CHAPTER 14

156 6 0
                                    

AC's POV

Nandito na kami sa venue ng party Ryle picked me up kanina sa bahay. I'm wearing a silver backless with deep neck line long gown.

Ryle looks so good in his suit also. He's wearing a grey suit and white yung pang inner niya.

"Hi Tito." bati ko kay Tito Rudy ng makarating siya.

"Hija you look beautiful." sagot naman niya.

Bumati lang din si Ryle sa kanya. Ilang minuto lang ay dumating na din si Kuya and si Mama. Daddy is not here to join us kasi hindi nakasingit sa sched niya ang pagpunta dito sa Pilipinas.

"Hi ma." bati ko kay mama ng lumapit siya sa amin.

"Good evening ladies and gentlemen." bati ng MC. Magsisimula na yata ang party.

"We are all gathered here to witness the union of the two biggest companies not only in asia but all around the world." pagpapatuloy niya. "And of course to welcome the new CEO's of both companies! Let us all welcome! The only daughter of Mr. and Mrs. Montenegro, Christlie Kate Montenegro. And of course the new CEO of the only branch of Morris Empire here in the Philippines. Ryle Ventura." pagpapakilala niya sa amin at inilahad naman ni Ryle ang kamay niya para alalayan ako papunta sa harapan.

Wala kaming ginawa sa harap. Literal na tumayo lang kami doon habang kinukunan ng pictures.

Halos kalahating oras na din ang nakalipas and the party is getting boring. And mukang napansin ni Ryle na bored ako.

"Boring ba?" tanong niya.

"Yeah. Not fun." sagot ko naman.

"Tara, tumakas tayo. Naipakilala na naman na nila tayo eh. And besides puro business man and business womans na ang nandito." pag aaya niya. Dahil nga bored na ako ay sumama nalang ako sa kanya.

"Tara." sabi ko at maingat kaming lumabas ng venue at pumunta sa sasakyan niya. Nang makapasok ako sa loob ay kaagad kong tinangal ang heels ko. I can wear them now but still I don't have the patience.

Tinanggal na din ni Ryle yung suite niya at nagdrive na paalis doon.

"Where would you like to go?" tanong niya.

"Bar. Club. Somewhere where fun things exist." sagot ko naman.

"Magbar nalang tayo." sabi niya kaya hindi nalang ako nagsalita.

Habang nasa sasakyan kami ay biglang pumasok sa isip ko si Ren.

What's up with that man? Bakit ba lagi siyang punapasok sa isip ko? I should move on from him. Magkakaroon na siya ng asawa at anak. I can't be like this forever.

Nang makarating kami sa bar ay maingay at maraming tao ang nagsasayawan at kung ano ano ang ginagawa.

Nag order lang kami ng alak at naupo muna.

"You wanna dance?" tanong niya. May hiya pa ako dahil hindi pa naman ako nakakarami ng maiinom kaya tumanggi ako.

Ilang minuto din kaming naka upo at patuloy na umiinom kaya naramdaman ko ng nahihilo na ako.

Tumayo ako para pumunta sa may maraming tao ng hindi sinasadyang matumba ako and thanks to this man dahil hindi ako bumagsak.

"Hey, be careful." sabi niya at hinawakan ako sa waist.

"I'm fine Ryle don't worry." sagot ko at humawak sa braso niya.

Hinila niya ako papunta sa mga sumasayaw and we just dance and enjoy the night. No problems. No heartaches. Just fun things.

MGBF2: RETRIBUTIONWhere stories live. Discover now