“K-kailan ka pa nandito?” kabado kong tanong.
“Kanina pa. Wala kang pake sa akin pero pag siya...” Napakuyom ito. “Do you want me to become a bad person, Solar?”
“O-of course not!” Lumapit ako sa kanya at tumabi. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti dahilan para mamula ang pisnge at tenga niya, pero hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Galit pa rin ito. “Hindi naman ako tinawag na Elizalde's angel kung hindi ko tutulungan ang kaibigan ko diba?”
“Kaibigan?! That Charlotte is a boy?!” inis niyang sigaw sa akin. Feeling ko talaga masisira na tenga ko. “At kayo lang dalawa ang nandito! Nag iisip ka ba?!”
Okay kalma self, ba't ba siya galit? Mas matanda pa ako sa kanya kaya dapat rumespeto siya kahit kunti lang.
“Okay lang naman ako. Wala naman nangyaring masama,” mahinahon kong sabi dahilan para mapapout siya.
“Sa ngayon?! Wala! Geez! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo!” Napahilot siya sa sintido niya. Pinipigilan ko sarili ko na hindi mapairap.
Dapat ako nga ma stress dito, hindi siya. Jusko! Hindi ko naman gusto maging female lead. Hindi ko nga maintindihan bakit nagbago ang nangyayari sa kwento? Ang ginawa ko lang naman ay magpanggap na totoong Solar. Eh hindi nga 'yon original eh!
“I can protect myself, Keon.” Hinaplos ko ang buhok niya upang matigilan siya. “Wala kang dapat ipag alala.”
“But—”
“Makinig ka sa akin, Keon. Habang mabait pa ako,” mahinahon kong sabi. Mukhang natakot ito kunti at napabuga ng hangin.
“Fine,” walang gana niyang pag sang ayon. Nilagay ko na ang cake sa lamesa. “But I will stay here. Hindi ako aalis dito, hanggang sa hindi ka aalis.”
“Ang kulit mo talaga—”
“I don't care. As long as you're safe, wala akong pake kung nakaistorbo na ako,” naiirita niyang saad.
Napabuntong hininga ako at napailing. Nang matapos kaming kumain ay pumunta ako sa kwarto ni Xerxes. Palihim siyang nakasunod sa akin dahilan para mapailing ako.
I can't believe this. Ngayon alam ko na kung bakit kailangan mamatay si Solar. Minulat ni Xerxes ang kanyang mata at bumaling ang tingin niya sa amin.
“Why is he here?” cold niyang tanong. Lumapit ako sa kanya at chineck ang temperature niya.
Bumaba na 'yong lagnat niya. Bumaling ang tingin ko kay Keon. Seryoso pa rin itong pinagmamasdan kami. Nagulat ako ng hinawakan ni Xerxes ang pisnge ko at pinaharap sa kanya.
“Sa akin ka lang dapat nakatingin, Solar. Hindi kita binigyan ng pahintulot tumingin sa ibang lalaki,” cold niyang sabi sa akin.
Nagulat ako ng hinawakan ni Keon ang wrist ni Xerxes dahilan para seryosong mapatingin sa kanya si Xerxes.
“Gusto ko lang ipaalam sa'yo. Hindi mo pagmamay ari si Solar,” seryosong saad sa kanya ni Keon.
Nagulat si Keon ng hinaplos ni Xerxes ang pisnge ni Keon.
“Parang kailan lang, baliw na baliw ka pa sa akin,” malanding sabi ni Xerxes dahilan para mapangiwi ako. “Pero ngayon gusto mo na 'yong babaeng kinababaliwan ko. Umaasa ako na maging tanga ka nalang habang buhay at mas lalong mabaliw sa'kin..”
“How dare you—” Agad ko niyakap si Keon para pigilan siya.
“Pagpasensyahan mo na si Xerxes. May sakit pa 'yan, mamaya na kayo mag away kapag magaling na siya,” bulong ko. Nagulat ako ng hinila ako ni Xerxes palayo kay Keon.
“Wag ka lumapit sa kanya sa harap ko, Solar. Mas lalo akong nasasaktan,” malungkot na sabi niya sa akin. Walang gana akong napatingin sa kanilang dalawa ng hilahin din ako ni Keon papalayo kay Xerxes.
“Mas delikado siya, Solar. Alam mo 'yan.” Napatawa si Xerxes dahil sa sinabi ni Keon.
“Can't you see, Keon? He sees you as a boy not as a man. Sa totoo lang, naaawa ako sa'yo,” mapaglarong sabi ni Xerxes. “Halatang wala kang pag asa kay Solar.”
Nakayuko lang si Keon, halata sa kanyang mukha na malungkot ito. Sinamaan ko ng tingin si Xerxes dahilan para mapatigil siya.
“For now, Keon, let's return home,” mahinahon kong sabi. Hinaplos ko ang likod niya at inalalayan siyang tumayo.
Bata lang si Keon, he's 13 at 15 na si Xerxes. Kaya dapat hindi siya masyadong harsh kay Keon. Medyo inosente pa ang pag iisip niya. Kapag ito naging biolente. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
“W-what? Are you really going to leave me for that kid?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Xerxes. Hindi ko lang siya pinansin at hinatak ko na palabas si Keon.
Nang makalabas na kami sa bahay ay kitang-kita ko pa rin ang lungkot sa kanyang mukha. Hinaplos ko ang buhok niya dahilan para maagaw ko ang atensyon niya.
“Kalimutan mo na ang sinabi ni Xerxes. Just be yourself, Keon. Wala kang dapat ibago sa sarili mo.” Please lang! Wag ka magaya sa mga kapatid mo! Hindi ko na keri kapag may dumadagdag pa na delikado na tao.
Dahan-dahan itong napatango at umuna ng maglakad. Tumawa ako ng mahina. Ang cute niya kasi tignan.
•••
Minulat ko ang mata ko at napasigaw ako ng makita si Lake na nakatingin sa akin. Agad ako napaupo. Umupo siya sa sofa na kaharap ko at umiling.
“What are you doing here?!” gulat kong tanong.
“May kwarto ka naman. Ba't ang hilig mo matulog sa sofa?” Tinaasan niya ako ng kilay. Napairap nalang ako. Pake mo!
“Pagod ako ngayon, kaya pwede ba lubayan mo ako?!” Napangiti ito ng nakakaloko. Wala ka talagang awa sa akin!
“No... Magpahinga ka na. Titingin lang ako sa'yo.” Pinanliitan ko siya ng mata. “Promise, titingin lang talaga.”
Napahinga ako ng malalim at humiga na sa sofa. Napatingin siya sa legs ko dahilan para takpan ko ito ng malaking unan. Napatawa naman ito.
“Tsk, pervert,” mahina kong sabi.
“By the way, nakita kitang nasa loob ng bahay ni Xerxes.” Natigilan ako sa sinabi niya. “Ang cute niyong tignan, bagay kayo.”
“Ano bang pinagsasasabi mo?” I heard him chuckled.
“Ang ganda pala ng legs mo. Sarap tanggalin.” Namilog ang aking mata at agad napatayo. Nakangiti ito pero para siyang seryoso.
“H-hindi magandang biro 'yan!”
Ngumiti lang ito dahilan para mas lalo akong makaramdam ng takot.
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Любовные романы(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...