Chapter 59

749 43 13
                                    

“And sa tingin mo papakawalan kita ng ganon ganon lang?” natatawa niyang tanong. Nagulat ako ng tinapon niya ang susi sa may apoy. Paano kami lalabas niyan?

Saan ako kukuha ng pagkain? Saan ako kukuha ng pera para mag shopping? No! My happiness! It's gone!

“Hindi ka dapat diyan nakatingin, Zemira.” Hinawakan niya ang panga ko at inilapit ito sa kanya. He winked at me dahilan para mapangiwi ako. “Sa akin ka lang dapat nakatingin.”

Nagulat ako ng sa isang iglap nag dampi na ang labi namin sa isa't-isa. Nilalaro niya ang aking dila at hiniga niya ako sa sahig. Hinawakan niya ang damit ko at huhubadin niya na sana ito ng agad ko siya sinampal.

Tumayo ako ng matigilan siya. Hindi na ako nagsalita pa at agad na tumakbo. Narinig ko ang kanyang pagtawa. Agad ako pumasok sa kwarto niya at nilock ang pinto. Mga ilang segundo pa ay malakas niyang tinulak ang pinto pero nakalock ito kaya hindi niya mabuksan.

“Leave me alone!” sigaw ko.

“Open the door, Zemira. Wag mong hayaan pati sa'yo ay magalit ako,” mahinahon niyang sabi. Mas lalo niyang nilakasan ang pagkatok niya sa pinto dahilan para mapaatras ako. “Zemira! Open the damn f*cking door!”

Kada segundo lumalakas ang pagkatok niya sa pinto hanggang sa tumigil na ito. Napatingin ako sa bintana ng makita ko si Lake ay nilagay niya ang hintuturo niya sa labi niya.

Bakit parang walang bintana dito noon? Hindi ko kasi nakita. Hinila niya ako at napasigaw na talaga ako ng pareho kaming nahulog. Napapikit na lamang ako at hinintay na mabagsak kami sa damuhan. 

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata ng hindi ko maramdaman ang sakit sa aking katawan. Nagulat na lamang ako ng namalayan kong nakapatong na ako sa kanya habang siya ay pinagmamasdan ako.

Agad ako tumayo at akmang aalis pero agad siya nagsalita.

“Hindi mo ba ako tutulungan?” Taas kilay akong napatingin sa kanya at mapaglaro lang itong nakatingin sa akin na para bang pinagtatawanan ang sitwasyon ko. “I save you, Solar.”

I rolled my eyes at inayos muna ang buhok ko bago nilahad ang kamay ko sa kanya. Nakatulala pa ito dahilan para mapairap ako, pero agad rin naman ito bumalik sa realidad at tinanggap ang kamay ko.

Hinila ko siya upang makatayo na siya. I rolled my eyes again at umiling. He chuckled at hinawakan ang pisnge ko.

“Kahit hagard ka ang ganda mo pa rin. Blue eyes and blonde hair. How I wish that you could be mine.”

Nyenye wala akong pake. Napahinto ako ng marealize na wala na pala akong matitirahan. Napatampal ako ng noo. Bakit sa isang iglap mahirap na ako ngayon?

“What's the problem?” he asked.

Sino bang may kasalanan nito? Napamewang akong humarap sa kanya.

“Saan na ako titira ngayon? Wala akong pera! Wala din akong bahay!”

He chuckled. At binigyan niya ako ng pera. I innocently looked at him.

“Sasamahan kitang maghanap ng matitirahan. Hindi nila dapat malaman kung saan ka nakatira.” Hinawakan niya ang balikat ko dahilan para taasan ko siya ng kamay. “It's a little secret between us.”

•••

Binuksan ko na ang pinto at nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hindi ito masyadong malaki, kasya ang 10 ka tao dito. May maliit na chandelier sa itaas at may dalawang aircon. Sa harap dito may malaking lamesa, dito 'yata ang dining area at sa kaliwa nito may dalawang pintuan at sa harap may malaking tv screen.

Nagulat ako ng niyakap niya ako sa likod habang kinakapa ang damit ko.

“Hey!” I shouted ng makuha na niya ang cellphone ko ay agad ako napaatras. “What do you think you're doing?”

“In case na naglagay sila ng track sa cellphone mo. Kukunin ko muna 'to upang hindi ka nila mahanap.” Namilog ang aking mata.

“Pero hindi ako mabubuhay pag wala 'yong cellphone ko?!” Napatawa ito at ginulo ang buhok ko.

“You can just watch tv. Magtiis ka or makulong ka habang buhay sa iba?” Walang gana ko lang siyang tinignan.

“Diba it's the same ending sa'yo?” He just gave me a warm smile bago umalis.

Napabuntong hininga na lamang ako. At umupo sa sofa. Tinaas ko ang isa kong kamay at tinignan ito.

Calista... Is that really my name?” Napailing ako. “Ang original na nagmamay ari sa katawan na 'to. Also known as Charlotte Calista Kim.”

Napabuga ako ng hangin.

Xerxes...

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Xerxes na duguan ang balikat at punit-punit ang damit.

What the—paano niya ako nahanap dito?! Agad ako lumapit sa kanya ng napahiga siya sa sahig.

“Xerxes! Hoy gising!” sigaw ko. Ngunit hindi na ito gumalaw. I was shocked when he touched my cheeks and his lips brushed against mine, bago siya nawalan ng malay.

Mga ilang segundo pa ay nabalik na ako sa katinuan ko. Kaya agad ko siya sinampal.

•••

Medyo nag aalala ako sa kanya. Keanu is much stronger than him at halata naman na kaya siyang patayin ni Xavion. Pero nagulat ako ng natakasan niya ang halimaw na gusto siyang patayin.

His eyes slowly open, and he turns to face me. I gave him a warm smile bago siya nabalik sa katinuan niya.

“Now then, paano mo ako nahanap?” Umiwas ito ng tingin at parang walang balak sagutin ang tanong ko. I rolled my eyes at napailing. “So nakita mo ba si Lake? Nahanap mo ba ang sagot na gusto mong malaman?”

“Oo.” Nakatingin ang kanyang mata sa kisame na para bang may iniiwasan siya sa'kin.

“A-anong sinabi?” Bakit parang ayaw ko marinig ang sasabihin niya?

“That bastard.” Napakuyom ang kanyang kamao dahilan para mapakunot ang aking noo. “He lied to us. Pinaglalaruan niya tayo.”

“What?”

“Yes, you're not the real Solar. But you're not Calista. You're not my sister.” Pilit niyang ginagalaw ang kanyang katawan pero mas lalo lang itong nasaktan. Nagsinungaling siya para makuha ka niya sa akin. As if naman hahayaan ko siya.”

Seryoso ba siya? Or nagsinungaling din siya para makalimutan ko na magkapatid kami? Sino ba nagsasabi sa kanila ng totoo?

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon