“Are you sure anak? Iyan ba talaga ang gusto mo?” malungkot na tanong sa akin ni papa.
“Sigurado na ako sa desisyon ko, dad. Don't worry, I will be fine. Ipapangako ko sa'yo na magiging masaya ako,” masigla kong sabi. Niyakap naman ako ni mama.
They are all aware of Solar's admiration for Xavion, pero hindi ko type si Xavion. Mmmh... Iyung type ko talaga ay kagaya ni Keanu at Levi.
“Mag iingat ka, anak. Kapag may problema ka sa school, sabihin mo lang sa amin. Kami na ang bahala,” alalang saad ni mama.
“Salamat mom, pero kaya ko na ang sarili ko.” I looked at my wrist watch at kinuha ang lunch box na bitbit ni mama. “I have to go now. Bye mom! Bye dad!”
Pumasok na ako sa kotse at pinaandar na ni manong driver ang sasakyan. Tumingin ako sa bintana at nilasap ang masariwang hangin.
Mga ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko na kung saan ang bago kong school. Ang ganda talaga!
Pero biglang nag slow motion ang lahat ng makita ko ang lalaking matagal ko ng hindi nakikita.
Brown hair and brown eyes, maputi ito at gwapo, pero mas cute siya tignan pag matagal.
Lyrus... May lumapit na babae sa kanya at niyakap nito ang braso nito. Gosh! May girlfriend na 'yong boy bestfriend ni Solar pero si Solar wala pa.
“Sabrina! Hoy! Ang cellphone ko!” Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Agad ako napatingin sa babaeng tinawag niyang Sabrina.
Guess what! Super kamukha niya ang inggitera kong kapatid! Hindi kaya nareborn siya dito? Namatay ba siya?
Hahaha bilis nga naman ng karma! Napatingin sa direksyon sa akin si Lyrus at bago pa magtagpo ang aming mata ay tinuon ko na ang atensyon ko sa harap.
•••
Bumaba na ako sa kotse at napatingin sa malaking paaralan.
'Hercules high.'
Iyan ang pangalan ng bago kong papasukan. Kung nagstudy lang sana ako noong ako pa si Zemira, edi sana hindi ako mahihirapan ngayon.
But I can't blame myself, busy ako parati kaya wala kong time mag aral. Pumasok na ako sa school at lahat sila nakatuon ang atensyon sa akin.
“Good morning,” pagbati ng ibang babae.
Binabati nila ako sa tuwing dumadaan ako sa kanila. Ganito ba ang mga studyante dito? Friendly?
Ang weird. I can feel it, something's not right. Nang mahanap ko na ang classroom ko ay walang pagdududang pumasok ako at nilagay ang bag sa upuan.
•••
Napangiti ako ng makita si Xavion na naglakad papalapit sa akin. Agad ko siya hinarangan.
“X-xavion.” He looked at me with his cold eyes, While I was here trying my best to let him know how I felt. “M-may sasabihin ako—”
“Nandyan na pala ang girlfriend mo, kuya.” Nakangiti ng nakakaloko si Keon. At habang ako ay gulat na gulat sa aking narinig.
Hinawakan ko siya, “H-hindi 'yon totoo diba?! Why?! I've waited for you for so long! Bakit ka naghanap ng iba?!”
“Bitawan mo ako, germs!” Agad niya ako tinulak dahilan para mapaupo ako sa sahig. Iniwan niya lang akong luhaan.
Why? Ano pa bang kailangan kong gawin upang mapansin mo ako? I love you so much. Ginawa ko na ang lahat. I even try my best to change myself just you to notice me.
Pero sa tuwing lumalapit ako sa'yo. Naiinis ka. Bakit? Bakit ayaw mong makinig sa feelings ko?
“Xavion!” Agad ako tumakbo at sinundan siya. Nagulat ako ng makita siyang may kahalikan na ibang babae.
She has chesnut brown hair and has a very cute and beautiful face. Napayuko ako habang tumutulo ang luha ko.
I really hate myself. Parati niyang sinasabi sa akin na istorbo lang ako sa kanya, at dapat hindi na daw ako maghabol sa kanya kasi wala namang mangyayari.
I wish hindi na ako nag exist. Sana ibang tao nalang ako! I hate myself! I really hate myself! I hope one day mamahalin mo din ako bilang Solar Elizalde.
•••
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nagulat ako ng makita si Kaius na hinahaplos ang buhok ko.
“W-what—”
“Good morning... Solar.” Agad ako napatayo at napaatras kunti. Mukhang napatawa ito dahil sa reaksyon ko.
“What are you doing here?!” Humarap siya sa blackboard.
“Me? Nag aaral. Ano pa bang gagawin sa school? Edi matuto.” Napamewang ako habang siya ay hindi makatingin sa akin. Sinusundan ba niya ako? “Anyway, hindi ka dapat natutulog dito. Sa bahay ka dapat matulog. Nagpuyat ka ba kagabi?”
“Oo, dahil sa sobrang excited.” Umupo ako at nabuntong hininga. “Kung alam ko lang na nandito rin kayo. Edi sana hindi na ako pumasok ng school.”
“What?” Ngumiti ako sa kanya.
“No, It's nothing. Bakit pala kayo lumipat ng school?” mahinahon kong tanong.
“Wah, ang talino mo talaga, Solar. Alam mo talagang kaming lahat ay lumipat ng school ng dahil sa'yo.” Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi kasi hinanaan niya ang boses niya. “Hindi mo ba alam? Pagmamay ari ito ng parents ni Charlotte.”
“Ha?” Mukhang mali 'yata ang narinig ko. “Anong sabi mo?”
“I'm sure narinig mo ako, hindi ba?” nakangiti niyang sabi. Tinapik niya ang ulo ko. “Charlotte likes you so much. Sinundan ka pa niya dito kasi hindi niya kayang mawala ka.”
“D-diba may Xavion siya?” Nilaro niya ang buhok ko. Pinaikot-ikot niya ito sa daliri niya habang mapaglaro na nakatingin sa akin.
“Mas masaya siya sa'yo, Solar. Naintindihan ko naman siya.” Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to? “After all, mukhang nagugustuhan na kita Solar.”
“Hahahhaha!” Sinapak ko ang braso niya. Alam kong nagulat siya pero deserve niyang masapak. Wag mo akong bigyan ng problema, hayop ka! “Baka kung may ibang makarinig sa'yo? Iisipin nila na gusto mo talaga ako.”
“Totoo ang sinabi ko, Solar. Mukhang gusto na talaga kita. May nararamdaman akong hindi ko naramdaman kay Charlotte dati.” Walang gana akong umiwas ng tingin.
“Nagugutom ako, bili muna ako ng pagkain—” Hindi pa ako nakaalis ay hinawakan niya ang kamay ko. Lumuhod ito at ngumiti sa akin.
Masama ang kutob ko dito.
“Pwede bang hayaan mo akong magustuhan ka, Solar Elizalde?” Hindi sa kanya ako nagulat. Nagulat ako ng nakatingin sa amin si Charlotte.
Nakita ko pa nabitawan niya ang cellphone niya dahil sa nakita niya.
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...