Chapter 53

44 3 0
                                    

" Fuck off, Mr. Saldua. We're going."

Walang pakialam si Jacob sa mga media, dahil minumura niya si Leandro sa harapan nila. Pilit ko man siyang pakalmahin ay hindi ko magawa, ayaw niyang makinig saakin.

" Maki, start the car now, aalis na tayo dito-"

" I am just asking, who hurted her." Matigas na tanong ni Leandro, hindi ako makasingit sa usapan nila, hindi ko magawang makisalo sa usapan nila, hindi ako makapag salita.

Shit.

" Itanong mo doon sa nakataling babae, tutal siya ang may gawa, aalis na kami." Hinawakan ni Leandro ang braso ni Jacob, agad namang nakawala si Jacob mula doon.

Well, Pulis nga pala ito.

"Could you please stop doing this, Mr. Saldua? Huwag mo ako ulit hahawakan at baka makita mo ang hinahanap mo." Matapang na saad ni Jacob sa harapan ni Leandro.

" Jacob, umuwi nalang tayo, tara na.." Aya ko kay Jacob, hinawakan ni Jacob ang beywang ko, nag igting ang panga ni Leandro sa ginawang iyon ni Jacob.

" Hindi ako nagpunta dito para sayo, Jacob, si Chandria ang ipinunta ko dito kaya bakit ikaw ang sumasagot  at nakikialam sa dapat ay usapan namin ni Chandria, ha?" Ani Leandro.

" Hindi ka nga nagpunta dito para saakin pero kasama niya ako, may karapatan akong iiwas siya sayo kasi alam kong may iba kang babalakin sa kaniya, you know what? Nasaktan siya kanina dahil sinabi na siya daw ang First Lady, are you dumb, Mr. President? Hindi na kayo nagkikita lahat lahat pero siya parin ang ipinakikilala mo sa mga tao, kasalanan mo kaya nasaktan siya!" Sigaw ni Jacob.

" O baka kasi hindi mo  siya binabantayan nang maayos kaya nakuha at nasaktan siya? I thought you are her bodyguard, e bakit hindi mo magawang iligtas si Chandria?" Ngumisi si Jacob at saka mas lalong lumapit kay Leandro, hindi naman gumagalaw ang mga tauhan at guwardiya ni Leandro, alam nila na Pulis ang kalaban nila dito.

Hawak na ako ni Maki, baka kasi madamay ako kung magkasakitan silang dalawa. Huwag naman sana.

" You don't know what happened between us for the past months, Mr. President, baka kapag ikwinento ko sayo lahat ay manlumo ka?" Ngumisi si Jacob sa sinabi niya, nagtama ang mata namin ni Leandro, umiwas ako kaagad ng tingin.

Hahawakan ko na sana ang kamay ni Jacob nang kunin ako ni Leandro.

" Chandria.." Tawag niya saakin.

Tumingin ako sa kaniya.

" Carl, aalis na kami." Imbes na sakaniya ako magpaalam ay sa guwardiya ako nagpaalam, ngumiti siya saakin, at saka tumango.

Inihiwalay ko ang kamay ko kay Leandro.

" Jacob, come on.." Hindi pa kami nakakalayo sa kanila ay kinuha ako ng mga guards ni Leandro.

" I want to talk to her, that's it." Walang emosyong sambit ni Leandro sa harapan ni Jacob.

" Let her decide-"

" I don't want to talk to you, could you please stop Mr. Saldua? You're hurting me!" Agad akong binitawan ng mga guwardiya niya, at saka ako tumakbo papunta kay Jacob.

" Chandria-"

" Jacob, let's go, please.." Hinawakan ni Jacob ang aking beywang. At sinenyasan ang mga kaibigan ko na aalis na at mauna na silang lumabas at sumakay sa van na sasakyan namin.

" Baby, let's go."

Habang nasa byahe ay kumakain na ako, hindi ako nakakaramdam nang antok dahil sa mga nangyari doon kanina, bakit bigla bigla silang pupunta doon at pagkatapos ay manghihila nalang kaagad saakin? Hindi ba nila alam na pwede silang makasuhan sa ginagawa nila? Nagpunta si Leandro doon para lang saakin? Dahil nakita niya ako sa TV na kahalikan si Jacob? Ang gulo.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon