Chapter 32

1.3K 61 9
                                    

“P-pero paano ang paghihiganti mo para sa pamilya mo?” Sumeryoso ang tingin niya sa harap. Kita ko ang tubig na dumadaloy sa kanyang leeg paibaba sa white long sleeve niya.

Swerte naman ng tubig na 'yan—charot.

“Papatayin ko nalang sila.”

“Pero makukulong ka?!” Tumayo ito at hinawakan ang panga ko.

“Nag aalala ka ba sa akin, Solar?” malandi niyang tanong. Walang gana lang akong nakatingin sa kanya.

Hindi ako nag alala sa'yo. Nag alala ako sa sarili ko. Baka kapag wala ng lumandi sa kanila? Tuluyan na silang mapunta sa akin.

Ayaw ko naman no'n. Ayaw kong mapalibutan na mga obsessed na lalaki.

“Bahala ka sa buhay mo.” Aalis na sana ako pero natigilan ako sa sinabi niya.

“Gagawin ko ang lahat para mapa sa akin ka.” Inis akong napatingin sa kanya at binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti. “So don't let your guard down, Solar.”

Kahit 'yong boses niya nakakaakit.

•••

“So after that, i-add mo 'yong 5.” Napatampal ako ng noo dahil sa sinabi niya. “Ganito ka ba talaga ka-slow.”

“Well, pasensya na kung hindi ako kasing talino mo, Luke,” nakangiti kong sabi sa kanya. Hate ko talaga 'yong math beh! Siguro kahit sa past life ko, ayaw nito sa math.

“Kahit bobo ka, mamahalin pa din kita,” bulong niya.

“Ha? Anong sabi mo?” Hindi ko kasi marinig.

Dapat kasi si Levi nalang ang dapat nagturo sa akin. Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita. Tapos nakita ko si Luke, ang sabi wala daw dito si Levi. Absent daw.

“Wala, aralin mo 'yan. Bukas na ang exam, kapag bagsak ka. Babalik ka talaga ng grade 9.” Napailing na lamang ako.

Okay naman grades ko sa ibang subject. Math lang talaga ang sisira sa buhay ko.

“Luke, paano nga ulit i solve 'to?”

Mas nilapit niya ang sarili niya sa akin para makita kong anong tinutukoy ko.

Tumingin ako sa kanya at tinuro ito. Tumingin rin siya sa akin dahilan para magulat siya. Ang lapit kasi ng mukha namin sa isa't-isa.

“Hindi ko kasi magets 'to. Ang bilis mo kasi magturo, kaya wala akong isa na gets—” Nagulat ako ng hawakan niya ang pisnge ko.

“S-solar... I-i want to kiss you.” Ha? Baliw na ba 'tong lalaki 'to? Napatingin siya sa labi ko. “Your lips are pretty.”

Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Halos hindi ako makagalaw dahil sa gulat.

“L-luke—” Nagulat ako ng malakas na hinila ni Levi si Luke papalayo sa akin.

“Hey!” inis na sabi ni Luke. Ngumiti lang sa amin si Levi at inalalayan makatayo si Luke.

“Hindi mo dapat tinatakot ng ganyan si Solar,” mahinahon na sabi ni Levi. Tinapik niya ang balikat ni Luke. “Respect her, Luke. Hindi sa lahat ng gusto mo ay makukuha mo.”

“Tsk! What are you doing here?” Sumeryoso ang titig sa kanya ni Levi dahilan para makaramdam ako ng kaba.

Bakit parang ako 'yong kinakabahan sa kanilang dalawa?

“Pinag iisipan ko 'to ng mabuti...” Ngumiti ito at nagtaka naman si Luke. “I'm sorry, I can't let you have her.”

“What?” Mukhang nairita naman si Luke.

Nagulat nalang ako ng hinawakan ni Levi ang pisnge ko at hinalikan niya ako. Mas lalo niya pang diniinan ang halik niya sa akin dahilan para masuntok siya ni Luke.

“You crazy bastard!” Pinagsusuntok niya si Levi habang ako ay nakatulala.

Namalayan ko nalang na pinagkakaguluhan na sila ng mga studyante at pinipigilan si Luke na patayin ang kapatid niya.

Wala ako sa katinuan na umalis sa kanilang harapan. Charlotte! Kasalanan mo 'to!

•••

“Solar! You need to see this!” Hindi pa ako nakapagsalita ay hinila na ako ni Kaius sa rooftop.

Nang makarating na kami sa rooftop ay inis akong binawi ang kamay ko sa kanya.

“Ano bang kailangan mo?! Ba't—” Nagulat ako ng makita si Keon. One wrong move at pwede na siyang mahulog.

“I don't know kung anong pumasok sa utak niya! Pero I know you can save him!” Hinawakan niya ang balikat ko. Halatang nag aalala ito sa kapatid niya. “Please! Save my younger brother!”

“Keon!” sigaw ko sa kanyang pangalan. Napatingin siya sa akin habang tumulo na 'yong luha niya pero wala pa rin emosyon ang kanyang mukha.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Ngunit hindi maitatago ng kanyang mata na malungkot ito.

“Solar, dumating ka!” Mas lalo siyang umatras dahilan para mas lalong mag alala si Kaius.

“Stop this! Keon! Are you out of your mind?!” alalang sabi ni Kaius.

Hindi kaya? Dahil 'to sa sinabi ko? Na tumalon siya sa rooftop. Gaga! Joke lang naman 'yon eh.

“K-keon—” Naputol ang sasabihin ko ng agad siya nagsalita.

“Akala ko si Charlotte ang mahal ko... But I was wrong, hindi ko alam... Akala ko inis lang 'to, sa tuwing nakikita kita nagagalit ako. Pero nagpatanto kong galit ako kasi madami akong kaagaw sa'yo.” Nilagay niya ang isang kamay niya sa dibdib niya. “I love you so much... Halos mabaliw ako kapag nakikita kong masaya ka sa iba. So that's why, sinundan kita papunta sa bahay mo. Parati akong nakatingin sa'yo, kahit sa malayo lang. Because if that's what got your attention, then I'll decide to harm you even more.”

“Uhh...” Napatingin ako kay Kaius na ngayon ay nakayuko at nakakuyom ang kamao. “K-kaius, you see... Wala akong kasalanan dito. I swear! I'm innocent!”

“That crazy bastard.” Mahina lang ang pagkakasabi niya pero narinig ko 'yon. Bakit hindi siya sa akin nakatitig? Bakit nakatitig ito kay Keon?

“Solar... I will do anything para maniwala ka.” Tatalon na sana siya pero agad ako tumakbo papunta sa kanya at hinawakan ang wrist niya.

Hinila ko siya at ng mahulog siya sa akin ay agad ko siya niyakap. Kita kong nagulat siya pero napangiti rin ito at niyakap ako pabalik.

“Oo na, naniniwala na ako. Just don't do that again,” saad ko sa kanya. Kumalas na ako sa pagkakayakap.

Nagulat nalang ako ng hinila ako ni Kaius. At parang may masakit na tumama sa ulo ko at nawalan ako ng malay.

“Solar!”

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon