CHAPTER 9

183 4 0
                                    

AC's POV

Papunta ako ngayon sa bahay ni Ren. Bahay nalang niya yon ngayon.

Kumatok muna ako bago pumasok matagal bago niya ako pinagbuksan. Nang buksan na niya ay nakita ko siyang may mga pasa sa katawan at mukha, may sugat din siya sa labi. Kahit pa gusto ko siyang tulungan nangingibabaw ang galit ko sa kanya.

"AC salamat at umuwi ka, AC magpapaliwa-"

"Nagpunta lang ako dito para kunin yung mga gamit ko. Yung mga maiiwan pwede mo nang ibasura." sabi ko at naglakad papunta sa kwarto namin dati.

"AC wag kang umalis please." sabi niya habang naka sunod sakin.

"Bakit? Bakit naman hindi? Ayaw mo non? Mauuwi mo na dito yung babae mo." sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kwarto.

"AC hayaan mo muna akong magpaliwanag."

"Go on." sabi ko at kumuha ng maleta at nagsimulang maglabas ng mga damit sa closet.

"AC I was drunk that time. Hindi ko maalala ang mga nangyari saming dalawa. Few weeks later she showed up and told me she's pregnant and I'm the father of the baby. AC maniwala ka sakin hindi ko sinasadya lahat ng nangyari."

"Lasing ka man o hindi alam mo ang ginagawa mo. Alam mo kung sino ang mahal mo at hindi ka gagawa ng mali. Or baka naman hindi mo talaga ako minahal kaya gumawa ka ng mali?"

"AC! Minahal kita! Mahal na mahal kita! AC naman please don't leave." sabi niya at niyakap ako mula sa likod.

"Let go. Please. Kinikilala ko parin ang mga pinagsamahan natin. But I can't stay with you anymore." sabi ko at tinanggal ang pagkakayakap niya sakin.

"I'll let you leave, but please wear this." sabi niya at iniabot ang sing sing.

"Take it. I don't need it. Ibigay mo nalang yan kay Nica."

"Hindi pwede, this is yours. May pangalan yan na naka engrave sa loob and it's your name. Take it please." sabi niya at pilit na binibigay sa akin yung singsing.

"Ayoko. Just take it. Itapon mo kung gusto mo but I will not take it." sabi ko at pinagpatuloy na ang pagliligpit sa mga gamit ko.

I saw him lying down on the bed with his eyes close. The more I see him the more I can't control my feelings. Habang nag aayos ako tears started to fall.

Hindi ko dapat binigay lahat eh. Wala ng natira sakin. I gave it all to him. Now I'm left with nothing.

"Stop crying. Please. Mas lalo akong nasasaktan kapag naririnig kong umiiyak ka." I wipe my tears as I close the last luggage.

Nagsimula na akong ilabas ang mga maleta at inilagay ito sa kotse ko.

"AC." hinila niya ako dahilan upang matumba kami pareho sa kama.

"Let me go!" sabi ko ang hawakan niya ang dalawang kamay ko at inilagay ito sa ibabaw ng ulo ko.

"I'm sorry AC, mahal na mahal kita tandaan mo yan and I will never let anyone get you from me. Aayusin ko to AC." sabi niya at hinalikan ako. I didn't respond to his kisses imbes ay inilalayo ko ang mukha ko sa kanya

"I hope you're happy doing this." sabi ko dahilan para bitawan niya ang pagkakahawak sakin at tumayo.

"I'm sorry."

"Jan ka naman magaling diba. Doing shit and end up with just a sorry." sabi ko at lumabas na ng kwarto dala ang huling maleta.

Nagdrive na ako papunta sa condo at inakyat ang mga maletang dala ko pagkatapos ay inayos ito sa mga closet.

MGBF2: RETRIBUTIONWhere stories live. Discover now