CHAPTER 83

42 3 3
                                    

Matt's POV

"I know you are watching this. And I'm not gonna let Kate watch me do my job." I said as I shoot the camera that's connected to the viewing room. Alam kong tuso sila at pinapanood nila ako.

Ngayon mabalik tayo sa limang hayop na to.

"Pare pareho kayo ng sinagot. Magkano ang ibinayad sa inyo para pataying ang babaeng hinahabol niyo?" Tanong ko at umupo sa harapan nila.

Walang nagsalita sa kanila at nanatili lang silang naka yuko.

"Uulitin ko. Magkano ang ibinayad sa inyo?" Sabi ko at itinutok ang baril sa nasa harap ko.

"Isang milyon po kapalit ng buhay ni Montenegro." They are pissing me off at kanina pa ako nagtitimpi sa mga to mula sa pangalawang tanong palang.

"Sa tingin ninyo mabibili ng isang milyon ang buhay niya? Kung mag utos din kaya ako ng tao para patayin kayo. Sapat ba ang isang milyon kapalit ng buhay niyong lima?" Sigaw ko at napatayo. Nanatili lang silang tahimik.

"Ikaw! Nasa gitna. Sagutin mo ang tanong ko ng maayos hanggat may natitira pa akong pasenysa sa katawna ko. May iba pa bang iniuutos ang nagbayad sa inyo?" May gusto lang din akong malaman. Hindi ito coincidence lang. I'm not buying that shit up.

"Meron po."

"Sabihin mo sakin." Sabi ko at itinutok ang baril sa ulo niya.

"Inutusan din po kami na habulin siya patungo dito sa warehouse ninyo. Inutusan din kami na dalhin ang bangkay niya doon sa isang malaking bodega para iharap sa kanya." That fucking piece of shit!

"You got to live another day dahil hindi pa ako tapos sa inyo." Sabi ko at dali daling lumabas ng kwarto. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko naman sina Blake.

"Saan ka pupunta Rivera?" Tanong ni Blake sa akin ng makitang nagmamadali akong umalis.

"Papatayin ko siya Blake. Ako ang papatay sa kanya." Hindi ko alam pero galit na galit ako sa ngayon.

"Hindi mo siya pwedeng patayin Rivera! Ikaw ang papatayin ni Ethan!" Sigaw naman ni Kurt.

"Wala akong paki alam! Siya ang nag utos na patayin si Kate! How would you expect me to calm down?"

"This is exactly the reason why kung bakit ayaw kong ikaw ng pumiga sa mga yon dahil alam ko na hindi mo nakokontrol ang galit mo kapag naka kuha ka ng mga impormasyon na hindi mo nagugustuhan. Kumalma ka muna at ako ang kakausap kay Ethan." Pagpapaliwanag ni Blake. Nakita ko naman si Kate na nakasunod sa kanila agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"You shouldn't have watched all of that." Bulong ko sa kanya habang nakayakap ng mahigpit. "Stop crying, you're safe habang nasa tabi mo ko. Hindi ako mawawala sa tabi mo, ok?" Pagpaaptuloy ko.

"Magbuti pa Matt magbihis ka muna. May dugo dugo ka pa sa katawan. At pagkatapos sumunod ka sakin sa office ni Ethan."

"Aalis ako Blake, at sisiguraduhin ko na triple ang kapalit sa nag utos ng kalokohang ito." Sagot ko at naglakad na palayo doon.

"Rivera take one step and I'll make sure to pull this trigger" rinig kong sabi niya kaya kaagad ko naman silang nilingon.

"Sige. Iputok mo. Shoot me!" Sigaw ko sa kanila. Magsasalita palang sana si Blake ng mahimatay si Kate na nakatayo sa gilid.

"Kate!" We shouted in unison ng makitang mahuhulog na siya sa sahig.

"Ako na." Presinta ni Kurt na siyang naka hawak kay Kate.

"Sabi ko, Rivera meet me at Ethans office."  Blake said at nakita ko naman na umalis si Mike kasama si Kurt habang buhat buhat si Kate.

"Please lang Rivera makinig ka na muna." Rinig kong sabi ni Mike bago sila umalis.

I don't get how they are still acting normal pagkatapos nila g malaman kung sino ang gustong magpapatay kay Kate.

