Chapter 12

94 10 0
                                    

" Ms. Lazatin.."

Saad ko nang makita ko si Ms. Lazatin sa pintuan at dahan dahan na siyang naglalakad sa loob ng opisina na ito paharap sa amin ni Mr. Saldua.

" No more explanation, Ms. Secretary, I saw it, I heard it, you don't need to justify anything." Tinaasan niya ako ng kilay at parang nang aasar niya akong tinitignan. Napalunok ako, napakurap kurap, anong gagawin ko?

Kasalanan ito ni Mr. Saldua!

" Ms. Lazatin, it's not what you think, Mr. President just help me out-"

" No, Chandria, baby. HAHA. No formalities, calling you baby, takes care of you, holding your waist infront of medias? Anong akala mong iisipin ko? Walang namamagitan sa inyong dalawa? Nag apply ka lang ba dito dahil aakitin mo ang Presidente?"  Umiling ako sa sinabi niya. Tumayo ako, hinila naman ni Mr. Saldua ang kamay ko pabalik sa kaniya.

" As if you care if I do that to her, Ms. Lazatin. You're mad at her because you are expecting that those movements of mine towards her should be yours, is that it?" Hindi nakapag salita si Ms. Lazatin sa sinabi ni Mr. Saldua sa kaniya.

Pinagsalikop ni Ms. Lazatin ang kaniyang mga braso at saka siya humarap saamin.

" Don't you dare talk to me like that, Mr. Saldua. This act should stop, your countrymen should know about this." Umalis siya sa loob ng opisina, katahimikan ang namutawi sa aming dalawa dito sa loob ng kwartong ito.

Napalunok ako. Paano nga kung sabihin niya sa mga tao? Anong gagawin ng mga tao saakin? Anong reaksiyon ang makukuha ko sa kanila? Alam kong babatikusin nila ako kung nagkataon na sasabihin nga iyon ni Mr. Lazatin.

" Mr. Saldua, could you please stay away from me? Natatakot ako, hindi ko alam anong gagawin ko kung sasabihin nga ni Ms. Lazatin iyon." Takot na saad ko sa kaniya, suot ko na ang kaniyang tsinelas, magaan naman sa pakiramdam dahil may feathers din ito, tsaka malambot sa paa.

Bakit kasi pasulpot sulpot ang babaeng iyon?

" Why are you scared? She is just my Vice President. Ako parin ang nangunguna, bakit hindi ka saakin matakot?" Umiling ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko, hinawi niya ang buhok na takas sa aking mukha, at saka siya ngumiti saakin.

" Hindi naman kasi totoo iyong nasa isip niya-"

" Totoo, Chandria. I love you, not just because you are my Secretary, but, because you are Chandria, understood?" What? He loves me? As me? Mahal niya ako?

Paano?

Bakit ako?

Bakit hindi ang iba?

Bakit?

" Ako? Bakit ako? Mr. President, hindi ako karapat dapat diyan sa puso mo, iyong level ko, nandito lang, ikaw, nandiyan ka, tinitingala ka ng mga tao, sinusunod ka nila-"

" Bakit akala mo hindi kita sinusunod? What about you setting up my everyday schedule without my permission? Hindi ba sinusunod ko parin? How about you bossing me around? Narinig mo ba akong nagreklamo? No, right? Because, what? I like you, I like it how you boss me around, how you scold me for no reason, how you consign me. Everything, Chandria." Napakurap kurap ako sa sinabi niya saakin, lahat ng iyan? Paano niya nakabisado? Bakit alam na alam niya?

Hinawakan ko ang braso niya.

" I don't know what to say, Mr. Saldua. Just give me space if I need it, hindi ko alam anong sasabihin at gagawin ko para masuklian ang-" Tumawa siya sa sinabi ko, hinalikan niya ang kamay ko na hawak hawak niya, nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

" You don't need to pressure yourself for loving me back, Chandria. Kusa mong mararamdaman iyan, I can wait. I will wait." Hindi nalang ako nagpakita ng reaksiyon sa kaniya, hindi ko din naman alam anong ipapakita ko, ni hindi nga ako makapag salita.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon