Tinapik ko ang kanyang balikat. Pagod na ako sa mga ganito. Bahala kayo mag away diyan. Mas better if magpatayan kayo hanggang sa wala ng natira para wala na akong problema sa buhay.
Napabuntong hininga ako upang pakalmahin ang aking sarili. Makahanap nga ng ibang lugar na wala sila. Ah! Alam ko na! Sa mundo ng mga alien ako pupunta! Siguro naman hindi nila ako masusundan doon?
Ngumiti ako sa kanya, “Wag ka magpapatalo sa kanila ha. Cheer you up! Fighting!”
Mukhang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko. Namula ang kanyang pisnge at umiwas ng tingin, pati ang tenga niya namumula na rin.
“So does that mean-”
“I don't love you,” nakangiti kong sabi sa kanya. Mukhang nadismaya ito sa sinabi ko. “Ang kaya ko lang gawin ay suportahan ka pero hindi magbabago 'yon. By the way, diba may exam ka ngayon at kasama mo si Charlotte? Good luck sa'yo.”
Tinaasan niya ako ng isang kilay na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
“Ano ba ang tingin mo sa akin, Solar?” seryoso niyang tanong. Napalunok ako ng laway.
Joke lang naman 'yon. Ayaw ko na nga lang mag joke next time. Nagulat ako ng tinulak niya ako sa sahig. At sinira ang uniform ko.
“What the heck?! Kaius!”
Napapikit ako ng nilapit niya ang labi niya sa leeg ko. Siguro kapag namatay ako, magigising ako ulit at nasa ibang katawan ako.
Magpakamatay kaya ako ngayon? Yah! Tama!
“I hate it!” Minulat ko ang aking mata at napatingin sa kanya. “I want to hurt you! Gusto ko matakot ka sa akin! Gusto ko gawin ang gusto ko! But I can't! Why can't I hurt you?! Why can't I hate you?!”
Ewan ko beh, pero ang alam ko lang hindi ko nilagyan ng love potion ang pagkain mo.
“But It's wrong to force to someone to love you, Kaius. Wag kang makasarili.” Kahit seryoso ako. Alam kong hindi niya ito papansinin. Siguro kahit pa masaktan ako. Wala lang ito sa kanya dahil ang parati niyang iniisip ay ang sarili niya. “Unti-unti kang naging makasarili, Kaius.”
“No-” Tumayo na ako at kinuha ang libro na nahulog sa sahig kanina. Pinagpag ko ito sakaling may alikabok na nakadikit.
“Remember, wala kayong ibang magandang ginawa simula nung dumating ako sa buhay niyo. Please lang! Kung may pake ka pa sa akin kahit kunti, layuan mo ako.” Inis ako tumalikod. Hindi na ako nag abala pang lumingon sa kanya.
•••
Nang matapos ang klasi ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita si Keanu na natutulog.
“What are you doing here?” Nagulat ako ng makita ang lalaking hindi ko inaasahan na nandito.
“Leo?!” Akala ko walang tao dito. Mukha kasi wala siyang pake sa mga kapatid niya.
“Sabi ng nurse hindi pa daw siya masyadong magaling. Kailangan pa niya ng oras para bumalik siya sa katinuan niya.” Bakit ang seryoso niya ngayon?
Namilog ang aking mata sa aking naisip. Don't tell me? Sinisisi niya sa akin kung bakit nagkaganyan si Keanu?
“Hindi ko naman kasi akalain na iinumin niya ang tubig na dapat na inumin ko kasi sa akin naman talaga 'yon binigay ni Keanu,” malungkot kong sabi sa kanya.
Pinagmasdan niya lang ako. Napayuko na lamang ako. Syempre hindi talaga ako malungkot. Nagpapasalamat pa nga ako, dahil si Keanu ang uminom no'n.
Narinig kong napabuga ito ng hangin at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at binigyan ako ng matamis na ngiti.
“You should go home now. Ako na ang bahala kay Keanu.” Napatingin ako sa lalaking natutulog at napatingin kay Leo.
Kasalanan ko din naman. At saka, hindi ko siya pwedeng iwan dito. Na gui-guilty ako, ang bata pa niya kasi.
“Tulungan na kita. Ako din naman ang kasalanan kasi hinayaan ko siyang inumin 'yon.” Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Leo.
Para naman siyang two-faced niyan.
“It's dangerous, Solar.” Napahilot siya sa sintido niya na parang may malaki siyang pinoproblema. “Sinabi sa'kin ni Keon ang nangyari, pinaparusahan na siya ngayon.”
“I can protect myself.” Umupo ako sa upuan na malapit sa higaan na hinihigaan ni Keanu. “Papunta naman dito 'yong nurse eh. Mabuti pa bumili ka na ng prutas.” Hindi lang ito nagsalita at nakatutok lang sa akin. I gave him a warm smile dahilan para mapaatras siya ng kunti. “I'm fine, Leo. Wag ka na mag alala sa'kin. I promise, hindi ako masyadong lalapit kay Keanu.”
Napahinga ito ng malalim bago lumabas. Napatingin ako kay Keanu na ngayon ay mahimbing na natutulog.
“Gumising ka na diyan.” Hindi pa rin ito gumalaw. Napangiti ako ng nakakaloko. “Oh~ sleeping beauty! Kailangan ng halik ang prinsesa upang magising. Ililigtas kita sa sumpa ni Xavion—I mean ng mangkukulam.”
Lumapit ako sa kanya at tinaasan ko siya ng isang kilay ng namula ang kanyang pisnge pero nakapikit pa din ito. Napaupo ako at walang ganang umiwas ng tingin.
Naghahanap na ng pagkain ang tiyan ko. Lalabas na sana ako pero agad niya hinawakan ang wrist ko.
“D-don't go.” I looked at him seriously.
“Nagugutom ako.” Malungkot ang kanyang mukha na umiwas. Nakatingin siya sa kanyang paa at mas lalong tinakpan ang kumot ang katawan niya.
Hindi lang ito nagsalita pero hindi pa rin niya binitawan ang wrist ko. Napaupo ako at napabuga ng hangin.
“I-i'm sorry.” Hindi pa rin ito nakatingin sa'kin. “Naalala ko ang naramdaman ko.”
“Normal lang 'yan. Kasalanan 'yon ni Keon,” walang gana kong sabi.
“P-pero... Hindi lang dahil do'n, Solar.” Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Matapang itong nakatingin sa mata ko. Umupo siya at namumula pa din ang kanyang pisnge. Kitang-kita ko ang pagkagat niya sa labi habang nanginginig ng kunti ang katawan niya. “Sa tuwing nakikita kita—”
“Wag mong ituloy!” Feeling ko talaga ang laki ng kasalanan ko ngayon. “Alam ko... Alam ko kung ano ang gusto mo.”
Halata sa kanyang mukha na nagulat ito. Hindi niya pa rin binibitawan ang wrist ko dahilan para bitawan niya ito. Mukhang napansin niya 'ata kanina pa ako nakatitig.
“Pero mali 'yon, Keanu. Alam mo 'yon.”
Please lang! Wag ka ng gumaya sa mga kapatid mo!
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...