Chapter 61

788 38 11
                                    

“Bakit? Bakit mo kailangan magsinungaling sa akin?!” Naalala ko tuloy si Sparrow sa kanya. Hindi ko mabasa ang kanyang inisip dahil blangko lang ang kanyang ekspresyon habang kaharap ako. Pinagkatiwalaan kita—”

“Why? Masaya ka bang hindi kayo kapatid? Gusto mo ba siya, Solar?! Kung hindi ko 'yon ginawa siguro nagkagusto ka na sa kanya!” Tinaasan ko siya ng isang kilay. Hindi ko alam na pwede pala mag overthink 'tong si Lake.

“Sigurado ka bang gusto ko siya?” seryoso kong tanong.

“I don't know.” Hinawakan niya ang wrist ko. “Ayaw ko ng problema, Solar. If any of them intend to separate you from me. Papatayin ko sila.”

“But by doing that, you're a monster. A true human would never do it.” Napahinga lang ito ng malalim na parang pinapamukha sa akin na boring ako kausap. Excuse me?!

However, I am aware of my monstrosity. I was already doomed before I was even born in this earth.” He smiled playfully na parang may naalala ito. “Akala ko talaga hindi na ako sasaya sa buhay ko.” Humarap siya sa akin. I rolled my eyes. Hindi ko talaga ini-expect na malaking problema ang haharapin ko. “Not until I noticed you.”

“Tsk.”

“You're special to me. Simula nung nag focus ako sa'yo napapangiti na ako. You saved me, Solar. Malapit akong nahulog sa patibong ni Xerxes not until napansin kita.” Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at malandi akong tinignan. “Kahit wala kang masyadong ginawa sa'kin. You're the reason why i am enjoying my life, right now.”

“Ikaw lang nag e-enjoy.” Tumayo ako at hindi ko mapigilan ang sarili kong ipakita na naiiirita na ako. “You know what I want, Lake! Pero parati niyo akong ini-ignore.”

“Of course, I will give you everything... Money, fame, my life.” He touch my lips at nanindig ang balahibo ko. “But there is only one thing that I cannot give you... And that is freedom.”

Oh crap! Nagulat ako ng hinalikan niya ako. Mas lalo niyang diniin ang pagkakahalik sa akin. Pilit ko siyang tinutulak pero sobrang lakas niya. Nagulat na lamang ako ng agad siya sinuntok ni Xerxes.

“Xerxes!” Shit! Bakit siya lumabas?!

Tumawa si Lake na parang wala na siya sa sariling katinuan habang nakaupo sa sahig. Dumudugo ang isa niyang ngipin. Mabuti nalang talaga at hindi ito natanggal.

“I knew it, you're here.” Tumayo ito at nag crack ang buto niya pero mukhang hindi siya nasaktan.

Ako 'yong nasasaktan sa nakikita ko. Agad ako lumapit kay Xerxes at akmang hahawakan siya pero nagulat ako muntik akong tamaan ng kutsilyo na tinapon ni Lake.

“One wrong move, Solar. Isasama kita sa kamatayan,” seryoso niyang sabi. Hindi ako makagalaw, nakatingin sa'kin si Xerxes na parang hinihintay kung anong susunod kong gagawin.

“S-solar...” Kahit mahina ito ay narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. “R-run.”

Gosh! Nanlalambot na ba ako? Bakit ayaw kong iwan siya dito? Feeling ko kasi malaking kasalanan kapag iniwan ko siya? 

“Ano pang hinihintay mo, Solar?” Naagaw ni Lake ang atensyon ko. Habang ako ay naguguluhan. “He said run. What makes you hesitate?”

Kahit hindi ako nakatingin kay Xerxes, alam kong nakatingin siya sa'kin. Pag ako nanggigil. Lagyan ko talaga ng bomba ang earth tapos papasabugin ko para maubos na ang mga taong baliw.

Char lang—baka madamay inosenteng tao? Punta nalang ako sa mars hanapin ko si Do Min-joon. Aagawin ko siya kay Cheong Song-yi.

“Hindi ko siya iiwan.” Pareho silang dalawa nagulat. I rolled my eyes. Madami ng kasalanan ang ginawa ko, baka kapag namatay ako papahirapan ako sa next life ko.

Nagulat ako ng nakatutok na sa'kin ang baril. Walang ka emosyon akong pinagmasdan ni Lake. Nahalata ko na puno ng kalungkutan ang kanyang mata kahit hindi niya ito pinapakita.

Hindi pa ako nakapagsalita ay agad niya pinutok ang baril. Nagulat ako ng tinulak ako ni Xerxes. Hindi ko nakita ang nangyari dahil sa sobrang bilis. Basta ang alam ko lang ay nakahiga na ako ngayon sa sahig habang yakap na yakap ako ni Xerxes. Nagulat ako hindi ko inaakala na magagawa sa akin 'yon ni Lake. Hindi masyado nagbago ang kwento. Gano'n pa din ang pag uugali nila. Ang selfish pa din nila.

“Dapat tumakbo ka na.” Nakayuko ito. Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa baril niya.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa'kin ni Xerxes. Rinig ko ang malakas na pintig ng puso niya at nanlalamig na ang kanyang kamay halatang kinakabahan na ito.

“Damn it!” Kahit mahina lang ito ay narinig ko siya.

Natatakot siya, hindi dahil baka mapatay siya ni Lake kung hindi dahil baka mapatay ako ni Lake.

Inalalayan niya akong makatayo kahit nahihirapan na siya. Naawa tuloy ako sa kanya, pero bakit ganun? Ang gwapo niya pa din.

“Run, Solar.” Tinaasan ko siya ng isang kilay.

“What? Ayaw ko.” Hindi ako ganoon kasamang tao.

“Makinig ka nalang sa'kin,” seryoso niyang sabi. Binitawan na niya ang kamay ko dahilan para mas lalo akong kabahan. “Pag ikaw namatay. Kasalanan mo talaga 'yan.”

Bahala ka sa buhay mo. Ako na nga 'tong nagpapakabait. Hindi paman siya nakapagbilang ay agad na ako tumakbo. Sinundan lang ako ng tingin ng dalawa. Anong ini-expect niyo?! Magdradrama pa ako?! Ayaw kong lumapit sa'kin si kamatayan.

Narinig ko ang putok ng baril dahilan para mapahinto ako. What the—

Hindi ko alam kung papasok ba ako sa loob ng bahay o hindi. May narinig akong basag na glass at iba pa. I can't believe this.

He was supposed to fall in love with Xerxes, pero ngayon nag aaway na sila.

“Leave them, Solar.” Napatingin ako kay Leo na ngayon ay nasa loob ng bulsa niya ang kamay niya. He looked at me seriously. “Magiging pabigat ka lang sa kanila.”

“What are you doing here?” Hindi ko maiwasang hindi matakot, dahil sa nasaksihan ko.

“Ano pa ba ang ginagawa ko dito?” Hinawakan niya ang kamay ko at hihilahin na sana ako pero ginamit ko ang lakas ko upang hindi niya ako mahila. “What? Are you going to stay here? Sigurado akong makukuha ka niya. Sayang lang ang effort ni Xerxes sa'yo... Wala ka ng iba pang pupuntahan, Solar. Now choose. Stay or sasama ka sa akin?”

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon