Napapikit ako ng maramdaman ko ang maligamgam na tubig sa ulo ko. Tumawa ito dahilan para mapatingin ako sa kanya.
“Ops sorry, akala ko kasi bulaklak,” natatawa niyang sabi sa akin.
Napangiti ako ng marinig ko ang yapak ng paa at boses ng mga reporter. Mukhang hindi niya inaasahan na nandito sila kaya agad niya ako pinunasan ng panyo. Natigilan naman ang reporter at napatingin sa aming dalawa.
Tumulo na ang luha ko dahilan para magulat siya.
“I'm sorry! I'm so sorry! Hindi ko akalain na makukuha ko ang female lead na role! Hindi ko sinasadya! Sana mapatawad mo ako!” Lumuhod ako sa kanya at nagmakaawa dahilan para magpanic siya.
Nagsimula ng magbulungan ang mga reporter.
“No! It's not what you think!” taranta niyang sigaw. Kahit kailan talaga ang tanga mo. “Zemira!”
Sasampalin na niya sana ako pero agad humarang sa kanya 'yong manager ko.
“Miss Sabrina! Tama na 'yan! Madami ng tao! Mahiya ka naman!” Napakagat nalang ito ng labi at umalis. Tumingin sa akin 'yong manager at inalalayan akong makaalis sa lugar na 'to.
Nang makapasok na kami sa kotse ay pinahid ko ang luha ko ng favorite kong panyo.
“Mabuti nalang talaga at nakapagtimpi ka pa,” sabi sa akin ng manager ko.
I smirked, “Parati ko 'tong ginagawa, kahit noong bata pa ako. So this is just easy, mrs Lee.”
Napangiti naman ito halatang kinikilig. Kakatapos lang kasi ng kasal nila ng lalaki na 'yon. Alam ko naman na redflag 'yong lalaki pero wala na akong pake do'n.
Alam niya din naman na redflag 'yong asawa niya pero binalewala niya lang. Mas na e-enjoy kasi niyang maging tanga.
•••
“Hindi na siya artista.” Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
“Oh that's great, pakisabi sa kanya congrats,” nakangiti kong sabi sa manager ko.
“Ewan ko sa'yo. May pupunta lang ako. Diyan ka lang ha, wag kang aalis.” Tumango na lamang ako at humarap na sa bilog na salamin at pinapaganda 'yong sarili ko.
Zemira Mendoza, 30 year old pero mukha akong 18. Top 1 ako sa pinakamagandang babae dito sa pilipinas. Isa akong pinakasikat na artista and they call me white princess.
Kasi bukod sa maganda at talented, mabait pa. Akala nila isa akong anghel na nahulog mula sa langit.
“But they don't know na isa akong kampon ng kadiliman,” natatawang sabi ko sa sarili ko.
Biglang bumukas ang pinto dahilan para mapakunot akong napatingin sa pinto.
“And look who's here?” Nagulat ako ng bigla akong tinapatan ng baril. “Hey! What is the meaning of this?!”
“It's unfair! Nag sumikap ako para lang makuha ang role na 'yon! Ginawa ko lahat! Pero sa'yo lang napunta?! Bakit ang ganda ng buhay mo tapos ako hindi?! Why does it have to be you?!” I rolled my eyes. Ayaw ko talaga makita ang ga dramahan ng babaeng 'to. Mas lalo siyang pumapanget. “You deserve to die!”
Napatingin ako sa tiyan ko na may dugo. Agad ako napahiga sa sahig at tumawa siya na parang baliw.
No! I don't want to die! I want to live! Please! No!
•••
“No!”
“Ay palaka!” Napatingin ako sa lalaking katabi ko na ngayon ay may dalang roses.
Gosh! I hate roses! But who is this? Blue hair and blue eyes? Mukha siyang kpop idol.
“What are you doing here?” I asked.
“I just want to cheer you up,” nakangiti niyang sabi sabay kamot sa batok. I rolled my eyes at napatingin sa kamay ko.
Wait! Hindi 'to iyong katawan ko?! Agad ako pumunta sa salamin at napakunot ang noo ko.
Dark blonde hair and blue eyes?
“Solar, what's wrong?” nagtataka niyang tanong sa akin.
Oh great! Ako 'yong supporting character na mamamatay soon.
Solar Elizalde ang babaeng soft hearted na nagkagusto sa male lead na si Xavion, pero nung naging jowa na ni Xavion si female lead. Lahat ng babae na pinagseselosan ng female lead ay papatayin ng male lead.
At unang nabiktima si Solar. Hinawakan ko ang pisnge niya. Kawawa naman ang mukhang 'to, napunta sa gwapong lalaki na bulok ang ugali.
At si Leo na ang isa sa love rival ng male lead. Nagkagusto rin siya sa female lead.
“Naks, sanaol pinag aagawan,” bulong ko. Mukhang nagtaka naman ito dahil hindi narinig ang sinabi ko.
Iyong nakuha kong role is female lead pero ang binigay sa akin dito ay supporting character. Galing mo din eh no!
Lumapit siya sa akin at dinampi niya 'yong noo niya sa noo ko.
“Wala ka namang lagnat?” Tinaasan ko siya ng kilay. Nagtataka naman siyang napaisip dahilan para palihim akong napairap. “Ganyan ba talaga pag nababasted?”
“Nabasted? Ako?” Ha? Hakdog.
“Oo, nung makita mong hinalikan ni Xavion si Charlotte nahimatay ka agad.” Ang oa naman ng nagmamay ari ng katawan nito.
Pero binigyan pa rin ako ng chance na mabigyan ng bagong buhay. Okay naman 'tong katawan na 'to cute 'yong babae.
Ngumiti ako sa kanya dahilan para matigilan siya. I chuckled.
“Leo, am i pretty?” nakangiti kong tanong.
“Y-yes,” nagtaka naman itong sumagot. Atlease sumagot siya.
“Then bakit ako magdudusa? Sayang naman ang ganda ko kung sa isang lalaki lang mawawasak ang buhay ko,” nakapout kong sabi sa kanya. Hinila ko na siya palabas. “You can go home now. I'm okay.”
“Are you sure?” alala niyang tanong sa akin. Tsk! Bait-baitan ka rin eh no. Pinaniwala mo si Solar na nag alala ka sa kanya. But in the end. You will betray her.
“Yes.” Hindi ko na siya hinayaan magsalita at sinara na ang pinto.
Agad ako napahiga sa kama ko. Yes! May kalayaan na ako! Nung ako pa si Zemira. Walang pake 'yong parents ko at super strict sila sa akin. Hindi ako makagala, kailangan mag ingat ako. Parati akong nagpapanggap na mabait para lang magustuhan ng mga fans ko.
But now! I'm free!
“Hayst! Aanhin ko naman 'yong lalaki kung may pera naman ako?” mapaglaro kong sabi sa sarili ko. Napangiti ako ng nakakaloko at tumingin sa cabinet.
Ang panget ng style niya. Time na para mag shopping ako. Aalis na sana ako pero may naramdaman akong nakatitig sa akin.
Napatingin ako sa bintana at muntik pa akong mapasigaw, ng makita ang lalaking naka cross arm na nakaupo sa itaas ng puno, habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...