Ang weird lang. Ang alam ko hindi ganyan si Levi. Hindi niya sisirain ang iba para lang makuha ang babaeng mahal niya. Hindi kaya?! Impostor siya?
Agad ako lumapit sa kanya at pinisil ang pisnge niya. Inosente lang itong pinagmamasdan ang ginawa ko.
Siya ang totoong Levi.
He smiled at me, “What are you doing, Solar?”
“Ah! It's nothing!” Bumalik na ako sa upuan ko. At may nilagay siya na baso sa aking harap at nilagyan niya ito ng kape.
“Uminom ka muna ng kape, masarap 'yan,” nakangiti niyang sabi sa akin. Ngumiti lang ako bago ito ininom.
Masarap nga. Mas masarap pa sa kape na gusto ko.
“Ito na ang paborito kong kape ngayon!” nakangiti kong sabi sa kanya.
“Parati kang nakakahanap ng bago, hindi ba?” Kunot noo ko siyang tinignan. Hindi ko maintindihan kung anong ibig niya sabihin.
Nagloading saglit utak ko pero agad rin ito gumana.
“Ah oo, wala naman kasing forever. Lahat tayo may magugustuhan na bago,” mahinahon kong sabi. Napatingin ako sa paligid. “By the way nakita mo ba si Charlotte? Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa school?”
“Ah that bastard.”
“What?” Ngumiti ito at umiling.
“Hindi ko siya nakita. Tinawagan ko na siya pero hindi siya sumasagot,” ani niya. Napatango nalang ako. “Nag aalala ka ba sa kanya?”
Dahan-dahan akong napatango. Tumayo ito bigla dahilan para magulat ako.
“L-levi, what's wrong?” Nagulat ako do'n ah.
“Ah wala, may nakalimutan lang ako. I will take my leave now, Solar. Have a nice day.” Umalis na siya pagkatapos niya sabihin ang dapat niyang sabihin.
Napabuga ako ng hangin.
•••
Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot kaya binuksan ko na 'to pero nakalock.
“Kapag hindi mo bubuksan ang pinto. Sisirain ko 'to!” inis kong sigaw sa kanya.
Mga ilang segundo pa ang lumipas ay hindi niya pa rin ito binubuksan, kaya napagdesisyunan kong itaas na ang martilyo at akmang sisirain ang pinto pero agad niya itong binuksan.
Nagulat siya ng makitang may hawak ako na martilyo kaya agad ko ito tinago sa likod ko.
Namumula ang kanyang pisnge at malaking t-shirt ang suot niya habang nakapajama pants ito. Kitang-kita ang collarbone niya habang rinig ko ang mabigat niyang paghinga. Hindi din ito nakasuot ng wig. Mas lalo siyang nakakaakit tignan.
“Xerxes... Nilalagnat ka ba?” Napa smirk ito kahit nanghihina na siya.
“M-may balak ka bang patayin ako, Solar?” Napaupo na siya sa sahig kaya inalalayan ko siya na makatayo.
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...