Chapter 42

39 4 0
                                    

" Sa tingin mo, bakit tayo tinutulungan ni Ms. Lazatin?"

Walang buhay akong tumingin kay Jacob na nakatayo sa harapan ko, bumalik kami sa kwarto niya, pinagpahinga niya ako dahil nawawalan ako ng balanse tuwing tatayo ako.

" Sa tingin mo, tinutulungan ba talaga tayo ni Ms. Lazatin o sinisiraan lang niya si Leandro?" Muling ipinakita niya ang kaniyang laptop na naroon si Leandro sa video.

Napansin kong lahat ng video na nagpapakita na nagsasalita si Leandro ay palagi siyang nakatalikod, kaya hirap akong makita at makilala kung sino ba talaga ang lalaking iyon. Pareho sila ng boses at buhok, kaya hindi ko alam kung siya nga ba si Leandro.

" Kaya nga nandito ka sa akin, para makita mo at makilala mo kung sino ang lalaking ito, palagi mo siyang-"

" Palagi ko siyang nakakasama at kahit kailan wala akong nakita sa schedule niya na may kikitain siyang tao." Pagtatanggol ko sa kay Leandro, ngumisi naman si Jacob saakin, at saka niya padabog na inilagay ang laptop niya sa side table, natakot ako doon.

" Jacob-"

" I'm sorry, Chandria. I'm sorry."

Tumayong muli si Jacob at saka siya tumalikod saakin, nakahawak siya sa sentido niya at saka siya napapailing at napapamura sa sarili niya. Napabuntong hininga ako sa likuran niya.

" Si Leandro ang lalaking nasa video, Jacob." Agad na napalingon sa akin si Jacob.

" Paano?" Tanong niya.

" May peklat siya sa batok, sa kaliwang side, mayroon doon sa lalaking nasa video, kaya nalaman kong siya nga si Leandro." Napakagat ako sa aking labi at saka ako napapikit nang tumulo nanaman ang mga luha ko.

Bakit kailangan niyang magsinungaling saakin?

" Babalik ka ba doon sa bahay niya?" Tanong niya.

" Kailan mo pa nakita ang video na iyan?" Takang tanong ko sa kaniya. Umupo siya sa kama at saka niya tinitigan ang mga mata ko.

" Noong araw na ibinigay ni Ms. Lazatin saakin." Paliwanag niya. Sinabunutan ko ang sarili ko nang maalala nanaman ang video na iyon.

" Bakit hindi mo kaagad sinabi saakin?"

" Chandria, hinahayaan muna kita, baka may makalap ka pang kahina hinala kay Leandro kaya hinayaan muna kitang makipag lapit sa kaniya, pero sobra na, marami na ang taong nadadamay at namamatay, tapusin na natin ito." Ngumisi ako sa sinabi niya. Nagtataka naman siya sa naging reaksiyon ko.

" Kaya kong tapusin mag isa, hindi-"

" Pulis ako, Chandria. Sasamahan kita, poprotektahan kita."

Napagdesisyunan kong dito na muna matulog ngayong gabi, magbi brainstorming kaming dalawa ni Jacob para makita namin kung anong magandang gawin kay Leandro.

" Kumain ka muna." Nag ahin siya ng pagkain sa harapan ko, nasa lamesa na ako at kakain na.

Binalaan ako ni Jacob na huwag na muna akong sasagot ng tawag, at magrereply sa mga texts messages nila sa akin. Nag aalala din ako dahil baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko, lalo na si...

Leandro.

Leandro ko.

Bakit mo nagawa iyon?

" Chandria, you're spacing out." Ngumiti ako nang kaunti kay Jacob.

" I'm sorry." Paghingi ko ng tawad sa kaniya.

Nang matapos kaming kumain ay napag isipan kong magpunta na sa kwarto niya at maglinis na ng katawan ko. Habang nagsusuklay ng buhok ay narinig kong tumutunog ang aking telepono, nakita ko ang pangalan ni Leandro sa screen. Agad tumulo ang mga luha ko nanaman.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon