CHAPTER 86

67 3 0
                                    

AC's POV

"Thank god you're awake." Rinig king sabi ng lalaki na nasa tabi ko.

"Where am I?" mahina kong tanong.

"You're in my penthouse, inuwi muna kita dito since ayaw ko naman na mag alala pa sila tita."

Tumango lang ako at pumikit.

"Pahinga ka na muna I'll just be on the living room." Sabi niya at hinaplos ang buhok ko. Agad ko namang hinawakan ang kamay niya para pigilan siyang umalis.

"May gusto ka ba?" Agad niyang tanong.

"Stay here, please?" Sabi ko habang naka pikit parin.

"Sa sala lang ako don't worry. Hindi kita iiwan." Sagot naman niya.

"Dito ka lang sa tabi ko. Wag mo akong bibitawan, stay right here please Matthew?" Hindi ko alam pero gusto ko lang na may nahahawakan na ibang tao at ayokong mapag isa sa mga oras na to. And I feel secured beside him.

"I will sweetheart, I won't let you go. Pangako ko yan sayo." Sabi niya at hinalikan ang kamay ko bago naupo sa tabi ko.

Hindi ko maipaliwanag pero ang mga nasaksihan ko sa SH ay tila ba isang rebelasyon para sa akin. Nakakapagod ang araw na ito, kakaibang pagod na para bang bibigay ang katawan ko ano mang oras.

Nama kalahating oras na naka higa lang ako at naka upo naman si Matt sa tabi ko.

"Matthew?" Tawag ko sa kanya kaya agad naman niya akong nilingon.

"Hmm"

"Yung ginawa mo sa SH, have you been doing that ever since?" Tanong ko sa kanya out of curiosity .

"After I passed to be one of the Big 5 in Clashers I tried to do that and after getting so much information on specific matters, they call me the Executioner of Clashers. Because every time that I don't get the informations that I need, I execute them." Pagpapaliwanag niya.

"And narinig ko din na ikaw ang ikalawang pinakamataas sa gang world."

"I am." Maikli niyang sagot.

"Bakit? Paano?" Hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganon sa gang world.

"Too much information might give you some headaches." Is he avoiding my question? Is he uncomfortable with that?

"Oh ok." Maikli kong sagot.

"Do you want something?"

"Alak. Gusto ko ng alak." Gusto ko lang munang kalimutan ang lahat pansamantala.

"Sigurado ka ba? Wag nalang kaya? I'll just order us some food." Sabi niya at kinuha ang phone.

"Inom tayo."

"You shouldn't be drinking regularly."

"Please."

"I only have hard drinks in here."

"That's fine. Can I take a quick shower?"

"Yeah, you can look trough my clothes in the closet. Maghahanda lang ako labas." Sabi niya at lumabas na.

Kumuha lang ako ng puting long sleeve na polo mula sa closet niya at pumasok na sa loob ng banyo.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako at nagpunta sa sala kung nasaan siya naka tayo sa may glass wall at nakaharap sa view ng city.

MGBF2: RETRIBUTIONWhere stories live. Discover now