“What are you talking about, Xavion?” nakangiti kong tanong sa kanya. How did he know?! As expected of the male lead. Matalino talaga siya.
Napangiti ito ng nakakaloko, “I wonder kung hanggang kailan mo matitiis na magpanggap na anghel, Solar.”
Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Jusko! Kailangan ko ng umalis. Nai-istress mukha ko sa'yo.
“You're really funny, Xavion,” mahinhin kong ani.
Bumukas ang pinto dahilan para maagaw niya ang atensyon ko. Ang gwapo niya talaga.
“What are you doing here, Leo?” seryosong tanong sa kanya ni Xavion.
“Narinig ko kasi na nandito si Solar. Can I borrow her?” nakangiting tanong ni Leo.
“No.” Napatingin ako kay Xavion dahil sa cold na sagot nito.
“And why is that?” Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila para silang ano. Umm—dragon at tiger parang ganun, char.
Ganda ko talaga.
“May pag uusapan pa kami ni Solar.” Hinawakan ni Xavion ang kamay ko dahilan para mamilog ang mata ko. Napatingin si Leo sa kamay namin at agad ako umatras.
Tumikhim ako, “Actually, kailangan ko pang umuwi ng maaga.”
“Bakit? May gagawin ka ba?” Napatango ako sa tanong ni Xavion.
“Sorry bawi nalang ako next time!” Hindi ko na hinayaan na magsalita sila at tumakbo na lamang ako.
•••
Hayst! Bakit ba ang laki ng bahay na 'to?! Nakalimutan ko na kung saan ang exit!
“Solar! Where are you?!” Shit! Bakit ba hinahabol ako ni Leo?!
Napatingin ako sa paligid at pumasok sa kwarto na nasa tabi ko. Dinikit ko ang tenga ko sa pinto at nakinig sa yapak ng paa ni Leo.
Ng marinig kong wala na ito ay nabuntong hininga ako.
“Sa wakas, wala na siya.” Natigilan ako ng marealize ko kung nasaan ako.
Dahan-dahan akong napatingin sa likod ko at muntik pa akong mapasigaw ng makita si Luke.
Nakasuot siya ng white long sleeve at black na pants. Gusto ko nalang talaga magpalamon sa lupa.
“Sit here.” Tinapik niya ang upuan na nasa tabi niya. Hindi ako makagalaw. Super red flag talaga 'tong lalaking 'to. Alam niyo ba nirape niya 'yong female lead?!
“S-sorry! Promise! Hindi na mauulit! Hindi na ako pupunta dito?!” Aalis na sana ako pero agad siya nagsalita.
“Hindi pa kita pinapaalis,” cold niyang saad sa akin. Napalunok ako ng laway at napatingin sa kanya. Ngumiti ito ng nakakaloko. “Bakit takot na takot ka? May ginawa ba akong mali?”
“H-ha? Ah wala.” Magiging okay lang ang lahat. Hindi naman ako 'yong female lead eh.
Nagdadalawang isip talaga akong tumabi sa kanya. Hindi man lang niya inalis 'yong titig niya sa akin. Napaupo na ako at nakatingin pa rin siya sa akin.
“So how does it feel?” tanong niya sa akin.
“Pardon?” Ano bang pinagsasasabi nito?
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...