Chapter 62

776 41 13
                                    

“What if mas pipiliin ko mag stay dito kaysa sa makasama ka?” nag aalinlangan kong tanong.

He smirked dahilan para taasan ko siya ng kilay. This is new. Ini-expect kong magagalit siya pero instead na magalit siya mukhang pinagtatawanan niya lang ako—omg! Don't tell me! Naka move on na din siya?! Finally—

“Hahayaan kita. I'll only keep an eye on you if you want to suffer more,” nakangiti niyang sabi. Hinawakan niya ang aking buhok habang malanding pinagmamasdan ako. “I find it exciting to witness your suffering.” Feeling ko talaga may ibang meaning niyan. “Malaki ka na. You're already 18. Alam mo naman siguro kung anong tamang desisyon diba?”

Inis akong naglakad palayo habang nakakuyom ang kamao. Kaya kong mabuhay mag isa. Magsisimula ako sa uno.

“Where are you going?” Hindi ko siya tinignan pero alam kong hindi niya inaasahan ang gagawin ko.

“Pupunta ako sa lugar kung saan wala kayo.” Napatawa ito.

“Imposible 'yan. Kasi kahit saan pa 'yan masusundan at masusundan ka pa rin namin.”

“Basta hindi ako sasama sa'yo—hoy!” Nagulat nalang ako ng binuhat niya ako na parang sako. Iyung ulo ko nasa likod niya habang 'yong paa ko ay nasa harap niya. “Wait! Nasusuka ako—”

Hindi na siya nakinig sa akin at nagsimula na siyang maglakad. Wait?! Maglalakad lang ba kami?! Nasaan ba 'yong kotse niya?!

Ilang oras na kami ng lalakad. Feel ko talaga gusto ko ng magsuka kaso walang lumalabas sa bibig ko. Sinapak ko ang likod niya ngunit tumawa lang ito.

“Can't you see?! N-nahihirapan na ako?!” Narinig ko ang kanyang pagtawa na parang pinagtatawanan niya ako. Nakakatawa ba talaga ang mukha ko?

“Paano ko makikita ang mukha mo kung nasa likod ka?” Nainis ako sa kanyang tanong. “At saka nag e-enjoy ako.”

Sinapak niya ng mahina ang pwet ko dahilan para batukan ko siya.

“Sige Leo! Malalagot ka talaga sa'kin pag makababa ako!” inis kong sigaw sa kanya.

“Takot ako hahaha!” I rolled my eyes at napailing nalang ako sa inasta niya.

•••

Binaba na niya ako ng makarating kami sa bagong bahay niya. Hayst! Ang hirap talaga pag madami kang lalaki. Na stress bangs ko! Sasapakin ko na sana siya pero agad niya nailagan ang kamay ko. Napaikot ang aking mata dahil sa inis.

“Mahirap ka na ba?” Napa smirk ito dahil sa tanong ko.

“Bakit mo natanong?” He looked at me. “Don't worry. Mayaman pa din ako.”

“Eh bakit hindi ka nagdala ng kotse?” Binuksan na niya ang pinto at sinenyasan akong pumasok. Nagdadalawang isip man ako ay pumasok na lamang ako.

“Gusto ko eh.”

Para na tuloy akong mahirap nito. Hindi naman kasi ako nainform na darating din ang araw na magiging mahirap ako, gosh! Kung alam ko lang, kanina ko pa kinuha ang pera ng parents ni Solar.

“Alam mo, hindi ba?” Tinaasan niya ako ng kilay nagpapahiwatig na hindi niya alam ang tanong ko. “I'm not the real Solar.”

Natigilan ito saglit pero dahan-dahan din itong napatango.

“But still, hindi magbabago ang nararamdaman ko sa'yo,” nakangiti niyang saad sa'kin.

“Alam ko.” Nag flip hair ako dahilan para mapangiwi siya. “Maganda ako eh!”

“Kahit hindi ka masyadong maganda, mahal pa rin kita.” Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para magpigil siya ng tawa. “Joke lang, ito naman hindi mabiro—pero mas maganda talaga si Charlotte kaysa sa'yo.”

“Edi dun ka! Hindi mo naman sinabi sa'kin type mo pala 'yong may espada.”

“Hindi ako bakla!”

Pwes ako! Bakla ako! I like girls na!” Syempre joke lang 'yon. Desperada na akong makaalis dito.

“Hindi ka nga nanonood ng gl.” Nilapit niya ang mukha niya sa'kin habang 'yong kamay niya ay nasa likod. “Akala mo hindi ko alam?”

“Alam ang alin?” Ba't ako kinakabahan?

Nanonood ka ng bl.” Namilog ang aking mata sa kanyang sinabi.

“Ha? Ako?” Tinuro ko ang sarili ko. Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kanya habang sinisigurado ang sinasabi niya. Napatango ito na parang natutuwa. “Hindi kaya!”

Napatawa ito at pumalakpak pa. I swear! Hindi ako nanonood ng—unless... May nagpapanggap na ako pero sino kaya?

Ihahanda ko lang ang kwarto mo. Maiwan na kita.” Tumalikod na siya. Nang makalayo-layo na siya ay mapaglaro siyang lumingon ulit sa akin. “It's a secret between us.”

“Sinabi ng hindi ako nanonood eh! Gosh!” Hindi na siya nakinig sa sinabi ko at patuloy lang siya sa paglakad.

Napatampal nalang ako ng noo. I heard someone giggled dahilan para mapatingin ako sa likod ko. A woman who is taller than me. She had a flawless white complexion, red lips, long, black hair, and ruby-colored eyes. She's beautiful.

“Finally, you're here,” walang gana kong sabi.

“Miss me?” I rolled my eyes.

“I've been looking for you for 5 years!” inis kong sigaw sa kanya. 

“This novel, alam mo naman siguro na malapit na ito matapos.” Natigilan ako sa sinabi niya. Kinakabahan ako sa kanyang sinabi. Feeling ko talaga may sasabihin siya na hindi maganda. “What will happen if matapos na talaga ang kwento na 'to?”

Tinaasan ko siya ng isang kilay. Iyan na ba ang sinasabi ko. Inis kong hinila ang kwelyo ng damit niya. She just gave me a warm smile.

“Sinadya mo 'to! Hindi ba?!” Hindi na ako natutuwa sa nangyayari sa buhay ko. “Ibalik mo sa akin ang totoong katawan ko!”

“How?” I stunned. Hindi niya din alam? “Paano kita ibabalik sa katawan mo? Kung 'yong katawan mo ay nakabaon na sa lupa.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Swerte lang kung makaligtas ako do'n pero malabong mangyari 'yon. Binaril ba naman ako?! Napahinga nalang ako ng malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko.

“Pero kung gusto mo maibalik kita sa totoong katawan mo, may paraan.” Natigilan ako sa sinabi niya. “Pero kahit pa magbago ang itsura mo. Nandito ka pa rin sa lugar na 'to.”

“P-paano?”

Napangiti ito ng nakakaloka, “Choose one of those guys at dapat kayo ang magkatuluyan.” Magsasalita na sana ako pero agad niya ako inunahan. “No choice ka, kahit hindi mo siya mahal, kailangan kayo ang magkatuluyan.”

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon