“I want to keep you. Gusto kitang ikulong. Gusto ko nasa tabi lang kita. Ayaw kong mawalay sa'yo,” seryoso niyang sabi sa akin.
What the heck?! Help me! Mukhang nababaliw na si Sparrow.
“S-sa libro mo ba 'yan nabasa?” kabado kong tanong.
“Iyan ang nararamdaman ko Solar. Jealousy... Ayaw kong nalalaman ko na kausap mo ang ibang lalaki. Gusto ko lang ay ako lang ang makakausap mo. Ako lang ang titignan mo. Ako lang dapat nasa isip mo at ako lang dapat ang nakikita mo.” Naramdaman ko ang kanyang labi sa balikat ko. “I want you mine, Solar. Ayaw ko ng may kahati ako sa'yo.”
“Can I reject you?” seryoso kong tanong.
“No.” Kumalas siya sa pagkakayakap at umupo sa tabi ko. He looked at me and he gave me a warm smile. “I don't accept rejection, Solar. Ang tanging sagot mo lang ay 'oo'.”
“Ipipilit mo talaga sila kahit ayaw mo?” walang gana kong tanong.
“Kasi mahal kita. You don't even fear me. Isa sa rason kung bakit nagustuhan kita Solar?” Nabitawan ko ang libro at agad tumayo habang nanginginig na ang aking katawan sa takot.
“Iyan ang akala mo Sparrow. S-sa totoo lang, nagpapanggap lang ako na hindi takot sa'yo. Kasi ayaw kong mamatay.” Dahan-dahan akong napaatras. Halata sa kanyang mukha na nagulat ito. Mukhang hindi niya inaasahan ang inaasta ko. “Please! Stay away from me!”
Agad ako tumakbo papalayo. Nang tuluyan na akong makalayo ay sumeryoso ang tingin ko sa harap.
Paano ko ba i-cha-change ang kapalaran ko? Bakit naging female lead ako? Feeling ko kaya ako nareincarnate dito dahil nakatadhana na sa akin ang maging female lead, na parang crineate lang ang mundong 'to para sa kaparusahan ko.
Hindi naman malaki kasalanan ko dati. Bakit ako pa?!
Wait—kung gawin ko kayang female lead si Zemira? Napangiti ako ng nakakaloka sa naisip ko.
Nagtanong ako sa ibang istudyante kung nasaan si Zemira. And they said na nasa music room siya kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras at pumunta na sa music room. Binuksan ko na ang music room at nakita ko si August na nakahiga sa sofa habang nakapikit ang mata.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.
“She's not here,” mahina kong sabi. Nagulat nalang ako ng hindi ko mabuksan ang pinto.
Pilit ko itong binubuksan pero ayaw talaga mabukas. Shit! Baka makita ako ni August?!
Napatingin ako sa bintana at malakas ko itong kinatok para mapansin ako ni Lustre, pero laking gulat ko na tumingin ito sa akin. Walang emosyon itong nilagpasan ako.
That bastard! Sinadya niya ito!
“Calm down, Solar. I'm sure, mapapansin din nila na nawawala ka.” Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa sofa.
Naka cross legs ito at cross arm habang seryosong nakatingin sa akin. Hindi na siya 'yong dating August na clingy.
“M-may gagawin pa kasi ako,” sabi ko. Umiwas ako ng tingin at pilit binubuksan ang pinto.
“Hindi mo 'yan kayang buksan. Naka lock sa labas. Sinasayang mo lang oras mo,” seryoso niyang saad.
Hindi ako nakinig sa kanya at pilit lang binubuksan ang pinto. May gana pa itong nagplay ng music kahit hindi na kami makalabas.
“August! Help me!” inis kong sigaw sa kanya. Nagulat ako ng gumawa ng ingay ang doorknob kaya binitawan ko ito.
“Kung pilit mo 'yang hihilahin, baka masira lang 'yan?” Sinamaan ko siya ng tingin and he only gave me a warm smile. At sinenyasan na umupo ako sa tabi niya.
Napabuga ako ng hangin at napagdesisyunan nalang na sumuko. At umupo sa tabi niya.
“She did it on purpose,” cold kong saad sa kanya.
“Ah... Zemira Lustre,” walang gana niyang sabi.
“Pero ang pinagtataka ko lang bakit?” Sinamaan ko siya ng tingin at inosente lang itong tumingin pabalik sa akin. “Inutusan mo ba siya?”
“Kung alam ko lang na gagawin niya ito. Makikipagkasundo talaga ako sa kanya,” nakangiti niyang sabi. I gave him a cold stare as he patted my head. “I don't like girls, though. No thanks. I don't need anyone's assistance to acquire you.”
You don't like girls? So ano ako? Alien. Namilog ang aking mata ng mapagtanto ko ang sinabi niya. Pinisil ko ang dalawang pisnge niya at binigyan siya ng matamis na ngiti.
“Support ko kayo ni Xerxes-”
“Sinong Xerxes?” taas kilay niyang tanong. Don't tell me! Hindi niya pa rin alam na lalaki si Charlotte?!
Napakagat ako ng labi at umiwas ng tingin.
“Wala.” Hinawakan niya ang panga ko at nilapit sa kanya, pinisil niya ang panga ko at niyuyugyog ito.
“Sino siya?!” Walang gana ko lang siya tinignan habang pinaglalaruan niya ang maganda kong mukha.
“Hindi ko nga alam-”
“Kabit mo?” Sinapak ko ang kamay niya. At napailing ako dahil sa naisip niya. Halata sa kanyang kinikilos na curios ito. “Mas gwapo pa ba siya kaysa sa akin?”
Pinagmasdan ko siya at dahan-dahan niyang inayos ang buhok niya habang nakatingin sa salamin. At bumaling ang tingin niya ulit sa akin.
“Pwede ba ako magsabi ng totoo?” tanong ko.
“Na ako ang gwapo-”
“Mas gwapo pa siya,” diretso kong sagot. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinagot ko dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha. Napatawa ako. “Gwapo ka din naman. Mas gwapo lang siya.”
“Kailangan kong makita 'yang Xerxes na 'yan. Dito lang ba siya nag aaral?” Pinanliitan ko siya ng mata at napakunot ang noo nito.
“Anong gagawin mo if nakita mo na siya?” nagtataka kong tanong.
“Kakausapin,” cold niyang sagot.
Tinignan ko siya ng nakakaasar na tingin dahilan para mainis siya. I don't know why pero ang alam ko lang ako lang ang kaya siyang inisin na hindi ako mamamatay.
“Sure kang kakausapin mo lang?”
“Damn it! Solar! Kailan ka ba titigil?! Bakit ba ang dami mong lalaki?! Hindi pa ba ako sapat sa'yo! I can treat you like a queen! I can take care of you! I will make sure that you will never feel lonely! I will stay by your side! Hindi kita iiwan! Mamahalin kita ng lubos! Ano pa bang kailangan kong gawin para mahalin mo ako pabalik?!”
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...