" Just stay there, Chandria. Huwag matigas ang ulo."
Iyan ang palaging naririnig ko kay Leandro sa buong dalawang araw, pinipilit ko kasing maglakad at igalaw ang paa ko, para gumaling na ako kaagad, kaya lang ay hindi ako hinahayaan ni Leandro na makalakad at maka alis sa kama.
" Leandro, tatlong araw na ang nakalipas, magaling na ako." Tumalon talon ako sa harapan niya para ipakita na maayos na ako, napapailing nalang siya habang nakatingin sa akin na maligalig na at nakakatakbo na din.
Pinilit ko talagang gumaling dahil marami silang ginagawa, ayokong maging sagabal at pabigat sa kanila.
" Chandria, sabi naman sayo na-"
" Magaling na ako." Matigas na sagot ko sa kaniya.
Agad akong naglakad papunta sa mga sasakyan ni Leandro. Bibisita ako ngayon sa evacuation area kung saan ako nadisgrasya at natulak, ilang araw na doon na natutulog si Alec kaya dadalhan ko na din siya ng makakain niya.
" Babalik ako kaagad, dito ka na muna." Bilin ko kay Leandro, tumango naman siya sa sinabi ko.
Hinayaan niya na akong gawin ang gusto ko.
" Okay, take care." Ani Leandro.
Agad akong sumakay sa van, dala dala ang pagkain at ibang gamit para kay Alec, at saka na kami umalis papunta doon sa evacuation area. Tahimik sila nang makapasok ako doon, nakita ko kaagad si Alec, kausap si Jacob, agad na lumapit saakin si Jacob at inalalayan akong makalakad papunta doon sa kung nasaan si Alec.
" Magaling ka na ba?" Alalang tanong niya sa akin, ngumiti ako at saka ako tumango.
" Oo, tatlong araw naman na, kaya ayos na ako." Napahinga siya ng malalim sa sinabi ko sa kaniya.
Nagtataka si Alec habang inaabot ko sa kaniya ang pagkain at ibang gamit niya na naiwan sa bahay ni Leandro.
" Alec, nagdala ako ng mga gamit mo at pagkain na din, para hindi ka nakikikain sa mga pagkain nila." Ani ko, ngumiti siya sa akin, at saka niya ako dinalhan nang mauupuan ko.
Malugod akong naupo at tinignan ang mga taong nag uusap usap at ang iba ay natutulog pa. Walang ingay na naririnig, mayroon man pero mahina, galing sa mga batang naglalaro at nakikipag tawanan sa iba pang mga bata na narito sa loob.
" Maayos ka lang ba dito?" Alalang tanong ko kay Alec habang nakatingin sa mga tao.
Dinig ko ang buntong hininga niya.
" Ayos naman. Hindi naman sila mahirap pagsabihan, iyon lang at wala akong masyadong gamit, mabuti at nagdala ka." Natatawang kwento niya sa akin, nahawa ako doon kaya naman maging ako ay natawa na din.
" Kapag nakahanap na kami ng safe place at na clear na ang mga robots dito sa lugar na ito, pababalikin na natin sila sa bahay nila." Ngumiti siya.
" Kamusta ang paa mo? Galit na galit si Mr. Saldua nang makitang nasaktan ka noong mga nakaraang araw." Tumingin ako sa paa ko na ngayon ay wala na ang benda. Naka sapatos lang ako, at hindi na ako pinayagang mag heels muna, sinabi ni Leandro saakin iyon.
" Ayos naman na ako. Pinilit ko talagang makalakad para makatulong na ako sa inyo." Tinignan ko si Jacob na nakikipag kwentuhan sa mga taong nandito sa loob.
Magkababata kami ni Jacob, hanggang ngayon ay nakakapag usap at kita kami sa isa't isa. Mabait at matulungin talaga iyang si Jacob, kaya naman Pulis ang pinili niyang maging trabaho, gusto niya din kasing makalingkod sa bayan, kaya ayan, naging Pulis siya.
" Kaya nga. Iisang robot palang ang napapatigil nila, e hindi parin alam hanggang ngayon kung ilan ang mga nagkalat na robot sa buong bansa. Hindi ko alam kung kailan matatapos ito." Ramdam kong nawawalan na siya ng gana. Maging ako din naman, natatakot, kaya lang ay hindi ko alam kung anong gagawin ko, basta sumasabay ako sa sitwasyon, at inaayon ko ang kilos ko sa nararapat na gawin.
BINABASA MO ANG
The President's Killer Mind
RomantizmChandria Marina Valderama is a Presidential Secretary of Mr. President Leandro Saldua. Isa siyang magaling na sekretarya. Siya na ata ang Sekretarya na hihilingin nang kungi sino. Ginagawa niya ang trabaho niya nang may puso, tiyaga, at pagmamahal...