" Tumawag na ako ng mga Pulis, Sundalo, at iba pang magbabantay sa labas, Alec. Wala na bang kailangang gawin?"
Tarantang tanong ko kay Alec na kanina pa din paikot ikot sa buong palasyo. Ngayon lang kami nagkausap, pero mukha na kaming close sa isa't isa. Kasama ko siyang mag ayos sa security, kaya magkasama kami simula pa kanina.
" Mayroon pa, Chandria. May reports na may ilan pang pagsabog ang naganap sa ibang panig ng bansa, hindi ko alam kung saan saan sila, wala pa akong natatanggap na report." Tinignan ko ang memo ko, agad ko itong isinulat sa notebook, kailangan nanaman ng reports tungkol doon, kaya ko naman siguro, kaya ako na doon.
" Sige, ako na ang bahala dito. Kita tayo ulit mamaya, tatawag muna ako at hahanap ng reports para maibalita ko kay Mr. Saldua." Tumango siya.
Naghiwalay kami ng dadaanan namin, at saka ko na ginawa ang aking trabaho. Naglalakad palang ako ay tumatawag na ako sa mga magbibigay ng reports sa akin.
" Send me the reports as soon as possible. Okay? I'll wait for that until tonight, thank you." Ani ko.
" Yes. I need some back up security, doon mismo sa pinangyarihan ng explosion ulit. Pakibalitaan ako, salamat."
" For now, ako muna ang bibisita sa mga nasawi, ako din ang mag aabot ng tulong, nandiyan na ako mamaya, tatapusin ko lang ito. Pasensiya na. Salamat."
Natigil ako sa paglalakad nang tumunog ang lamesa ni Mr. Saldua sa harapan ko. Nilingon ko siya at saka ko ibinaba sa lamesa ko ang mga gagawin ko.
" Chandria-"
" Yes? Send it on my email account. Ipi print ko pa iyan para mapag meeting-an bukas o mamaya. I'll wait." Binuksan ko ang computer sa lamesa ko at saka ko binuksan ang email account ko, hihintayin ko ang reports para sa mga nasawi sa naunang pagsabog, at saka ako hihingi ng ibibigay na tulong kay Mr. Saldua mamaya bago ako aalis, ibabalot pa kasi isa isa iyon.
Iba budget, kung baga.
" Baby-"
" Chandria, nakuha ko na ang reports tungkol sa mga nasugatan sa pagsabog. Nasugatan palang ang nabilang nila, isesend ko na sa iyo." Tawag saakin ni Maki, sumandal ako sa aking upuan, binuksan ko na ang aking email account, nandito na ang report saakin.
" Salamat, Maki. Paki send nalang sa aking email. I'll wait." Saad ko.
Binuksan ko ang printer at saka ko iprinint ang report, iaabot ko ito kay Mr. Saldua maya maya, bago ako aalis at pupunta sa Ospital mamaya.
" Chandria, baby.." Nilingon ko sa pagkakataong iyon si Mr. Saldua.
Tumaas ng kusa ang aking mga kilay.
" I am busy. I'll give you the reports later. Wait for it." Nag ayos ako ng aking sarili, aalis na ako maya maya kapag natapos na ang report.
" I'm coming with you." Matigas na sambit niya saakin.
Sinamaan ko siya ng tingin.
" No, Mr. Saldua, you can't. Delikado, huwag matigas ang ulo, okay? Now, I need you to sign this and give me the money, para mabilang ko na at maibigay ko na doon." Mabilisan kong kinuha sa printer ang report na natanggap ko, at saka ko ito ibinagsak sa lamesa niya.
Sumandal lang siya sa upuan niya at saka niya kinuha ang ballpen. Pinaglaruan niya lang ang ballpen habang nakatingin saakin.
" I'll sign this paper, if you kiss me." Fuck this. Laglag ang panga kong tumingin sa kaniya.
" What? Come on. Nagmamadali ako. Ni may sign iyan o wala, just give me the money." Nilahad ko ang kamay ko sa kaniyang harapan, tumawa naman siya. Inikot ikot niya ang ballpen sa kamay niya at saka siya tumitig saakin.
BINABASA MO ANG
The President's Killer Mind
RomanceChandria Marina Valderama is a Presidential Secretary of Mr. President Leandro Saldua. Isa siyang magaling na sekretarya. Siya na ata ang Sekretarya na hihilingin nang kungi sino. Ginagawa niya ang trabaho niya nang may puso, tiyaga, at pagmamahal...