Agad ko tinapon ang sarili ko sa aking higaan at komportableng pumikit. Makakapagpahinga na rin ako. Kumunot ang aking noo ng maramdaman ang matang kanina pa nakatingin sa akin.
I gently opened my eyes, laying on the bed next to me, was Xerxes, dressed as a girl. Namilog ang aking mata ng magtama ang mata naming dalawa.
“Xer—” Hindi pa ako tuluyan makatayo ay niyakap niya ako.
“Rest, Solar.” Para talaga siyang babae kung magsuot siya ng damit na babae.
Madami talaga siyang maloloko na lalaki pag nagkataon.
“What are you doing here?” I asked seriously.
“Aren't you happy I entered your room?” Mapaglaro itong nakatingin sa akin na para bang inaakit ako.
“19 ka pa beh. Alam ko iniisip mo.” He just looked at me innocently, umaastang wala siyang alam sa sinasabi ko. Umirap ako at umiling.
“Bakit ano bang iniisip mo, Solar?” Ito naman oh! Binibigyan agad ako ng kasalanan. “Ikaw lang naman iniisip ko. Ano bang ibig mo sabihin?”
“Ang weird mong lumandi kapag nakasuot ka ng pangbabae.” Umupo ako at napangiwi. “Para talaga akong may kausap na babae.”
He smirked at umupo na rin. Tinanggal niya ang wig dahilan para taasan ko siya ng kilay. At nagulat ako ng hinubad niya pati damit niya. Hinawakan ko ang kamay niya at may gana pa talaga siyang ngumiti ng nakakaloko.
“What are you doing?!” Inosente siyang nakatingin sa'kin, halatang inaasar niya ako.
“Naghuhubad,” sabi niya. I rolled my eyes.
“Baka nakakalimutan mo, Xerxes? Babae ako?” Pinaglalaruan niya talaga ako!
“So? Hindi ako takot. Hindi ka na bata, Anything you want to do in my body is acceptable.” He winked at me dahilan para mapangiwi ako. Tinignan ko siya ng nandidiring tingin at umiling.
Hindi ako manyak kagaya mo beh. Sinapak ko siya ng unan at tumawa lang ito. Parati niya talaga akong inaasar.
He continues to deny that I am his sister. Hindi pa rin niya ito tanggap at pinagpatuloy na magkagusto sa akin.
•••
Gaya ng inaasahan ko, hindi sila dumating. Wala na talaga silang pake sa mga kapatid nila. For the sake of the girl they adore, they are ready to fight. Why am I being punished? What did I do to deserve this?
“Keon? What are you doing here?” Hindi ako makapaniwala na nandito siya. Ini-expect ko na nasa bahay lang siya, nakahiga at nanunuod ng tv.
“Diba sinabi ko na sa'yo! Leave Keanu alone!” Bakit ba parati akong pinapagalitan ng batang 'to? 17 na siya pero hindi pa rin siya nagbago. “How many times do I have to remind you not to approach Keanu? Solar, it's for your own good!”
“Ano bang dahilan bakit parati mong pinapahiwatig sa akin na delikado si Keanu?” Hindi ko siya maintindihan. I'm sure na safe naman ako kasi hindi naman gumaya si Keanu sa mga kapatid niya. Inosente pa rin siya.
Yumuko ito dahilan para mapakunot ang noo ko. Nakita kong kinuyom niya ang kanyang kamay.
“I-i saw him...” Tinaasan ko siya ng isang kilay. Magsasalita na sana siya pero agad may sumabat sa kanya.
“Saw what?” Napatingin kami sa lalaking nagsalita. Hindi namin inaasahan na makikita namin si Keanu.
Nagbago na 'yong style niya, hindi na siya 'yong pang bata na style ng damit. Mature na 'yong pananamit niya. Ang cool niya tignan.
Hinawakan ni Keon ang kamay ko ng mahigpit. Anong nakita niya? Hindi ko man pinapahalata pero nagdududa na ako kay Keanu.
Hindi kaya tuluyan na nga siyang naging kagaya ng kapatid niya? But that's impossible. I did everything para hindi siya magaya sa kapatid niya.
“Is there something on my face?” he asked me. Umiling ako. Malaki na nga ang pinagbago niya. Sana hindi tama ang iniisip.
Nakikita ko siyang palihim na nakatingin sa kamay naming dalawa ni Keon pero hindi pa rin ito nagsasalita.
“Bakit ka bumalik agad?” Kahit cold man ang boses ni Keon ay ngumiti lang si Keanu.
“Namiss ko kasi kayo. At saka, baka madaming mangyayari dito na wala ako?” Tumingin siya sa akin at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
Ewan ko ba pero hindi ako komportable sa kanya. Nababaguhan ako.
“Kamusta ka naman? Okay lang ba ang pamumuhay mo sa ibang bansa?”
“Ba't mo siya tinatanong?! Madaming perang binigay sa kanya ng dad namin kaya sigurado ako masaya siya do'n!” inis na saad ni Keon. Hindi siya tumingin kay Keanu at nakatingin lang ito sa harap. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko at ramdam ko ang kanyang kamay na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Medyo nasasaktan na ako pero hinayaan ko lang siya.
Naintindihan ko din naman siya. Gusto kong tanungin si Keon kung anong nakita niya... Tatanungin ko siya pag wala na si Keanu.
“Well, masaya naman doon pero hindi ko maiwasang mamiss kita, Solar.” Hindi ko alam na magaling na pala lumandi si Keanu.
“Tsk! I'm sure nambabae lang 'yon do'n.” Kahit mahina lang 'to ay sigurado akong narinig ni Keanu ang sinabi ni Keon.
Wag naman sana sila mag away sa harap ko. Talagang magpapanggap ako na hindi ko sila kilala kung magsusuntukan sila sa harap ko. Hinila ni Keanu si Keon papalayo sa akin. Mukhang nagulat si Keon at halata sa kanyang mukha na naiinis na ito.
“Hey! What do you think you're doing?!” he shouted. Ayan na ba ang sinasabi ko.
“17 ka na, Keon. Wag mong sabihin didikit ka pa rin kay Solar na parang bata.” Kahit nakangiti man ito naramdaman ko ang galit niya.
“Gusto mo ba mamatay ng maaga, Keanu?” nakangiting tanong ni Keon. Tumikhim ako upang maagaw ko ang atensyon nila.
“Kung mag aaway kayo, iinform niyo lang ako ha,” mahinahon kong sabi. “Iiwan ko kayo dito.”
“Hindi naman kami nag aaway, Solar. Mahal ko ang kapatid ko at alam ko din na mahal niya ako.” Hindi halata na mahal ka ni Keon. At hindi ko akalain na you're bad at lying, Keanu.
Napabuntong hininga na lamang ako. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang lalaki na ngayon ay kasama ang babaeng pumatay sa akin noon.
“Solar?”
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...