CHAPTER 43

131 8 3
                                    

AC's POV

"Can you at least try not to kill me?" daing niya ng mapisil ko ang sugat niya.

"Sorry." sabi ko at pinunasan ulit ito. Habang pinupunasan ko ang sugat niya ay biglang tumunog yung phone niya at kaagad naman niya itong kinuha at sinagot.

"What!?" sigaw niya. Aalis na sana ako ng hawakan niya ako sa kamay para pigilan. So I just stayed dahil hindi ko matanggal ang kamay niya na nakawahak sa wrist ko.

"I don't fucking care! Sa konting suntok ikamamatay niya ba?" who is he talking to?

"Pinuruhan? Of course pinuruhan ko! Kung hindi lang dumating si Matthew baka patay na yan!" ano ba talagang nangyari?

"Well I don't care kahit sino pa yan. Linandi niya yung asawa ko pinagnanasahan pa. What would you expect me to do? Sit still? Asawa ko ang pinag uusapan dito alam mong gagawin ko lahat kahit pa ikamatay ko yan." he's to hot tempered. Nararamdaman ko dahil napipisil niya ng mahigpit yung wrist ko.

"Sabihan mo nalang ako kapag patay na yan. It would give me such joy. And wag kang mag alala hindi ko to ikakamatay. Daplis lang to. Linisin niyo ang mga kalat jan isama niyo na sa basurahan yang hinayupak na yan dahil baka hindi ako makapagpigil at pumunta ulit ako jan para tuluyan yan." sabi niya at ibinagsak na ang telepono sa countertop.

"Moron!" sabi niya at binitawan ang kamay ko.

"I'll go to sleep. Fix yourself at matulog ka na din. Gabi na." sabi ko at naglakad na palayo.

"Sa kwarto ka matutulog." sabi niya kaya hindi nalang ako nagsalita at umakyat na sa hagdan.

Gaya nga ng sabi niya dumiretso ako sa kwarto niya at nagiga sa gilid ng kama. After all what happened to him was my fault. Ilang minuto pa ay pumasok na si Ren at dumiretso sa kabilang side ng kama at nahiga rin sa gilid. We have an awkward spage between us it's like 2 foot long.

I took a deep breath and close my eyes hoping to sleep soon.

"Do you really hate me that much that you would seduce a guy infront of me?" rinig kong tanong niya kaya napamulat ako pero hindi ko parin siya nililingon.

"You should take a rest. Gabi na." sagot ko at pumikit ulit.

"You know I tried to  calm myself down but I just really can't control myself kapag ikaw na yung pinag uusapan." rinig kong sabi niya. Hindi ako kumibo at nanatiling naka pikit.

"You hate me, I get it. Pero AC wag mo namang ipamukha sakin yang mga ginagawa mo." what is he doing? Bakit hindi pa siya natutulog?

"Can't you just give me one more chance?" napamulat ako sa sinabi niya at tumagilid para harapin siya na nakatingin sa kisame.

"Kahit naman bigyan kita ng chance hindi mababago na magkaka anak ka na. At ayokong lumaki ang bata na walang daddy." sabi ko at hindi na namalayan na tumutulo na ang luha ko.

"AC please get that fuck out of this. AC just one more chance! Please! Hayaan mo akong patunayan na ikaw lang ang mahal ko AC please naman!" sabi niya at tumagilid rin para humarap sa akin. I can saw the shock in his eyes ng makita akong umiiyak.

"Ren, I know you're gonna be a great dad. Focus on them not on me. Alisin mo na ako sa buhay mo." sabi ko habang nakatingin sa kanya with the awkward space between us.

"I can't unlove you. Kahit sinong babae ang makasex ko ikaw yung pumapasok sa isip ko at ikaw lang ang gusto ng puso kong mahalin." I don't know if it's just me or he's also crying.

"Try harder. I know you can. I know you will." sagot ko nalang.

"It's impossible. I'll love you until the day I die." hindi na ako sumagot and tried to sleep. Pero may bumabagabag sa akin na hindi ko alam.

"Goodnight fiancée, I love you." I heard him say before I fully sleep.

Nagising ako and look around me. Where is he? Nasaan na siya? Nagpunta ako sa CR at naghilamos. Pagkatapos ah bumaba na. And there where I found him on the sofa. Where is he going? Bakit nakabihis siya?

"Going somewhere?" tanong ko habang kumukuha ng baso.

"Get ready I'll drop you off." sagot niya kayat napalingon ako sa kinaroroonan niya.

"Drop me off where?" takang tanong ko.

"At your house. It's Jillian's birthday." sagot niya. Akala ko ba hindi ako pwedeng lumabas?

"Are you sure? I thought you want me here for a week?"

"I'll drop you off may pupuntahan din ako." sagot niya. Maybe he'll go sa unit nila ni Nica. Why am I hurt?

"I'll go get ready give me 20 minutes." sabi ko at umakyat na sa taas. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at bumaba.

"Ipapadala ko nalang lahat ng gamit mo mamaya. Let's go." sabi niya at tumayo na.

"I thought I'll just visit? Bakit mo ipapadala pati mga gamit ko?" it's not that I don't wanna leave but why?

"You said you wanted to go home. Didn't you?" sabi niya at pumasok na sa sasakyan. Pumasok nalang din ako at sinuot ang seatbelt. Now he's way more close to me. Wait... Bakit siya namumutla?

Hindi nalang ako nagtanong at di nagtagal ay umalis na kami doon. Then his phone ring.

"Oo sige hintayin niyo nalang ako. Make sure to not let anyone touch those files." ang tamlay niya. Kagabi lang galit siya makipag usap tapos ngayon napakatamlay niya.

"I'll just drop her off and I'll come." sabi niya at binaba na ang telepono. I just stare at him and he looks so pale his lips are pale unlike before that they are pink. Yung mga mata niya mukhang pagod. And yung katawan niya nakabagsak. What happening with him?

"Saan ka pupunta pagkatapos mo akong ihatid?" pagbabasag ko ng katahimikan.

"SH." maikli niyang sagot.

"Are you ok? I can drive kung pagod ka." tanong ko ulit.

"I'm fine. Don't worry about it." matamlay parin siya.

Hindi na ako nagsalita at binuksan ang aircon ng sasakyan. But then he started to breathe heavily.

"Are you ok? Are you cold? I can just turn the aircon off." sabi ko habang naka tingin sa kanya.

"No it's ok. Malapit na tayo." sabi niya kaya hindi na ako kumibo at tumingin nalang sa bintana.

Ilang minuto pa at nakarating na kami sa bahay. Nanatili muna ako sa loob ng sasakayat at tila ayokong lumabas at iwan siya. Lumingon ako sa kanya and he was stretching his neck then he suddenly cough.

"Are you really ok?" nag aalalang tanong ko. I can't control myself kaya sinapo ko ang noo niya and he's fucking hot! He's like burning!

"Ren ang init mo! May lagnat ka bakit hindi mo agad sinabi sakin? Tara na dadalhin kita sa doctor." sabi ko habang hinahawakan ang leeg niya.

"I'll be fine." sagot niya at tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kanya.

MGBF2: RETRIBUTIONWhere stories live. Discover now