Chapter 25

1.6K 92 44
                                    

Pinisil ko ang ilong niya, “Kaya hindi ikaw ang type ko.”

Tumayo na ako at umalis. Kay Charlotte nalang ako matutulog, mas safe pa ako doon kasi pareho naman kaming babae.

•••

Pinindot ko ang doorbell, nakailang pindot na ako pero hindi pa rin niya binubuksan ang gate. Ano ba?! Ang tagal! Baka wala siya dito?

Mga ilang segundo pa ang lumipas ay may lumapit na maid. Black hair and black eyes, maganda ito at maputi, parang nasa mga 30s na siya.

“Ano pong kailangan niyo?” seryoso niyang tanong sa akin. Pwede bang ngumiti ka din? Nakakasira ka ng mood.

“I'm Solar Elizalde. I'd like to meet Charlotte... Umm, nandyan ba siya?”

Mukhang nagulat ito dahil sa sinabi ko. Pinapawisan ito at parang may gustong sabihin, namumutla na ang kanyang mukha. Napakunot ang noo ko. Bakit siya ganyan? Parang may dapat akong malaman.

“Young lady, hindi ka dapat nandito.” Kahit mahina lang ito ay narinig ko ang sinabi niya, pero hindi ko maintindihan kung bakit?—wait! Hindi kaya nakikita nila ako bilang kaaway ni Charlotte.

“Ah hindi ako nagpunta—”

“Solar! Ikaw pala 'yan!” Agad lumapit sa akin si Charlotte at bumungad sa akin ang kanyang mukha na may matamis na ngiti. “Sana tinawagan mo ako para makapaghanda ako.”

“Biglaan lang kasi.” Umiwas ako ng tingin. “Hindi ko nga aakalain na makakapunta pa ako dito.”

“Pero teka bakit alam mo kung saan ang bahay ko?” tanong niya sa akin.

Napakagat ako ng labi dahil sa tanong niya. Inosente lang itong nakatingin sa akin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nabasa ko 'yon sa kwento. Napalunok ako ng laway.

“U-umm... N-nagtanong lang ako kay mom,” palusot ko. Namula ang pisnge kong tumingin sa kanyang mata. “Pwede ba akong matulog sa tabi mo?”

Namula ang pisnge nito at napayuko. Hala bawal ba? Hayst! Babalik na naman ako sa bahay na 'yon. Magsasalita na sana ako pero agad siya nagsalita.

“Of course!”

•••

Tumabi ako sa kanya at tumingin sa kisame, ramdam ko ang kanyang mata na nakatitig sa akin.

“What?”

“H-ha?!” Humarap ako sa kanya dahilan para mamula ang pisnge niya.

“May gusto kang sabihin sa akin, hindi ba?” tanong ko. Dahan-dahan itong napatango. At napalitan ng lungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha.

“Why did you leave me, Solar?” Napahinto ako at umiwas ng tingin. Sasagutin ko pa ba 'yan? “Dahil ba kay Xavion?! Gusto mo ba makipag break ako sa kanya? Makikipagbreak nalang ako—”

“No! Hindi mo dapat 'yan gawin!” Agad ako napaupo at nagulat naman ito.

“S-solar...” Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili ko.

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon