Agad ko binuksan ang pinto ng bahay ko.
“Sa wakas! Makakapagpahinga... na rin ako—what are you doing here?!” inis kong tanong sa kanya.
“Nandito na pala 'yong halimaw," nakangiting sabi sa akin ni Keon. Ngumiti naman ako sa kanya.
“Anong ginagawa mo sa bahay ko?” He chuckled dahilan para mapairap ako. Nandito na naman siya para asarin ako. “Pandak.”
“Anong sabi mo?!” Napangiti ako sa kanyang reaksyon.
“Ang sabi ko! Pandak ka! Uminom ka nalang ng cherifer para tumangkad ka naman!”
“Tatangkad din ako pag matanda na ako!” Agad siya lumapit sa akin at sinipa ang tuhod ko na may sugat.
“Aray!” Mukhang nasayahan naman ito ng makita akong nasasaktan. Ginagalit na talaga ako ng lalaking 'to.
“You bitch!” Agad ko siya sinampal at sinabunutan. Wala akong pake kung natumba na kami.
“Let me go! You crazy old women!” Napatawa ako dahil sa sinabi niya.
“14 year old pa ako! Hindi pa ako matanda! Bobo ka ba?!”
“Mas bobo ka!”
“Ikaw ang bobo!”
“Ikaw!”
“Isa! Pag bilang ko ng tatlo bibitawan mo ang buhok ko?!” inis kong saad sa kanya.
“Bitawan mo din buhok ko! Hayop ka!” Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa buhok niya. “Aray!”
“Isa! Dalawa! Tatlo!” Hindi pa rin namin binibitawan ang buhok naming dalawa. “Manloloko ka!”
“Ikaw ang manloloko!” Binitawan ko na ang buhok niya pero hindi niya pa rin binibitawan ang akin.
“Hoy! Binitawan ko na 'yong buhok mo! How about me?!” Tumawa ito dahil sa sinabi ko. Mas lalo niyang hinila ang buhok ko dahilan para mapalapit ako sa kanya.
At napahinto kaming dalawa ng namalayan namin na nakapatong ako sa kanya habang sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
Naririnig ko ang lakas ng pagtibok ng puso niya na parang nagslo-slowmo ang lahat. Agad ako umupo at hindi pa rin siya makagalaw.
Anong problema nito?
“Hoy Keon, ayos ka lang? Oa naman nito, hindi naman masakit pagkakatumba ko sa'yo.” Napahawak ako sa buhok ko, nararamdaman ko pa rin ang pagsakit ng paghila niya. “Mas masakit pa nga 'yong sa akin.”
Napahawak siya sa dibdib niya at inis na napatingin sa akin dahilan para taasan ko siya ng kilay.
“Anong ginawa mo sa akin?!” Aba lokong-loko 'tong bata na 'to ah!
“Excuse me?! Ikaw kaya naghila sa buhok ko tapos may patanong-tanong ka pa anong ginawa ko sa buhok mo?! How dare you play pa victim here?!” Hindi lang siya nagsalita at tumakbo nalang.
•••
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko si Sparrow na walang emosyon na nakatingin sa akin. Agad ako napaupo dahil sa gulat.
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...