“He wants to kill us.” Agad ko hinawakan ang kamay ni Kaius at nagulat ito dahil sa ginawa ko.
“Don't go! This is crazy!” Napakagat ako ng labi habang nakayuko. Nagpapanic na ako.
“Gusto kong lumaban para sa'yo, Solar. Hindi kita susukuan.” Sumeryoso ang mukha ko habang nakatuon ang atensyon ng mata ko sa kanya.
“Do you want to die? You know that if you fail! You will die! Mas malakas pa si Xavion sa'yo! Remember that?!” Nagulat ako ng niyakap niya ako.
“Hindi ko hahayaan na mamatay ako. Papakasalan pa kita, Solar. Kaya hindi ko hahayaan na patayin nila ako.” Kalmado pa rin siya na parang hindi siya takot mamatay. Sanaol nalang. Kung ikaw hindi takot mamatay. Pwes! Ibahin mo ako.
Ilang araw na ako nagpapanic. Hinihiling na hindi mangyari 'yong nakita ko pero ngayon ito na ang kinakatakutan ko?! Tinapik ko ang kanyang balikat. Bahala na kayo magpatayan diyan, basta ang importante ligtas ako.
“Good luck sa'yo. Sana mabuhay ka pa ng matagal.” Nginitian niya lang ako.
“Mag iingat ka din, Solar.”
“Ha?”
“Si Xavion na mismo ang magsasabi sa'yo. Make sure na hindi ka nila mahuhuli.” Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Hindi ako makagalaw, nag lo-loading utak ko. “One of them might kill you.”
“T-tinatakot mo ba ako?” Hayop ka talaga! Kaius!
“Kung gusto mong ma protektahan kita, make sure na nasa tabi kita.” He winked at me bago tuluyang umalis.
“Kaius!” Tinawag ko siya ngunit siya nakinig. I just heard him chuckled. Padabog akong tumalikod at umalis.
Bahala ka sa buhay mo! Hindi ako pupunta!
•••
Ilang oras na ang nakalipas at nandito pa rin ako sa kwarto nakatingin sa oras habang kinakagat ang labi ko. Anong gagawin ko?! Nag text sa akin si Xavion na magkita daw kami sa school kundi magiging miserable daw ang buhay ko! Akala ko ba mabait na siya sa'kin?
Napatingin ako sa damit ko. I wear this uniform back then. Napatingin ako sa paligid. Kailangan mabago ko ang future ko. Ayaw kong mamatay. Hindi ko man nakita kung ano ang itsura ko nung namatay ako. But I know na hindi lang pagpatay ang aabot sa akin.
They might torture my body, like rape or tearing my body apart. Ini-imagine ko lang, nasusuka na ako. Umiling ako at naalala ko ang sinabi ni Lustre. Kailangan mas matalino ako.
Paano ako magiging matalino?! Eh mga ilang araw pa bago ko maintindihan paano i-solve 'yong math?! Parati nalang naghahanap kay x, pati ako nai-istress.
•••
At ito naman si tanga pumunta nga ako. Napahinga ako ng malalim. Hindi ako pwedeng hindi pumunta dahil pinagbabantaan na ang buhay ko. I think mas worst ang mangyayari kung hindi ako pumunta.
Parang kanina lang ang ayos pa ng school na 'to pero ngayon sirang-sira na parang may nilagay sila na bomba.
School pa naman ito ni Xerxes. Kahit natatakot man ako ay pilit kong pinatatag ang sarili ko. Walang magagawa ang takot, hindi ito maliligtas ang sarili ko.
I wear a high waist pants and oversized black t-shirt at nakaponytail ako.
Kahit nagdadalawang isip man akong pumasok. Napagdesisyunan ko pa din na pumasok ako.
Ang dilim parang puno ng halimaw ang lugar na 'to. Hindi ko na alam ang gagawin ko dito. Bumalik nalang kaya ako tapos iwan ko nalang parents ni Solar.
Napailing ako.
“Ah!” Napaupo ako sa sahig habang tinakpan ang ulo ko gamit ang kamay ko. Naramdaman ko kasi na may kamay na nakahawak sa balikat ko. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya and he gave me a warm smile. “Xerxes?”
“Hindi ka mabubuhay kung inuuna mo ang takot mo, Solar.” Tumayo na ako at pilit pinapakalma ang sarili ko.
“Xerxes!” Agad ko siya niyakap at nagulat ito dahil sa ginawa ko. Hey! I'm your sister! Kaya hindi mo dapat ako hayaan na mamatay! “I'm scared! Gusto ko ng matapos 'tong lahat! Please help me!”
I heard him chuckled at kumalas siya sa pagkakayakap ko. Pinunasan niya ang luha kong malapit na tumulo gamit ang daliri niya and he gave me a warm smile, pinapakitang magiging maayos ang lahat.
Paano magiging maayos?! Magsisimula na ang peligro ng buhay ko?! Parang kailan lang! Peaceful pa ang lugar na 'to ah!
He patted my head na parang wala lang sa kanya 'to. Paano ba kumalma sa ganitong sitwasyon?! Paturo naman oh!
“Don't worry, I won't let you die, Solar.” Napahinto ako ng sumeryoso ang tingin niya sa'kin. “May kailangan pa akong dapat malaman kay Lake.”
“Ha? Anong kailangan mo sa kanya?” Bahid sa aking mukha ang pagtataka. He smirked.
“I want to know the truth. Gusto ko ng pruweba, Solar. Hindi ako maniniwalang magkapatid tayo hanggang sa wala akong pruweba.” Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking 'to. Napamewang ako tinaasan siya ng kilay.
“At kung tunay ngang magkapatid tayo? Anong gagawin mo?” I asked.
“I will let them kill you,” seryoso niyang sabi sa akin. Nanlaki ang aking mata sa aking narinig.
“Seryoso ka ba?! But why?! Akala ko ba mahal mo ako?! Kapatid mo ako, Xerxes!” Matagal niya akong tinitigan pero umiwas din siya ng tingin.
Tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad papalayo sa akin. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to.
“Oo mahal kita, sobra. Pero ang mali ay mali. Hindi kita pwedeng mahalin dahil kapatid kita and I know I can't control my feelings. Sa tuwing ini-ignore kita. Mas lalong lumalakas ang nararamdaman ko para sa'yo.” He gave me a quick look. I had hoped he would help me, but now I'm losing hope. “Hindi ka na dapat mag exist sa mundo. You're my weakness, Solar.”
Hindi na ako nagsalita at tinignan nalang siyang unti-unting lumalayo sa akin. Napatingin na ako sa likod ko and nakita ko sila papalapit sa'kin. Oh crap! Paano nila ako nahanap?!
“Akala ko hindi ka pupunta?” Nakangiti man si Xavion pero alam kong may masama itong binabalak.
“Alam mo kung anong pakay namin dito, hindi ba?” seryosong sabi sa'kin ni Leo. “Hindi na namin kaya maghintay, Solar... I'm sorry.”
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...