Gusto ba mamatay ng lalaking 'to?! Bakit hindi nalang siya nagpanggap na hindi kami nagkakilala?
“Long time no see, ang tanda mo na.” Pagkatapos ng ilang years natin hindi pagkikita, iyan lang ang sasabihin mo sa akin? Iniinis mo ba ako?! Gago ka! “Wala na akong balita sa'yo. Kamusta ka na?”
“Hindi ako okay.”
“Pardon?” I gave him a warm smile to show him that I'm okay. Bumaling ang mata ko sa girlfriend niyang nakadikit sa kanya na parang glue.
“Who is this, hon?” she asked. Kahit hindi man niya pinapakita ay nababasa ko na ang nasa isip niya.
Ayaw niyang may lumalapit sa boyfriend niya. Sa'yo na 'yan! Isaksak mo sa baga mo!
“Ah she's my childhood friend. I forgot to introduce you my girlfriend. She's Sabrina.” I gave him a warm smile ng tumingin sa akin si Sabrina.
“Sino 'yan? Kapatid mo?” tanong ni Sabrina sa akin. Hindi ito nagustuhan ni Keon at tinaasan siya nito ng kilay.
“Hindi mo ba kami kilala?” Kahit hindi mo man tignan, halata sa kanyang boses na nagpipigil ito ng galit. Hinawakan ko ang balikat niya upang ipahiwatig sa kanya na aalis na kami.
Tumingin siya at umiling ako, sinenyasan na pigilan ang galit niya.
“Sorry, bago lang kasi dito si Sabrina kaya hindi niya kayo kilala.”
“Saan ka nakatira, Sabrina?” mahinahon na tanong ni Keanu.
“Ah malapit lang sa school. Iyong may color green na gate. Doon ako nakatira,” masiglang sabi ni Sabrina. Tumango si Keanu at binigyan siya ng matamis na ngiti.
“Ang cute niyo naman! At ang tangkad niyo pa para maging elementary student.” Nakita kong nag crack ang cellphone ni Keon kaya agad ko hinawakan ang kamay niya.
Pinipigilan niya ang galit na gusto ng lumabas. Napabuntong hininga nalang ako.
“Kailangan na pala namin umalis. May gagawin pa kasi ako.” Tumango si Lyrus at hinawakan ang kamay ni Sabrina.
Lumapit ako kay Lyrus, “It was nice see you again, Lyrus.” Binulong ko lang ito dahil chismoso 'yong dalawa na nasa likod ko.
Hinawakan ko ang kamay ng dalawa, para talaga akong may dalawang kapatid. Curios ako kung anong feeling may kapatid na lalaki.
•••
Hindi ko na hinatid sila pauwi kaya na nila ang sarili nila. Nandito ako sa bahay ni Xerxes. Mas pinili ko kasing makipag close kay Xerxes kahit alam kong obsessed siya sa akin.
I know na delikado siya pero hindi mabubura ang katotohanan na magkapatid kaming dalawa. Kailangan ko ang tulong niya balang araw.
Nilagay niya ang baso na may laman na kape at ininum ko 'to.
“What?” Kanina pa kasi siya nakatingin sa'kin. Baka may gusto na naman itong ipagawa sa akin?
“Do you trust me, Solar?” Anong klasing tanong 'yan?
“Hindi,” diretsa kong sagot.
“Bakit ininum mo ang kape na 'yan ng walang pagdududa?” Akala ko ba binigay niya ito para sa akin? Iinumin ko talaga 'to, gusto ko ng kape eh.
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...