“Wag ka muna masyadong gumalaw.” Tinakpan ko ng bandage ang mga sugat niya. Napatingin siya sa paligid bago bumaling ulit ang tingin niya sa akin.
“Ikaw ba ang naghubad sa akin?” Namula ang aking pisnge sa sinabi niya.
“Oo, it can't be help. Kapag nalaman nila kung anong pakay mo dito. Siguradong hindi matutuloy ang plano mo.” Natigilan siya dahil sa sinabi ko.
“Alam mo ba kung anong plano ko?”
“Hindi... pero hindi ka naman magpapanggap na babae kung wala kang rason.” At isa pa, kailangan mong akitin sila para hindi na nila ako guluhin.
Nagulat ako ng hawakan niya 'yong wrist ko at hinila ako dahilan para aksidente ko siyang mayakap. Didistansya na sana ako pero mahigpit niya akong niyakap.
“I'm sorry... for loving you.” Nararamdaman ko ang mabigat niyang paghinga sa leeg ko. “Hindi ko planong umibig. I just want revenge... pero halos mabaliw na ako ng hindi mo na ako pinansin, Solar. Parang bangungot na hindi ko kayang gumising.”
“Who are you? What is your real name?” seryoso kong tanong. Kumalas siya sa pagkakayakap at yumuko ito dahilan para matakpan ang mata niya.
“Call me 'Xerxes'.” Kahit mahina ito ay rinig ko ang malalim niyang boses.
“Xer...xes?”
Muntik pa akong mapasigaw ng bumukas ang pinto.
“Solar! Nasaan ka?! May date pa tayo ano ba?! Kinalimutan mo!” Tagal na no'n. Ngayon niya lang natandaan? “Solar! Where are you?!”
Nang makalayo-layo na siya ay napahinga ako ng malalim. Napatingin ako kay Charlo—Xerxes na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.
Agad niya ako tinulak dahilan para mapahiga ako sa kama at nilagay niya ang kanyang kamay sa unan kung saan nakahiga ang ulo ko. He looked at me like may kasalanan ako.
Ano bang problema ng lalaking 'to?
“Ah so may date pala kayo ni August?” Bakit parang galit siya?
“Xerxes... C-calm down—”
“Ayaw kong lumandi ka sa kanila. You're mine. Naintindihan mo ba?” Ha? Excuse me?! Hindi mo pa nga ako naging jowa.
Mas matanda ka pa sa akin ng isang taon, pero ang nasa loob ng katawan na 'to ay 30 year old na! Hindi ako papatol sa minor beh! Pumapatol lang ako kapag hinahamon ako makipag away.
Inis ko siyang tinulak, “I will never be yours, Xerxes. Your secret is safe with me. But that doesn't mean na mamahalin kita. Ipagpatuloy mo ang paghihiganti mo. Hindi ako mangingialam.”
•••
Ano bang ginagawa ko dito?
Walang gana akong napatingin sa maid na ngayon ay nagmamakaawa na pumasok ako sa kwarto ni Xavion.
“Ayaw ko nga! Ano ba?!” Natigilan ito dahil sa biglaan kong pagsigaw.
Kinidnap kasi nila ako tapos namalayan ko nalang na nasa loob na ako ng bahay ni Xavion. Kapag tumawag talaga ng pulis si mama kasi nawawala ako, malalagot talaga kayo sa akin.
“Sige na po, 24 hours na pong hindi kumakain or umiinom ng tubig si sir Xavion. Hindi rin ito lumalabas. Feeling ko mag su-suicide ito!” alalang sabi nung maid.
“So anong kinalaman ko diyan?” Tumingin ako sa itaas. “Hindi pa 'yan mamamatay.”
“Pakiusap—”
“Alam niyo ba ang masamang damo, matagal mamatay.” Walang gana naman napatingin sa akin ang isang maid.
“Opo, kagaya niyo.”
“Letty!” Banggit nila sa pangalan niya. Magsasalita na sana ako pero agad siya nagsalita.
“Kung wala po kayong maitulong dito pwede na kayong umalis.” Tinaasan ko siya ng isang kilay.
“Hindi niyo ba ako ihahatid?” Hindi lang ito nagsalita dahilan para mapairap ako. “Kayo 'yong may lakas loob na kunin ako at idala dito. Tapos hindi niyo ako ihahatid?”
“May sarili kayong mga paa, kaya niyo na ang sarili niyo. Hindi naman kayo mamamatay kahit maglakad lang kayo.” Lumapit siya sa akin. “Dahil masamang damo po kayo.”
Ngumiti ako sa kanya dahilan upang mapakunot ang noo niya.
“Yes masamang damo ako... pero ako 'yong masamang damo na hindi nakakaawang tignan,” mapaglaro kong sabi sa kanya.
“What do you mean?”
“Akala mo hindi ko alam? Ikaw ang nag utos sa mga maid na tratuhin ako na parang aso. Pag nalaman ito ni Xavion, I'm sure hindi niya 'to palalagpasin,” nakangiti kong sabi sa kanya.
“Hindi nga kayo close,” sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.
“Then bakit kailangan niyo ako? Kung hindi kami close?” Natigilan sila dahil sa sinabi ko. “Gusto mo siya, hindi ba?”
Mukhang nagulat ito dahil sa sinabi ko. All you did is pagtawanan ako. Hindi niyo ako nirerespeto kasi lahat kayo may gusto kay Xavion at sa tingin niyo karibal niyo ako.
Even if magpatayan pa tayo, walang mangyayari. Hinding-hindi pa rin kayo mamahalin ng taong mahal niyo.
“Pathetic.” Agad ko siya tinulak at tinapakan ang tiyan niya. “Do you know I can use all my money to kill you if I want to? So please, show some respect. Know your position... Slave.”
Hindi na ito nagsalita at tinulungan siyang makatayo ng kasama niya.
“T-tatawagan na po namin 'yong driver.” Kahit hindi man ipakita ng isang maid, alam kong kinabahan ito.
I'm not the real Solar na pwede nilang abusuhin. Napatingin ulit ako sa itaas at napagdesisyunan nalang na pumunta. Wala pa naman 'yong driver kaya mas mabuti kung may magawa ako dito.
Kumatok ako sa pinto at sinubukan kong buksan ito pero ayaw mabukas.
“Hey! Gusto mo ba tawagin ko girlfriend mo?” Mga ilang segundo pa ang lumipas ay binuksan na niya ang pinto.
Pinagmasdan niya ako at nagulat nalang ako ng agad niya ako niyakap.
“Hindi mo dapat hinayaan na makita kita,” bulong niya sa akin. Napakunot ang aking noo at aalis na sana pero bigla siyang nagsalita. “Wag kang gumalaw, kundi lagot ka sa akin.”
Hindi ako gumalaw gaya ng sinabi niya. Ayaw kong mapahamak no. Napatawa ito dahil sa inasta ko at kumalas ito sa pagkakayakap.
Hinila niya ako papasok sa kwarto niya at kitang-kita ko na nilock niya ang pinto. Wala akong pake, kaya ko naman siyang suntukin kapag may ginawa siyang masama sa akin.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, “Ang ganda naman ng kwarto mo. Nakapunta na ba si Charlotte dito?”
“No... Ikaw lang ang babaeng hinayaan kong makapasok sa kwarto ko.”
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...