"Susunod ako." Sagot ko kay Blake at tumalikod na sa kaniya.

"Sisiguraduhin ko na hindi ka makaka alis sa warehouse na to Rivera at susunod ka sakin sa office sa loob ng limang minuto" rinig king sbai ni Blake habang naglalakad ako paalis sa kinaroroonan nila.

Nagpunas lang ako ng katawan at nagsuot ng damit pagkatapos ay agad na akong sumunod sa offic eni Ethan.

With hatred and anger inside I continue to walk inside habang nakatingin kay Ethan.

"Maupo ka na muna Matt." Sabi ni Blake na kaka upo sa may sofa.

"I know you've watch all of that Morris. And hindi ko matanggap na ganyan kayo mag react sa mga nalaman ninyo." Sabi ko habang paupo sa isa pang sofa na kaharap nj Blake.

"I want to congratulate you for getting much needed information for our investigation Rivera. But it doesn't mean that your consequences will be lessen. Wag ka masyadong mag expect dahil sa mga nagawa mo. You will still face your consequences when the day comes." Sabi niya habang naka tingin parin sa akin.

"I know. Hindi mo yon kailangan na ulit ulitin pa Morris. Pero ang di ko matanggap ang reaction mo sa mga impormasyon na nalaman mo." Inis kong sgaot. I'm controlling my temper at this moment na kahit ano mang oras ay  sasabog na ako sa galit.

"Hindi ko alam kung anong reaction ang gusto mong makita mula sakin Rivera." Mahinahon niyang sabi.

"How can you be so  fucking calm knowing that your fiancée want to kill you bestfriend? How the fuck can you handle the fact that Vivian ordered 5 mens to kill Kate?" Sigaw ko sa kanya.

"Tama na yan Rivera." Awat ni Blake sa akin.

"Hindi eh. Pati ikaw Blake. Yang mag reaction niyo ang nakakagulat. Imbes na galit ang nakikita ko sa inyo ngayon iba, ang kalmado niyo when in fact you two should've been frustrated and angry all this time." inis na inis parin ako sa kanila. How can they be so calm when Kate is literally on danger?

"Wala namang maidudulot ang galit at inis Matt. Instead of getting angry at her, dapat nagplaplano na tayo kung paano natin iaaproach and problema."

"Hindi niyo siya pwedeng galawin." Sabi ni Ethan kaya agad naman kaming napatingin sa kanya.

"What?" Tanong namin pareho ni Blake.

"Walang sinuman sa inyo ang may karapatan na galawin siya. Wala din tayong gagawin na hakbang na magiging dahilan ng ikapapahamak niya." Sabi niya habang nakatingin sa malayo.

"Nasisiraan ka na ba? Muntik ng manatay si Kate dahil sa kagagawan ng fiancée mo, tapos wala manlang tayong gagawin para ipaghiganti siya?" What the actual fuck is going on?

"Ang sabi ko wala kayong karapatan na galawin siya. This is an order from the highest position holder and obey what I say." Pagmamatigas ni Ethan.

"And I am the second highest position holder, I'll do the duties that you'll fail to do. At isa sa mga yon ang pagbibigay parusa sa taong nagtangka sa buhay ni Kate." Sagot ko naman sa kanya. I'll do whatever it takes para maipaghiganti si Kate. Even if it cost my life to do so.

"According to the book, wala kang karapatan na ipaghiganti ang hindi parte ng grupo. Acceptable sana kung girlfriend mo siya. Kaso hindi. Kaya wala kang magagawa." Sabi niya at tumayo na pagkatapos ay naglakad palabas ng opisina.

I pull out my gun at binaril siya. Nasugatan naman ang braso niya ng dumaplis ang bala. Swerte niya at hindi bumaon sa braso niya ang bala.

"Rivera!" Sigaw ni Blake. Kaagad naman na lumingon sa akin si Ethan at ngumiti.

"You missed." Sabi niya at ngumiti.

"Just practicing what I'll do to your fiancée once I've collected enough evidence." Sabi ko at naglakad na paalis doon. Bago pa man ako makalabas ay binangga ko siya pagkatapos ay pinagpatuloy na ang paglalakad.

MGBF2: RETRIBUTIONWhere stories live. Discover now