Chapter 23

1.7K 80 18
                                    

“Charlotte.” Napatingin din si Kaius kay Charlotte, na ngayon ay gulat na gulat na nakatingin sa akin.

Tumayo na si Kaius at cold lang na tumingin kay Charlotte. May nangyari bang hindi ko nalalaman? Kung may mapagsabihan lang talaga ako sa nangyayari.

Para bang nareincarnate ako? Tapos naka destined na sa akin na ako na ang magiging female lead. Papayag naman ako na maging female lead pero hindi ganito ang mga male lead na gusto ko?!

I don't want to die early! If ako 'yong female lead! Sigurado akong puputulan ako ng paa ni Lake.

No! Hindi ito maaari! I need to stop this. Agad ko tinulak si Kaius papalapit kay Charlotte.

“H-hinahanap ka pala niya—bye!” Hindi ko na sila hinayaan pang magsalita at kumaripas nalang ng pagtakbo.

Wala akong pake kung sino ang mabangga ko. Kailangan kung makaalis dito!

•••

Nang makarating na ako sa rooftop ay agad ako napaupo sa sahig. Bakit parang sinumpa ako dito sa mundong 'to?!

I don't want this!

Natigilan ako ng may nagbigay sa akin ng plastic bottle na may tubig sa loob. Hindi ko na kailangan pang malaman kung sino siya kasi alam ko na.

He likes wearing blue so I know he's...

“Leo—” Natigilan ako ng nakita ko siyang nakasuot ng mascara. Walang gana akong pinagmamasdan siya habang hinihintay niyang tanggapin ko ang plastic bottle. “What are you doing?”

Tinanggap ko ang bottle. Hindi pa rin ito nagsasalita.

“I know it's you. Magsalita ka nga,” mahinahon kong sabi. Kailangan kong kumalma.

“Alam ko kasi na ayaw mong makita ang mukha namin,” ani niya. Kahit naman hindi ko makita ang mukha mo. Mabwi-bwiset pa din ako kasi makikita at makikita ko ang mga kapatid mo.

“Take off your mask...” Kukunin ko na sana sa kanya pero agad siya umatras dahilan para hindi ko matanggal ang mask niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. Ngunit hindi pa rin ito nagsasalita. Baliw na ba 'to?

“Bahala ka nga sa buhay mo!” Nandito ako para magbagong buhay, hindi para bigyan mo ng sama ng loob.

Tumalikod na ako at ng mapansin kong hindi na niya nabantayan ang sarili niya ay agad ako humarap at kinuha ang mask sa kanyang mukha.

Nagulat nalang ako ng pareho kaming natumba at nakapatong ako sa kanya, pati siya ay nagulat.

Ang gwapo niya talaga. Matangos ang ilong, medyo chinito tapos ang pulang pa ng labi niya. Naririnig ko ang malakas na pagtibok ng puso niya.

“S-solar... I—”

“Leo, the white prince. It suits you,” nakangiti kong sabi.

Ayaw niya talaga na tinatawag siyang white prince. Sa tuwing, tinatawag siya niyan ay ngumingiti ito pero alam kong peke ito.

Lahat ng babae ay pare-pareho lang, iyan ang nasa isip niya... pero bakit parang sa nakikita ko, mukhang nagustuhan niyang tawagin ko siyang white prince. Manloloko talaga ang nasa kwento!

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon