tumanggap ng reports, ihatid ka sa meetings mo, sa mga lugar kung nasaan ka, nakasunod lang ako, at magreport sayo." Hindi siya humarap sa akin, naka focus siya sa kaniyang ginagawa.
Itinago ko ang kontrata sa cabinet ko, itatago ko muna ito, hindi pa ako handa.
" I'll wait for your decision, I'm going, sumunod ka nalang sa meeting." Aniya. Malakas ang pagbagsak ng pintuan nang makaalis siya sa opisina, alam kong nagalit ko siya, hindi naman at ayaw ko naman na pumasok sa isang trabaho na hindi ko alam ang ginagawa ko, kaya kung maaari ay alamin ko muna kung paano ang pagpapatakbo para hindi ako mahihirapan at hindi madamay ang mga tao sa desisyon na gagawin ko.
Kinuha ko na ang ballpen at notebook ko, pati na ang laptop ko, at saka na ako sumunod kay Leandro sa meeting niya. Nadatnan ko nga ang opisina ni Ms. Lazatin at wala talagang tao doon, hanggang sa meeting ay wala na siya. May ipinapaliwanag si Alec nang makapasok ako doon, tinanguan niya nga ako kaya tumango din ako sa kaniya pabalik, tumayo lang ako sa likod kung saan nakaupo si Leandro, hindi na muna ako makikialam, total ay hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila.
" Ang mga unang batch po ng bakuna ay ilalabas na at ieexport na sa bansa sa susunod na mga araw, kailangan na po nating ibalita sa mga tao na kailangan nilang magpabakuna para sa kaligtasan nila, at para na rin po hindi sila mapahamak, nagtawag na po ako ng mga gagawa at manghihikayat sa mga tao na kung maaari ay magpabakuna sila, sinabi po nila saakin na kapag naibalita na nila sa media ay pwede na tayong magsimula sa pagbabakuna sa mga tao." Bakuna? Matagal na nila itong sinasabi saakin, para saan nga ba ang bakuna na ito?
Bakit pinamamadali niyang tapusin at ibakuna sa mga tao?
" Mabuti iyan. Bawat baranggay ay magpapadala tayo ng bakuna doon, para mas madali at tuloy tuloy ang proseso ng ating pagbabakuna, sinabi ko na din sa media at articles na ang bakuna na iyon ay proteksiyon nila sa katawan para hindi sila kaagad malason at maapektuhan sa gamot na kumakalat sa iba't ibang uri ng pagkain na nabibili sa pamilihang bayan-"
" Isa pa po iyan, Mr. President, sa ngayon, pinasara namin ang ibang palengke na nagtala ng food poising sa lugar, habang ang iba naman po ay pinaiimbestigahan namin ang mga tinda nilang pagkain para tiyakin na ligtas ang mga tao at ligtas ang kinakain nila sa pang araw araw." Napahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Alec, matagal ko na kasing sinabi iyan, at ngayon lang napagtuuan ng pansin, mabuti iyon para walang ibang madamay sa food poisoning na nangyayari sa iba't ibang lugar.
BINABASA MO ANG
The President's Killer Mind
RomansaChandria Marina Valderama is a Presidential Secretary of Mr. President Leandro Saldua. Isa siyang magaling na sekretarya. Siya na ata ang Sekretarya na hihilingin nang kungi sino. Ginagawa niya ang trabaho niya nang may puso, tiyaga, at pagmamahal...