Chapter 36

49 4 0
                                    

" Yes, that's it. Kailangan lagi kang nakatutok sa phone mo, alisto ka dapat."

Bilin ko kay Gil habang nakatingin sa phone niya, marami kasing notifications na dumadating sa kaniya, at lahat iyon ay panay reports.

" Kapag po ba nakatanggap ako ng reports, kailangan ay iprint ko na po siya kaagad?" Tanong ni Gil.

" Unless it's important at kailangang papirmahan kay Leandro, oo. Kung hindi naman gaanong importante, pwedeng sa susunod na mga araw mo na iprint. Kung may announcement naman, palagi mong sasabihin kay Leandro. Kailangan lagi siyang updated." Mahabang paliwanag ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin, at saka siya tumango.

Nilingon ko ang mga ibang tauhan ni Leandro, panay sila busy, at saka nakatutok sa mga laptops at cellphones nila. Napangiti naman ako, napaka busy nilang lahat, hindi na ata nila namalayan ang oras.

" Ang schedule po ba ni Sir, kailangan ding banggitin sa kaniya?" Tumango ako.

" Yes. Every morning. Kailangan mong banggitin, at saka ayusin mo ang pagi schedule ng mga gagawin niya, isa kasi sa ayaw ni Leandro ay ang magulo at hindi sigurado sa mga plano, magagalit iyon kapag hindi maayos ang schedule niya." Kabadong tumango naman si Gil sa sinabi ko.

Napabalikwas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Alec na humahangos na naglalakad papalapit sa akin.

" Ano iyon, Alec?" Tanong ko dito.

" Chandria, palpak ang unang wave ng vaccine sa mga tao, may mga namatay dahil sa bakuna, sa ngayon, wala pa akong natatanggap na report ng mga namatay tungkol sa bakuna." Hinihingal na anunsiyo sa akin ni Alec, nangunot naman ang aking noo.

" Hindi niyo sinabi saakin na nag release na kayo ng bakuna. Sino ang nagsabi na ipabakuna na sa mga tao ang vaccine na iyon kahit na hindi pa sigurado kung tatalab nga sa mga tao at epektibo nga ito?" Galit na tanong ko kay Gil. Yumuko siya.

" Hindi din po namin alam, pero nakatanggap ang mga Doktor ng isang kasulatan na galing ito kay Mr. Saldua, kaya po agad silang nagrelease ng-"

" I'll talk to Leandro. Update me later."

Umalis ako sa harapan nilang dalawa. Agad kong hinanap si Leandro sa opisina niya. Namataan ko naman siya kaagad. Padabog kong sinarado ang pintuan at saka ko siya tinignan nang masama.

" What's the matter?" Tanong niya.

Lumapit pa ako sa lamesa niya para mas lalo niyang makita kung gaano ako kagalit ngayon.

" Anong ginawa mo sa mga bakuna? Bakit ka nagpalabas at ipinabakuna agad sa mga tao? Hindi ba sinabi ng mga Scientists na kailangan ay itetest pa ito sa isang human tester? Bakit hindi mo muna sila hinayaan na gawin iyon?" Nagtaas siya ng kilay sa sinabi ko. Humawak siya sa kaniyang sentido at saka niya nilaro laro sa harapan ko ang ballpen niya.

" Fuck." Mura niya.

" What? Just answer me, Leandro." Inip na saad ko sa harapan niya.

" Someone copied my signature, Chandria. I don't know who, but I guess it's Lazatin. Kinopya niya ang pirma ko, at saka siya gumawa ng letter at sinasabi doon na umpisahan na kaagad ang pagbabakuna sa tao, kaya wala akong ideya sa sinasabi mo." Lumapit ako sa lamesa, itinukod ko ang kamay ko sa harapan niya, at saka ko tinitigan ang kaniyang mga mata.

" Then? Why are you here and doing nothing? Sasabihin ko kay Gil na magtawag ng presscon, para masabihan at mabilinan mo ang mga tao, is that okay?" Tumayo siya, at saka siya humarap sa bintana ng kaniyang opisina.

Napahinga ako ng malalim.

" Your people are dying! Sinabi mo na magpabakuna sila, of course they will do it! And now, they are all dying, Leandro! How about the kids? Paano sila na nagpabakuna din-"

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon