Chapter 34

1.3K 60 18
                                    

What?! Is he out of his mind?!

“H-ha?” Kahit si Charlotte ay hindi makapaniwala sa narinig niya.

Walang emosyon na lumapit sa akin si Xavion. Napalunok ako ng laway. Kinakabahan ako, feeling ko may mangyayaring hindi maganda.

“I love you, Solar.” Niyakap niya ako. “I'm sorry, minahal kita ng hindi ko namamalayan. I don't want to lose you. Please! Love me again!”

Napatingin ako kay Charlotte na ngayon ay walang kabuhay-buhay na nakatingin sa amin.

Nagulat ako ng may dalang kutsilyo si Charlotte at sasaksakin na sana niya si Xavion pero agad siya binaril ni Xavion.

Napaatras ako at napatakip ng bibig. Halos hindi ako makapagsalita dahil sa nasaksihan ko.

“C-charlotte...” Ganyan din ginawa sa akin dati. Binaril din ako.

Hindi ko man nakikita ang sarili ko pero namumutla na ako. Takot lang ang nararamdaman ko. Gusto ko nalang magtago kung saan hindi nila ako makikita.

Tinakpan niya ang mata ko gamit ang malaki niyang kamay.

“Hindi ka dapat tumingin. Kalimutan mo ang nakita mo,” seryosong saad niya sa akin. Hinila na niya ako palabas.

Muntik ko ng makalimutan. Psychopath nga pala si Xavion. He will kill you without hesitation if you make him angry.

“Saan mo gustong pumunta?” tanong niya sa akin. Hindi ako makapagsalita. Ano bang problema sa akin? Nanginginig pa rin ang aking katawan dahil sa takot. “Don't tell me takot ka sa akin?”

“Gusto ko ng umuwi.” Aalis na sana ako pero hindi niya binitawan ang wrist ko. “Ano ba Xavion?! Sinabi ko ng gusto ko ng umuwi?!”

“Ayaw mo ba akong makasama ng matagal? Do you really want to leave me?” inis niyang tanong sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil alam kong kapag sasagot ako, hindi niya ito magugustuhan. “Parang kailan lang sinabi mo sa akin na gagawin mo lahat para lang mahalin kita.”

Hinawakan niya ang pisnge ko. Nababahid sa mukha niya ang lungkot at pagsisisi.

“Xavion—”

“Bakit bigla itong nagbago?” Kasalanan ko bang confident ka masyado? At saka! Wala na ang totoong Solar. Madami naman naghahabol sa'yo diyan. Sadyang trip mo lang talaga ako! Hayop ka!

“Hindi naman bago 'yon. Ikaw na mismo ang may alam na magbabago lahat ng feelings ng tao. Just continue loving Charlotte.” Aalis na sana ako pero humarap ulit ako sa kanya. “And please! Ayusin niyo 'yan. Wag kayo magbreak ng dahil sa akin! Gosh!”

Nakakaloka talaga 'tong buhay na 'to. Sa tuwing nakikita ko sila, alam kong sign na ito na may panibagong stress na naman ang darating.

•••

Napakagat ako ng labi. Bakit ko ito ginagawa?! Hayst! Bahala na si batman!

Nagsimula na akong umakyat ng puno at ng makarating na ako sa bintana ng kwarto ni Sparrow ay malakas ko itong kinatok.

Binuksan ito ni Sparrow at nagulat ako ng may dala na siyang espada. Are you seriously kidding me right now?!

Pero nawala din ang cold niyang ekspresyon ng mapagtanto ako 'yong kumatok sa bintana niya.

“Solar?” Tinago niya ang espada niya sa likod. “What are you doing here?”

Agad ako tumalon at nabitawan niya ang espada niya at sinalo ako. Mukhang nagulat ito sa ginawa ko. Gosh! Para talaga siyang prinsepe.

Gusto ko siyang jowain pero wag nalang beh. Kumilos ako para bitawan niya ako at sinara ang bintana. Napabuga ako ng hangin habang hawak na hawak ang dibdib ko.

“Pasensya na at naistorbo kita.” Umupo ako sa sahig at walang emosyon lang itong nakamasid. “Aalis din ako dito. Iyung kapatid mo kasi parating nakasunod sa akin at 'yong isa naka abang sa kwarto ko.”

“What?” Agad ko niyakap ang binti niya halata sa kanyang mukha ang pagkagulat.

“Huhuhu! Let me stay here for a while! Iyung mga kapatid mo! Parating nagbibigay problema sa akin!” Hindi ko pinahalata sa kanya na nainis na ako. Tanging blangko lang ang kanyang emosyon dahilan na mag alala ako. “P-pwede akong lumabas kung gusto mo?”

Ngumiti ito, “Of course, you can stay here... Kung gusto mo nga, pwede kang dito nalang tumira habang buhay.”

“Ha?” Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan na makatayo at pinaupo sa higaan.

“I can take care of you, Solar.” Binuksan niya ang tv at binigyan niya ako ng chichirya. Nagpapasalamat din ako na niligtas mo ako noon.”

Wala talaga akong planong iligtas ka noon. It just, nakatingin ka sa akin at baka magtaka ka kung bakit hindi kita niligtas? Eh ako 'yong Elizalde's angel daw kuno.

“Wala 'yon, kalimutan mo na 'yon.” Yumuko ako at pinaglaruan ang kamay ko. Hindi ko maigawang tumingin sa kanyang walang emosyon na mata dahil baka hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nagtagpo ang mata naming dalawa. 

“I saw Charlotte.” Naagaw na niya ang atensyon ko. “Hinayaan niya lang ako.”

“W-what?”

“Na parang gusto niya akong patayin. Ang sabi ni Lake, inutusan daw ni Charlotte na bugbugin ako ng mga lalaki.”

So plano lahat 'to ni Charlotte. Bakit kasi ako nareincarnate dito ng hindi ko natatapos basahin ang kwento?

“Maybe it's a misunderstanding—”

“And I am aware that you are not Solar.,” sabi niya sa akin dahilan para matigilan ako.

“Ano?”

Natagpuan naming patay si Solar sa kagubatan.” Ha? Ano daw? “Dahil sa pagkawala ng anak nila. Kumuha sila ng babaeng walang malay at pinaretoke ito sa pinakasikat na doctor dito. At pinaniwala nila na ikaw ang totoong Solar.”

“Pero paano mo ma e-explain—”

“Inutusan nila lahat ng doctor dito sa pilipinas na magsinungaling.” Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo or hindi. “Ikaw na ang bahala kung maniniwala ka or hindi.”

“Sasabihin mo ba sa kanila? Na isa akong impostor?” Napangiti ito dahil sa tanong ko. Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko.

“Wala akong pake kung ikaw ang totoong Solar or hindi. Ang alam ko lang is ikaw 'yong babaeng mahal ko.” Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa akin. “Kahit pa masira ang mukha mo or kahit pa isumpa ka or maging halimaw ka, kahit maging masama ka... Kahit anong gawin mo, Solar. Hindi magbabago ang nararamdaman ko sa'yo, mahal kita.”

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon