Mas nilapit niya ang mukha niya sa akin dahilan para mapaatras ako kunti. He gripped my waist to prevent me from running away. I gave him a serious look. He nearly kissed me pero hindi niya tinuloy.
“Sigurado akong alam ko na ang lahat, Solar. Pero bakit parang may isa pa akong hindi nalalaman? Anong tinatago mo?” mapaglaro niyang tanong.
“Bakit ba gusto mong malaman lahat ng tungkol sa akin?” tanong ko. Napatawa ako ng biglang may pumasok sa utak ko. “Akala ko ba wala kang pake sa akin?”
“May sinabi ba akong seryoso ako?” tanong niya.
“At may sinabi ka rin ba na hindi ka seryoso?” nakangiti kong tanong. Tinulak ko siya at napailing. Nagsimula na akong maglakad at alam kong sinusundan niya ako. “Maghanap ka nalang ng ibang babae.”
“At sino naman 'yon?” he asked.
“Umm si Charlotte,” sabi ko habang nakahawak ang isa kong kamay sa panga ko habang nag iisip.
“I already know him, Solar. Akala mo ba nagustuhan ko 'yong lalaking na 'yon?” tanong niya. Inosente ko lang siyang tinignan.
“Parang ganun na nga.” Mukhang nadismaya ito sa sinabi ko.
“Hindi ako bakla,” seryoso niyang sabi sa akin.
“What if maging lalaki ako? Tapos lalaki ka rin? Mamahalin mo pa rin ba ako?” inosente kong tanong sa kanya.
“Papayag ako maging bakla para lang sa'yo,” seryoso niyang sabi.
Napatigil ako at ilang oras din kami nagkatitigan. Napatawa na lamang ako.
“Do you realize kung ano ang sinabi mo ngayon?” Namula ang kanyang pisnge at napaiwas ng tingin.
“Stop making fun of me!” Napailing nalang ako habang pinipigilan ang pagtawa ko.
“Alam ko kung bakit gusto mong malaman ang lahat kapag may na close ka or may nakuha ng interest mo,” ani ko. “Ayaw mong maloko, takot kang masaktan. At higit sa lahat gusto mo 'yong tao ay mapa sa'yo.”
“As expected, Zemira. Ang talino mo.” Sinamaan ko siya ng tingin.
“Hindi ako si Zemira, ako nga si Solar.” Naramdaman ko ang braso na binalot ang baywang ko. His face was on my neck, ramdam ang kanyang mabigat na paghinga.
“Ang unfair. Kilala ka ni Keanu, pero kami lang 'yong hindi,” malungkot niyang sabi. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. “I want to know you more, Zemira. I want the real you, not the fake one.”
Pero ako na ngayon si Solar. Binigay sa akin ang katawan na 'to kasi pinatay mo ang totoong Solar. Hayop ka!
“Why do I have to endure this pain?” bulong ko sa sarili ko. Mukhang hindi niya naman ito narinig.
Pinitik niya ang noo ko dahilan para inis akong dumistansya at nakahawak na ang kamay ko sa noo kong namumula. What was that for?!
“From now on, wag ka magtago ng sekreto sa'kin.” Mas lalo siyang lumapit sa akin at kinorner ako. Base sa kanyang kilos may gagawin na naman siyang hindi maganda. “Wag kang lumapit sa iba. Wag kang tumingin sa iba. Ako lang dapat, ako lang dapat ang pinapansin mo.”
“Sino ka naman para sundin ko ang inuutos mo?” Mukhang nainis ito pero nakasuot ito ng matamis na ngiti at halata sa kanyang mukha na hindi siya nakikipagbiruan.
“Ako ang mamahalin mo.” Napatawa ako sa sinabi niya at akmang magsasalita pero inunahan na niya ako. “Iyong parents mo, papatayin ko sila kung hindi mo ako mamahalin.”
“Patayin mo. Wala akong pake,” ani ko. Mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
Actually wala akong pake sa parents ni Solar. They don't love me, they love Solar. Hindi ako ang totoo nilang anak. Kinuha nila ang katawan na 'to at habang walang malay ay pina-plastic surgery upang maging kamukha ng anak nila.
But thanks to them naging masaya ang buhay ko... Saglit.
“Seryoso ka?” tanong niya. I gave him a warm smile.
“Of course, You are mistaken if you believe that by identifying my weakness, you can subdue me.” Hindi ibang tao ang weakness ko beh, kaya hindi mo ako matatakot ng ganyan. If you want to murder them, do so. I do not want to participate in your kademonyohan.
“You're a truly beautiful monster, Solar.” I rolled my eyes at tinulak siya.
“Wag ka ngang lumapit sa akin. Distance ka ng 10 meters ganun,” irita kong sabi.
“Ayaw ko, hindi kita susundin as long as hindi mo ako maging boyfriend.” Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil sa sinabi niya.
“So susundin mo lang lahat ng inuutos ko kapag boyfriend na kita?” Napatango ito sa sinabi ko. I rolled my eyes. “Another scam na naman.”
“Subukan mo para malaman mo ang totoo.” Irita akong napatingin sa kanyang mata na ngayon ay nasasayahan na pinagmamasdan ako. “Seryoso ako... sa'yo.”
Napailing nalang ako at mas binilisan ang paglakad. Natuwa ito at sinundan pa rin ako.
•••
Kamusta na kaya si Keanu? Gusto ko siyang puntahan sa clinic kaso bawal eh. Ayaw ko din makita 'yong kambal baka mapatay ako do'n.
Nagulat ako ng inakbayan ako ni Kaius habang nakatingin sa libro na binabasa ko. Naagaw niya ang atensyon ko at ngumiti lang ito sa akin.
“What do you want?” I asked.
“Just continue reading, don't mind me.” Umiling ako at tinuon ulit ang atensyon ko sa librong binabasa ko.
Ngunit hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya dahil nakatitig siya sa akin. I looked at him again and our eyes meet.
“Hindi ka ba aalis? Hindi ako komportable,” saad ko.
“Hindi, hinahanap kita eh,” he said. Hinaplos niya ang buhok ko at hinayaan siya. I'm sure, nilalandi niya naman ako. “Namiss kita.”
Tahimik lang ako at nakatuon ang atensyon sa libro. Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Naramdaman ko nalang ang ulo niyang nakasandal na sa balikat ko habang nakapout.
“Tsk! Sunugin ko kaya lahat ng libro dito sa library,” bulong niya. Narinig ko ito kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Gusto mo talaga ako maging malungkot habang buhay, Kaius,” natatawa kong sabi. Umatras siya ng kunti upang makita ang mukha ko.
“Kasi gusto ko nasa akin lang ang atensyon mo. Gagawin ko ang lahat para makuha kita bago pa ako maunahan ng iba.”
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...