Hindi paman ako nakalingon ay bigla niya akong hinila papasok sa kotse. Nilock niya ito dahilan para hindi ko mabuksan. Inis akong mapatingin sa kanya at nakahawak lang ito sa wrist ko kung saan mahigpit na hinawakan ni Xavion kanina.
“Ayaw ko ngang sumama sa'yo! Ano ba?!” Ano bang nasa isip ng lalaking 'to?! Simula nung umalis siya dito para na siyang nagbago.
“I promise, I won't let Xavion hurt you anymore.” Hinaplos niya ang wrist ko at namilog ang aking mata ng hinalikan niya ito.
Agad ko binawi ang wrist ko at dumistansya sa kanya. He gave me a warm smile bago tumingin sa bintana.
“Bakit hindi ka nakikinig sa akin?! Ilabas mo ako dito?!” Walang kabuhay-buhay ang kanyang mata na tumingin sa direksyon ko.
“Just calm down, Solar. Bago pa ako mawalan ng kontrol?” Narinig ko ang kanyang sinabi kahit mahina lang ito. Akmang magsasalita na sana ako pero napagdesisyunan kong hindi nalang ituloy. Baka ano pang mangyari sa buhay ko pag nagkataon?
Nang makarating na kami sa malaking bahay nila. Ay binuksan niya ang pinto ng kotse sa harap ko at hinawakan ang aking kamay at inalalayan lumabas. Hinayaan ko lang siya na hilahin ako. Napatingin ako sa aming kamay na magkahawak.
Ang lamig ng kamay niya.
Nang makapasok na kami sa bahay nila. Napakunot ang aking noo. Ang weird lang, hindi ko kasi makita ang mga maid nila. Noon pag may pumasok na bisita, binabati nila ang mga bisita... pero ngayon, wala na sila.
“Where are the maids?” I asked. Hindi lang ito nagsalita.
Nang makapasok na kami sa kwarto ay binitawan na niya ako. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.
“Wala na 'yong favorite mong teddy bear?” He chuckled.
“Hindi na ako bata, Zemira. Kaya wala ng dahilan para manatili ang walang kwentang stuff toy na 'yon.” Hinubad niya ang kanyang damit pang itaas. Hindi lang ako nagsalita.
Kumuha siya ng black na t-shirt sa cabinet at black na pajama. Huhubadin na niya sana ang pajama pero lumipat ang kanyang mata sa direksyon ko. Umiwas ako ng tingin at pilit tinatago ang namumulang pisnge ko. I heard him chuckled dahilan para mairita ako kunti.
Umupo ako sa higaan niya habang pinagmamasdan ang paligid.
“Hindi pa din ito nagbago,” sabi ko sa kanya.
“Yes.”
“Mabuti naman at sinunod ka nila.” Mga baliw kasi sila kagaya ni Xavion.
“Hindi na nila makikita pa ang araw kung galitin nila ako.”
“Ha?” Umiling lang siya at binigyan ako ng matamis na ngiti. Humiga ako sa kama at pinapakalma ang sarili ko habang nakatuon ang atensyon ko sa kisame. “Anong nangyari sa'yo sa ibang bansa, Keanu?”
“Nothing special. Tulog, kain at papasok lang ako ng school.” Napatango ako.
“May maganda ba do'n?” I asked. Mukha siyang natigilan but I heard him chuckled.
“Yes, but they're boring. Wala ni isa sa kanila ang nakaagaw sa atensyon ko.” Naramdaman ko ang kanyang presensya na papalapit sa'kin. “Only you, Zemira Ikaw lang nakaagaw ng atensyon ko.”
Hindi ko maigalaw ang katawan ko ng nilapit niya ang ulo niya sa'kin habang tinignan ako ng malalandi niyang mata.
“Lahat gusto ko sa'yo, Zemira. You are the only woman who drives me crazy,” malambing niyang sabi. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa'kin.
Kunti nalang talaga at magdadampi na ang labi namin. Agad ako gumulong hanggang sa makaalis na ako sa higaan. Kunot noo ko siyang pinagmasdan at nakangiti lang ito ng nakakaloko na para itong nakikipaglaro sa'kin.
“What do you think you're doing, Keanu?” Nakakatakot siya kahit ang cute niya.
“Bakit ayaw mo sa akin?” Pinakita niya ang collarbone niya. Hindi pa rin niya inaalis ang nakakaakit niyang titig at nakakaloko niyang ngiti. “I can give you what you want, Solar. My body, my life, my money—everything you want.”
“Pero alam kong may kondisyon 'yon?” Akala ko talaga naka move on na sa'kin si Keanu. Nagkakamali pala ako.
Medyo confident kasi ako.
“Isa lang naman ang gusto ko.” Tumayo ito dahilan para mapaatras ako kunti. “Iyon ay mahalin mo ako.”
“What?! Ayaw ko!” Sumeryoso ang kanyang mukha sa sagot ko. Bakit?! Wala ba akong karapatan na mamili ng choices?!
“Wala kang ibang pagpipilian, Solar. I don't accept rejection. I just want you to answer yes or yes,” mahinahon niyang sabi. Hinawakan niya ang balikat ko at pinaupo ako. “Magluluto muna ako. Just wait here, okay?”
“Bakit ikaw pa magluluto? Saan ba ang mga katulong?” Narinig ko itong napatawa ng marahan dahilan para taasan ko siya ng isang kilay. There's something fishy going on here.
“Wala sila dito.”
Hindi na niya ako hinayaan pang magtanong dahil sa isang iglap nakita ko nalang siyang lumabas at sinara ang pinto. Napabuntong hininga nalang ako. Pilit pinapakalma ang sarili ko.
•••
Mga ilang minuto ang nakalipas parang malapit na nga mag one hour wala pa din siya. Saan ba 'yon nagpunta? Nagugutom na ako pwede ba niyang pakibilisan—char.
Tumayo ako at napamewang na binuksan ang pinto. Tinignan ko ang paligid ngunit wala talagang tao, parang kailan lang ang daming maids dito.
Dahan-dahan akong naglakad at binalewala ang nararamdaman kong kaba at takot. Pero habang sa lumalayo ako sa kwarto ni Keanu ay may naamoy akong malansang baho na parang may patay na daga or dugo.
Binuksan ko ang pinto at napatakip ako ng bibig. Hindi ko na kaya! Sakit sa ilong! Pero halos hindi na ako makagalaw ng makita ang katawan na nakahandusay sa sahig habang nilalangaw na. Don't tell me pinatay niya 'to lahat?! Dahan-dahan akong lumapit sa babaeng nakaaway ko dati. I'm sure siya si Letty same hair sila at magkapareho sila ng mukha.
Bakit niya pinatay ang mga taong 'to? I know medyo maldita sila pero hindi 'yon sapat na rason para patayin niya ang mga maids. Agad ako umalis ng namalayan ko ang oras. Bumalik ako sa kwarto ni Keanu at napabuntong hininga habang nakahawak sa dibdib ko.
This is driving me crazy! Parang mababaliw na ako sa nangyayari sa buhay ko!
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...