Chapter 31

1.4K 74 14
                                    

Naramdaman kong dahan-dahan na nila akong hinihila. Ganito ba ako patayin? Ang hatiin ang katawan ko?

“I said bitawan mo siya!” galit na sigaw ni Sparrow.

“Wag mong agawin si Solar sa akin! Pinaubaya ko na sa'yo si Charlotte! Tapos ngayon si Solar na naman?!” Ngayon ko lang nakita silang ganito at ako pa talaga 'yong nasa gitna?! Baka kapag mag away sila? Ako 'yong matatamaan sa suntok nila?! “This time! Solar is mine!”

Agad ako nabitawan ni Sparrow at agad ako niyakap ni August. What is happening?!

“Ibalik mo siya sa akin.” Dahan-dahan siyang lumapit at papalayo at papalayo naman si August. “Wala akong inagaw sa'yo, August. I admit it, interesado ako kay Charlotte. But I never said I love her... Ang mahal ko lang talaga ay si Solar.”

Sinungaling!”

“That's the truth! Ikaw 'yong tinuturing akong karibal mo! Kaya nung napansin mong medyo interesado ako kay Solar. Lumapit ka sa kanya.” Napatingin ako kay August na, kay Sparrow pa rin ang atensyon niya.

It's that true?! Oh my gosh! Insulto 'to beh! Sinong may sabi na pwede niyo akong gamitin na parang laruan lang?!

No... Hindi 'yon totoo...”

“I love her, August. Sa'yo na si Charlotte. So please, let her go.” Mukhang nag alala na si Sparrow sa kalagayan ko.

Dapat lang! Mukhang hindi na ako makakahinga dahil sa mahigpit na pagkakayakap sa akin ni August. Kung balloon lang ako, kanina pa ako sumabog.

“No! You can't take her away from me, Sparrow! She's mine! Siya lang 'yong babaeng nagpapasaya sa akin! I-if you take her away from me! Wala ng saysay ang buhay ko—”

“Then die,” walang emosyon na sabi sa kanya ni Sparrow. “Mas makakabuting mamatay ka nalang kaysa sa may karibal na naman ako sa babaeng mahal ko.”

Baliw ba kayo?!

“Teka nga! Tumigil nga kayo! Ano ba?!” Agad ako lumayo sa kanilang dalawa. “Why are you doing this to me?! Noong una! You treat me like trash! Tapos ngayon?! Ganito kayo sa akin?! Hindi niyo ako mahal bilang ako! Mahal niyo ako dahil nagbago ako! Kung hindi ako nagbago?! Mamahalin niyo pa ba ako?!”

Hindi sila makapagsalita dahil sa tanong ko. Napatawa ako na parang wala sa sariling katinuan, pero ng mahimasmasan na ako ay sumeryoso ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“Kaya wag niyong sabihin sa akin na mahal niyo ako. Kung hindi naman 'yon totoo.”

“Solar...” Halata sa kanilang mukha na nag alala sila. Inis akong umalis.

Ayaw ko na talagang makita ang pagmumukha nilang dalawa.

•••

“So this is the swimming class?” I took a quick look at my wristwatch. 5:30 o'clock.

Napagdesisyunan kong hindi muna umuwi sa bahay. Baka kasi makikita ko doon si Xavion?

Napangiti ako. Mabuti nalang talaga may dala akong extra white t-shirt at palda. Napatingin ako sa paligid. Wala naman tao.

Hinubad ko ang black jacket at palda ko. Pati na rin ang socks at white long sleeve. Sinuot ko ang white-t shirt at short, bago tumalon sa tubig.

Waah! Ang lamig! Nilagyan ba nila ito ng ice?! Pero okay lang, nag enjoy naman ako. Nagsimula na akong lumangoy sa ilalim pero napahinto ako ng may nakita akong kwentas na may heart na pendant.

And the color changes? Kinuha ko ito agad. Aahon na sana ako sa tubig pero nagulat ako ng makita si Charlotte—I mean Xerxes na nakatingin sa direksyon ko, habang gulat na gulat din.

“Solar?” Namula ang kanyang pisnge ng makita niya ang shape ng katawan ko. Agad ako umatras at ginawang pangtakip sa katawan ko ang tubig.

Napangiti ito ng nakakaloko dahil sa reaksyon ko.

“W-wag kang lalapit sa akin!” sigaw ko.

Lumapit pa rin ito. Umupo ito sa maliit na hagdan ng pool habang pinagmamasdan ako.

“Hindi ko akalain na sobrang cute mo pala kapag lumalangoy.” Pinagtatawanan niya ba ako?

“Marunong naman ako lumangoy ah,” taas kilay kong sabi sa kanya.

Nagulat nalang ako ng lumangoy siya papalapit sa akin at hinawakan ang wrist ko. He gave me a warm smile habang dahan-dahan na lumapit sa akin.

“Pwede mong gamitin 'yong paa mo pang suporta kapag lumalangoy ka. At sa ka igalaw mo ang kamay mo. Kapag nagalaw na ang isa ay igalaw mo ang kaliwa pagkatapos.”

“Hey! Wag mo nga ako turuan! Marunong naman ako lumangoy ah!” Tumawa ito dahilan para mas lalo akong mainis.

“Hahaha! Pasensya na. I just want to teach you more, Solar.” Tsk! Pinagtatawanan mo nga ako.

Hinawakan niya ang baywang ko at pinalutang ako sa tubig.

“It's more relaxing kapag nakahiga ka sa tubig,” mahinahon niyang sabi sa akin.

Pinikit ko ang aking mga mata at niramdaman ang malamig na tubig, pero napakunot ang noo ko ng may naramdaman akong malambot sa labi ko.

I open my eyes and I saw him kissing me. Muntik na akong malunod dahil nawalan ako ng balanse. Mabuti nalang at agad niya ako niyakap. Tumingin ako sa kanyang mukha na ngayon ay ang lapit na sa akin.

“I'm sorry, hindi ko makontrol ang sarili ko,” malandi niyang sabi sa akin.

“You bastard!” Sasampalin ko na sana siya pero nagulat ako ng hinalikan niya ako at diniinan ito. Hinawakan niya pa ang pisnge ko.

“Solar! Where are you?!” Teka boses 'yon ni Sparrow?!

Nagulat nalang ako ng dinala niya ako sa ilalim. He keeps kissing me, habang nakatingin sa akin. Pilit ko siyang tinutulak pero wala akong lakas kasi nasa ilalim kami ng tubig.

Ng makaahon na kami sa tubig ay agad ko siya tinulak at pinahid ang labi ko gamit ang kamay ko.

“You pervert!”

“I'm sorry, hindi ko sinasadya,” nakangiti niyang sabi sa akin. Tinanggal niya ang wig niya at ginulo ang buhok niya.

Aaminin ko. Super gwapo niya, mas gwapo pa siya kaysa kay August. He looked at me at kumindat ito sa akin.

“Pwede na ba ako maging boyfriend mo?” Napatawa ako dahil sa tanong niya.

“Sorry, hindi ako pumapatol sa lalaking nagsusuot ng damit pangbabae,” I lied. Tumayo na ako at napa smirk ito dahilan para mapakunot ang noo ko.

“Do you want me to stop?”

“What?”

“Pretending to be a girl?”

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon