“Hindi ko naman ini-expect na may pake ka sa akin,” walang gana kong sabi. Like hello! Ikaw kaya ang tumawag sa akin papunta dito.
Napatawa ito habang ako ay nakakunot ng noo. Anong nakakatawa? Mabuti ka pa tumatawa. Ako... Mukhang hindi ko kayang tumawa sa nangyayari sa bago kong buhay.
Napatampal ako ng noo. Kailan ba 'to matatapos? Feel ko talaga mas magiging worst pa ang mangyayari sa hinaharap.
“Anong gagawin mo, Solar? He loves you.” Kahit hindi niya i-mention ang name. Alam kong si Charlotte ang ibig niyang sabihin.
“Hindi pa rin ako nanininiwala.” Hinawakan niya ang panga niya na parang nag iisip ito.
“Hindi ka naniniwala hanggang sa wala silang pruweba, tama ba?” Hindi ako nagsalita. Kapag nakikita ko siyang nasasayahan, kinakabahan ako.
Kasi once na sumaya siya, it means may mangyayaring hindi maganda.
“Anong nasa isip mo, Lake?” seryoso kong tanong sa kanya. Hindi ko hinahalata na natatakot ako, kasi baka gamitin niya ito laban sa akin?
Hinawakan niya ang buhok ko at hinalikan ito dahilan para mapalunok ako ng laway.
“You see, sometimes kapag nagsasalita kang hindi iniisip kung anong mangyayari. May mangyayaring hindi dapat mangyari,” nakangiti niyang sabi.
“Ha?” Wait... Ano bang ibig niya sabihin?
“What do you think, Solar?” mapaglaro niyang tanong.
Tumingin nalang ako sa harapan. Sumasakit ulo ko sa'yo eh. He smiled warmly dahilan para kabahan ako.
“Wag ka ngang ngumiti!”
•••
Feeling ko talaga may nakalimutan ako. Napahinto ako ng makita si Kaius na nakatingin kay Charlotte. Bakit parang malungkot siya?
Mukhang naramdaman niya 'yata ang presensya ko dahilan para mapatingin ito sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy nalang ang paglalakad.
“I know now...” Ha? Lumingon ako sa kanya. “Charlotte fell in love with you.”
“W-what?” Nagulat ako ng hinawakan niya ang wrist ko.
“Kailan pa?! Kailan pa naging kayo?! Pinaglalaruan mo ba ako?! Bakit hindi mo sinabi sa akin?!” Bakit parang nawawala na siya sa sarili niya?
Sampalin ko kaya siya para magising siya. No! Hindi! Baka may makakita sa amin? Nakakatakot tuloy siyang tignan.
“Calm down, Kaius. Hindi kami, and never ako papatol sa kanya. Straight ako...” Natigilan ito at pinagmasdan ako kung nagsasabi ba ako ng totoo or hindi. “Sino ba nagsabi sa'yo niyan?”
Umiwas ito ng tingin, “This past few days, nawawala na ang nararamdaman ko kay Charlotte. Hindi na ito kagaya ng dati, kaya natatakot ako na mawala ang feelings ko sa kanya... Kaya inamin ko sa kanya na mahal ko siya.”
“Tapos?” walang gana kong tanong. Hindi naman kasi bago 'to, alam kong dahan-dahan aamin sila sa nararamdaman nila para kay Charlotte.
Sumeryoso ang tingin niya sa akin dahilan para manindig ang balahibo ko, na parang may kasalanan ako sa kanya.
“And she said she loves you.” Napalunok ako ng laway. Dahan-dahan akong umatras. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, kanina pa ako namatay.
“I-i think she loves me as a friend.” Ngumiti ako para hindi halatang kinakabahan ako. Nakakatakot kasi siyang magalit. “Mali 'ata iniisip mo, Kaius.”
“Hinalikan ka niya,” cold niyang sabi sa akin. “Sinabi sa akin ni Keon.”
Si Keon talaga! Hindi marunong maglihim ng sekreto.
“L-lasing ako, malay ko bang hinalikan niya ako—” He hugged me tight with his arms all around my waist.
“Stay away from her.” Ganoon na ba talaga niya kamahal si Charlotte, pati babae pinagseselosan niya?
“I am not your rival, Kaius.” Dumistansya ako sa kanya. Magsasalita na sana siya pero agad ko siya inunahan. “Don't worry, I will leave Charlotte alone.”
Para na rin sa sarili ko at para sa inyo. Mag sho-shopping pa ako mamaya.
•••
Kinain ko ang french fries ko habang tinitignan sa bintana si Charlotte na binubully ng mga babae. Sinasampal ito at sinasabunot ang buhok. Hindi makalaban si Charlotte dahil hinawakan niya ang buhok niya upang hindi matanggal.
I looked at my wrist watch. Kulang pa 'tong french fries, bili kaya ako ng ice cream?
Mga 5 seconds nandyan na si Xavion para protektahan siya, pero 5 seconds na ang nakalipas. Hindi pa din dumadating si Xavion.
Nasaan ba ang lalaking 'yon?!
“Hinahanap mo ba si Xavion? Wala siya dito.” Namilog ang aking mata dahil sa sinabi ni Leo.
“What?!” Agad ko tinapik ang kanyang balikat at tinuro si Charlotte na ngayon ay halos mahimatay na. “Hoy! Tulungan mo siya bilis!”
He gave Charlotte an innocent look, “Bakit ko naman siya tutulungan?”
“Ha? Anong bakit?! Iyung mahal mo binubugbog!” sigaw ko, nagpapanic na ako dito, ano ba?!
Napangiti ito at hinaplos ang buhok ko dahilan para matigilan ako.
“Solar, ang bait mo talaga. Bakit hindi mo subukan na iligtas siya?” Hindi pa niya ako hinayaan magsalita, umalis na siya.
Ano bang problema niya?! Sigurado akong mamamatay talaga si Charlotte niyan. Hayst! Bahala na!
Agad ako tumakbo palabas ng school. At itinapon ang sapatos ko sa kanila.
“One wrong move, and i will be your worst nightmare,” seryoso kong sabi sa kanila. Mukhang natakot naman sila at agad na sila tumakbo.
“S-so... lar.” Nawalan na ito ng malay at alala akong lumapit sa kanya.
•••
Akmang bibihisan na siya ng nurse pero agad ko hinawakan ang wrist ng nurse upang pigilan siya.
“What's wrong, miss Elizalde?” Ngumiti ako upang hindi halatang may tinatago akong sekreto.
“Ako na po ang magbibihis kay Charlotte. Mas komportable po kasi siya sa akin... At may trabaho pa po kayo, nakakahiya naman kung makaistorbo pa kami.”
Mukhang natuwa ito sa sinabi ko at tumango bago umalis. Napabuntong hininga ako. Okay self! Kaya mo 'to.
Tinanggal ko ang wig niya pati na rin ang jacket niya. Dahan-dahan kong hinubad ang damit niya at marami nga itong pasa. Nilagyan ko ng alcohol ang cotton at dahan-dahan dinampi sa kanyang sugat.
Namula ang aking pisnge ng makita ang katawan niya na may abs. Ang attractive niya tignan. Pagkakaguluhan talaga siya ng mga babae dito kung hindi lang siya nagpanggap na babae.
Minulat niya ang kanyang mata dahilan para matigilan ako. Ngumiti ito ng makita ako pero alam kong nasasaktan pa rin ito dahil sa sugat na natamo niya.
“Solar...”
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...