CHAPTER 8

195 5 4
                                    

AC's POV

Nagising ako dahil sa sunod sunod na doorbell kaya nagsuot ako ng bathrobe at pumunta sa may pintuan para tignan kung sino yon.

Umagang umaga sino ba kasi yon!?

"Hi!" bati niya at pumasok.

"Anong ginagawa mo dito? Umagang umaga." sagot ko naman.

"Umaga? It's already pass 12." sabi niya at inilapag sa mesa ang dala niya.

Tinignan ko naman ang orasan and he's right it's already pass 12.

"I tried calling you last night pero hindi ka sumasagot. Nag alala kami sayo."

"You don't have to worry about me. Kaya ko ang sarili ko." sagot ko at niligpit ang mga bote ng wine na nasa sala.

"Anong sabi ni Ethan sayo kahapon? I know sinundan ka niya." sabi niya at naupo sa sofa.

"Nothing important." sabi ko habang nagliligpit.

"Wala ka bang balak umuwi sa bahay niyo?"

"Magliligo lang ako and I'll go home." sabi ko at pumasok na sa kwarto.

Nang matapos na akong maligo ay nagbihis lang ako at nag ayos.

"Uuwi muna ako kina mama saglit tapos uuwi na ako sa bahay." sabi ko ng makalabas sa kwarto.

"Sabay na tayong lumabas. May pupuntahan ako." sabi niya at tumayo na.

"Nakuha mo na ba yung sasakyan mo sa bahay?" tanong ko habang pababa kami ng building.

"Oo." maiksi niyang sagot.

Nahiwalay na kami ng makarating kami sa parking lot at pumunta lang ako kina mama and siya hindi ko alam kung saan siya nagpunta hindi niya din kasi nabanggit sakin.

May binigay lang ako kay mama na mga papeles at umalis na din kaagad.

Nagdrive ako pauwi sa bahay namin ni Ren at nang makarating ako ay may mga sasakyan sa labas even Matt's car is here. Hindi kaya nandito ang mga Clashers? Lumabas ako ng sasakyan at  pumasok sa gate at nagtungo sa pintuan.

Hindi na ako kumatok at pumasok nalang.

My heart stop when I saw Ren with the girl yesterday and he was caressing her belly.

Napatingin silang lahat sa akin dahil sa pagpasok ko. They all froze and I felt tears fell down to my cheeks.

"A-ano to?" naguguluhang tanong ko.

What is this? Anong nangyayari? Bakit? Anong meron?

"AC magpapaliwanag ako." sabi ni Ren at lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Wag mo kong hahawakan!" sigaw ko at naramdaman ko naman ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa balikat ko.

"Kate hayaan mo muna siyang magpaliwanag." rinig kong sabi ni Blake.

"Ano!!? Anong kaylangan mong ipaliwanag dito!?" I'm losing my temper and tears keep falling down my cheeks.

"AC...."

"Wow! Really? Blake? Kurt? Mike? And Matt? Really? Talaga ba?"

"Magpapaliwanag kami Kate huminahon ka muna." sabi naman ni Kurt.

"Harap harapan ninyo pala akong ginagago? Pinagkatiwalaan ko kayong lahat! Lalo ka na!" sabi ko at itinulak si Ren.

"Believe me. I'm not a part of this." sabi ni Matt at lumapit sa akin.

Lumapit si Ren sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

I pushed him away and a slap landed on his face.

"Wag na wag mo akong lalapitan! Magsama sama kayong lahat!"

I take my ring off at binato ito sa kanya.

"Yan! Ibigay mo sa babae mo! And don't ever come near me! Nandidiri ako sayo!"

"Ahhhh!" sigaw ng babae kaha mabilis na lumapit sa kanya si Ren at inalalayan ito para maka upo.

Iniwan ko sila doon at lumabas ng bahay. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta at kung anong gagawin ko. Kaya pala, kaya pala nagiging malamig na siya sakin.

Nagpunta ako sa racetrack kung saan ako nagpunta kahapon and drive as fast as the car can get. My vission became blury because of all the tears that keep falling from my eyes.

I stop in the middle of the racetrack at hinapas hampas ang manubela ng sasakyan. I cried for hours and hours in the middle of the racetrack. Not knowing what to feel and how to react.

Hindi ko namamalayan na may nagbukas pala sa pinto ng sasakyan ko and dahil sa nararamdaman ko ay napayakap nalang ako sa taong pumasok sa loob ng sasakyan. The person hug me back and caress my hair.

Mas lalong bumuhos ang luha ko knowing it wasn't Ren.

I woke up and I found myself in my room. Nilibot ko ang paningin ko and I saw Matt sleeping on the couch.

Lumapit ako sa kanya at nilagyan siya ng kumot kaya nagising siya.

"Kate are you ok?" tanong niya at naupo.

"I'm not."

"You fainted and nawlan ka ng malay kaya dinala kita dito sa bahay niyo at tumawag ng doctor."

"Gabi na. Bakit ka pa nandito?"

"Kate... Believe me. Hindi ako kasali doon."

"Hindi ka kasali? Pero alam mo? How stupid." inis kong sabi.

"I tried to convince them to tell you nung una palang. But Ren insisted and same with Blake. Sabi ni Ren na siya nalang daw ang magsasabi sayo."

"Who's the girl?"

"Nica."

"The girl you're courting?"

"Yes. Hindi ko alam na may nangyaring ganon sa kanila until sinabi ni Nica na tumigil na daw ako sa panliligaw sa kanya cause she's pregnant. And doon ko nalaman na si Ren daw ang tatay. Sa tuwing kinukumbinsi ko sila na sabihin na sayo, they always disagree. Maniwala ka sakin. I'm also a victim in this." he said and tears fall from his eyes.

"Niloko niyo parin ako." sabi ko at lumabas na ng kwarto.

Nakita ko naman si Kuya na papasok sa bahay.

"Nabalitaan ko yung nangyari." bungad niya sakin pagkababa ko.

"Wala ka ng dapat ipag alala kuya. Kaya ko to. And umuwi ka na baka hinahanap ka na ni Jillian at ni Ate Jasmine."

"I'm sorry I let this happen, kung alam ko na na magkakaganito hindi na sana ako gumawa ng paraan noon para ituloy ang family tradition." sabi niya at naupo sa sofa.

"Hindi mo kasalanan yon kuya, he did it. Ginawa nila, sila ang may kasalanan."

"Wag kang mag pretend na hindi ka nasasaktan. Alam kong masakit pero ito ang tatandaan mo. Wala ng pwedeng manakit sayo. At higit sa lahat. Lumayo ka na sa taong yon. Kunin mo ang mga gamit mo doon bukas dito ka na ulit titira." labag man sa loob ko ang iwan si Ren pero mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya.

"Hindi kuya. May binili akong unit. Doon nalang ako titira."

"Siguraduhin mo lang na lumayo ka na sa taong yon. Tinuruan ko na siya ng leksyon." pagkasabi niya non ay napatingin ako sa kanya. Binugbog niya ba si Ren? Why do I even care? Kulang pa yon sa kanya. Sobra sobrang sakit ang binigay niya sa akin.

Just wait for my RETRIBUTION Morris, sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo lahat ng to. Hindi ko hahayaan na walang kapalit ang ginawa mo sakin.

MGBF2: RETRIBUTIONWhere stories live. Discover now