Nanlalabo na ang paningin ko. Nakatingin lang ito sa akin dahilan para taasan ko siya ng kilay.
“What?!” Hindi lang ito nagsalita at nakatingin pa rin ito sa akin. “Are you making fun of me?!”
“Cute.” Napangiti ito ng nakakaloko at pinanliitan ko lang siya ng tingin. “Ngayon ko lang narealize na ang cute mo pala tignan.”
“Matagal na akong cute, sadyang bulag ka lang talaga.” I rolled my eyes at ininom ang alak na nasa tabi ko.
“Solar?” Agad hinawakan ni Charlotte ang wrist ko at alala itong nakatingin sa akin.
“Pretty~” sabi ko sa kanya habang nakangiti.
“Stop this, you're only 14 year old tapos umiinom ka na ng alak?” Sinamaan niya ng tingin si Luke. “What did you do to her? Tinakot mo ba siya para uminom siya ng alak?”
“Charlotte~ uminom ka din, para masaya tayong lahat!” masaya kong sabi sa kanya. Mukhang natigilan ito dahil sa sinabi ko at nagpuppy eyes naman ako. “Ayaw mo bang uminom?”
Napabuga ito ng hangin dahil sa inasta ko.
“If I drink this, hindi ka na iinom diba?” Kahit wala akong naintindihan ay napatango nalang ako. Uminom na ito.
At hindi ko namalayan ang oras. Nakahiga na ako sa sahig habang tinitignan ang paligid na umiikot. Pumatong sa akin si Charlotte at napatawa ako kahit nanghihina na ako.
“B-bakit dalawang Charlotte ang nakikita ko?” Namula ang pisnge niya at natigilan ako ng hinalikan niya ako sa labi.
Hindi ako makagalaw at nakatingin lang ako sa kanya. Pagkatapos niya akong hinalikan, nakikita ko pa rin ang namumula niyang pisnge. She smiled at me.
“I love you, Solar. Matagal na kitang gusto.” Iyan lang ang huli kong narinig at nawalan na ako ng malay.
•••
Minulat ko ang mata ko at napaupo.
“Bakit ang sakit ng ulo ko?” Napatingin ako kay Charlotte na ngayon ay mahimbing na natutulog sa sahig.
Minulat niya ang kanyang mata at nagtagpo ang mata naming dalawa. Mukhang nagulat siya ng namalayan na kanina pa ako nakatingin sa kanya.
“S-solar?” Ngumiti ako sa kanya.
“Good morning, Charlotte.” Tumayo na ako at nag stretching. “Ano palang nangyari kahapon? Ang sakit ng ulo ko.”
Umupo ito at yumuko dahilan para mapakunot ang noo ko, para siyang na disappoint or something. May ginawa ba sa kanya si Luke? Well, problema na nila 'yon. Basta! Ngayong araw na 'to! Matutuloy ang shopping ko!
Excited na ako!
“Ah... So wala kang naalala?” Sumeryoso ang tingin niya sa akin.
“Bakit? May ginawa ba akong kalokohan kahapon?” kinakabahan kong tanong. Mga ilang segundo pa ang lumipas ay ngumiti ito at napailing.
“Wala naman, natulog ka kaagad. Mabuti nalang at nakita ka ni Levi at dinala dito,” nakangiti niyang sabi sa akin.
“Si Levi?”
•••
Kumakain kami ngayon. Habang ini-enjoy ko ang kinain ko, hindi ko maiwasang mapatingin kay Luke na ngayon ay parating nakatingin sa akin. Ah! Naalala ko na! Uminom din ako ng alak kasama si Luke. Wala naman 'yatang nangyari sa amin, hindi ba?
Napalunok ako ng laway at hinawakan ni Levi ang balikat ko.
“Hayaan muna si Luke. Mukhang hindi niya lang ini-expect ang nakita niya,” nakangiting sabi sa akin ni Levi.
“Bakit ano bang nakita niya?” tanong ko sa kanya. Tinuro ko ang sarili ko. “Dahil ba 'to sa akin? May ginawa ako kahapon no?”
He giggled, at ginulo ang buhok ko, “Wag ka masyadong komportable kay Charlotte.”
“Ha? Bakit naman?” Tumingin siya kay Charlotte na ngayon ay kausap na si Xavion.
“She's dangerous, kahit ako hindi ko alam kung ano siya talaga.” Bumaling ulit ang tingin niya sa akin. “I'm just worried about you, I don't want you to be in danger.”
Napatawa ako dahil sa sinabi niya, “Hindi mapapahamak ang isang kagaya ko, Levi. So there's no need for you to worry about.”
Hindi ko naman makukuha ang atensyon nila, dahil isa lang akong supporting character dito. The real villain in this story ay hindi pa nagpapakita.
May mamamatay, at may papatayin, may maghihiganti at madami pa and I will do my best para labas na ako sa gulong mangyayari pa. Pero sa tuwing lumalayo ako sa kanila, sila ang lumalapit sa akin.
Napatingin sa akin si Charlotte and I smiled at her. Malungkot itong umiwas ng tingin dahilan para magtaka ako.
Ano bang ginawa ko dati? Hindi ko talaga matandaan.
•••
Ano ba kasing ginawa ko kahapon? Hindi ko talaga matandaan.
“Solar!” Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin at inis siyang lumapit. Ano na namang problema ng batang 'to?
“Keon? What are you—”
“Why?! Bakit siya pa?!” Ano bang pinagsasasabi ng batang 'to?
“Ha?” Hinawakan niya ang balikat ko at nagulat ako ng tumulo ang luha niya.
“I like you, Solar! I like you so much! Pero bakit siya pa?! Bakit si Charlotte pa?! Hindi mo naman sinabi sa akin na babae pala gusto mo!” Walang gana lang akong nakatingin sa kanya. What the heck is he talking about?!
“Ano na naman trip mo beh?” Mukhang nagulat ito dahil sa sinabi ko. Ginulo ko ang buhok niya. “Kung nandito ka para pag tripan ako. Wala ako sa mood ngayon.”
Aalis na sana ako pero nagulat ako ng hawakan niya ang wrist ko at hinila. Nasaksihan ko nalang ang sarili ko na nagdampi ang labi namin.
Agad ko siya tinulak at halata sa kanyang mukha na seryoso ang sinabi niya, dahil namumula na ngayon ang pisnge niya.
“Hindi ko matatanggap! Aagawin kita sa kanya!” Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na siya.
Gosh! Nababaliw na ba talaga 'yon?
“Bakit wala lang sa'yo na hinalikan ka niya?” Napatingin ako sa lalaking nagtanong.
“Lake,” walang gana kong banggit sa pangalan niya. “Alangan naman magdabog ako. Mababago ba ang lahat kapag nagreklamo ako?”
“Are you sure you're a woman? You respect yourself, right?” Ano bang problema ng lalaking 'to?! Kiss lang naman 'yon at nasanay na ako kasi artista ako dati.
Para sa akin, wala lang 'yon.
“Of course, I respect myself. Ano bang gusto mong gawin ko? Bakit galit ka? Ikaw ba 'yong hinalikan?!” Naiinis na ako sa lalaking 'to.
Natigilan siya dahil sa sinabi ko at parang nagtataka itong nakatingin sa akin.
“Tama, bakit ako galit?”
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romans(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...