Hindi ko namalayan na pinalibutan na pala ako nila. Napatampal ako ng noo habang seryoso silang nagpapalitan ng tingin.
Bakit ba ang daming lalaki dito? Bakit ang dapat na problema ni Charlotte ay napunta sa akin? Gusto ko na talagang sampalin ang gumawa nito!
“Hindi ko din hahayaan na mapunta siya sa inyo,” saad ni Xavion. Habang ang dalawa niyang kamay ay nasa loob ng bulsa.
“And do you think nababagay kayo sa kanya? Hindi kayo nararapat para kay Solar,” mapaglarong sabi ni August.
“Alam ko ang lahat tungkol sa babaeng mahal ko... pero kayo.” Sumeryoso ang tingin ni Lake sa kanila. “Wala kayong alam.”
“Hindi ako susuko! Gagawin ko ang lahat para maging malakas ako at maprotektahan si Solar!” matapang na sabi ni Keanu. Hehe! Ang cute! Napailing ako dahil muntik na ako ma distract.
“Me too!” inis na sabi ni Keon.
Nakatingin lang sa akin si Sparrow. Wala itong emosyon. Wala siyang sinabi, parang wala siyang pake sa nangyayari at nakatuon lang ang atensyon niya sa akin.
“Kaya kong tratuhin ng tama si Solar at alam ko sa sarili ko na mas safe siya sa akin kaysa sa inyo. Hindi kayo pwedeng pagkatiwalaan,” ani ni Leo.
Natahimik silang lahat dahil sa biglaan ng pagbasak ng cellphone ko. Malakas ko kasing hinawakan ang cellphone ko sa sobrang lakas ng paghawak ko ay nabasag ito dahilan para matahimik sila.
“Tapos na kayo?” Hindi sila nagsalita. “Kung tapos na kayong gumawa ng eksena dito. Lubayan niyo na ako.”
Hindi na ako naghintay pa na magsalita sila at umalis nalang ako.
•••
“Ang dami mong lalaki.” Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko at nakita si Xerxes na nakaupo at nakangiti ng nakakaloko.
“I don't have time for your kalandian, Xerxes,” walang gana kong sabi.
“Hahayaan mo ba sila.” Inis ko siyang tinignan habang siya ay seryoso lang nakatingin sa akin. “Na landiin ka.”
“Yes,” biro ko. Napatawa ako ng makita ang reaksyon niya. “Nagbibiro lang ako-”
Hindi ko alam pero sa isang iglap namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa sahig habang siya ay nakapatong sa akin. Ang isa niyang kamay ay nasa sahig katabi ng mukha ko.
“That is not a good joke, Solar. It's not funny,” seryoso niyang sabi sa akin.
“C-chill ka nga. Anong akala mo sa akin?! Malandi?! Para hayaan silang landiin ako?!” Napairap ako at napailing.
“Siguraduhin mo lang, Solar.” Hinawakan niya ang buhok ko at inilapit ito sa labi niya habang seryosong nakatingin sa akin. “I am trying to control myself. Willing ako maghintay sa'yo, pero kapag may nalaman akong hindi ko nagustuhan. Hindi ako magdadalawang isip na angkinin ka. I will wait until you're 18-”
“Magkapatid tayo,” seryoso kong sabi sa kanya. Mukhang natigilan ito dahil sa sinabi ko. Hindi niya 'ata ito inaasahan. Hindi ba sinabi sa kanya ni Lake?
“A-ano?” Napatawa ito pero agad rin sumeryoso ang tingin niya sa akin. Nagmumukha na tuloy siyang baliw. “Kailangan mo pa talaga magsinungaling para lubayan kita, Solar?”
“Hindi ako nagsisinungaling,” seryoso kong sabi sa kanya. Agad ko siya tinulak at hindi man lang niya inalis ang tingin niya sa akin. “They took me habang wala akong malay. Binago nila ang mukha ko at pinaniwala na ako si Solar. Wala akong maaalala, but I think I am Calista. Your younger sister.”
Napakuyom ito ng kamao, “Sino nagsabi sa'yo niyan?”
“S-si Lake.” Umiwas ako ng tingin. At napatawa ito halata sa kanyang mukha na hindi ito matanggap na magkapatid kami.
Naintindihan ko naman siya. Hindi talaga kami pwede kasi magkapatid kami. Bakit ba kasi siya na fall sa akin? Eh dapat kay Xavion siya ma fall.
“Ano ba Solar?! Naniniwala ka talaga sa lalaking 'yon?! Alam mo naman na pwede 'yon magsinungaling para lang makuha ka niya sa akin?!” Mukhang natataranta na ito at hindi alam ang gagawin.
He is trying to not accept the fact that we're sibling. Sumeryoso ang tingin ko sa kanya. Mas better if mag focus ka sa mga Bautista kaysa sa akin, Xerxes. Love is your weakness.
“Pero kilala mo din si Lake. Alam kong kaya niyang magsinungaling pero minsan lang.” Nagulat ako ng sinuntok niya ang sahig dahilan para magkaroon ito ng crack at magdugo ang kanyang kamay.
“Damn it!” Medyo nag alala ako ng kunti sa kanya. Ngayon ko lang nakitang ganito siya. Nasanay kasi akong makita siyang mahinhin at masayahin. “Sa dinami-dami ng pwede kong maging kapatid! Bakit ikaw pa?! Bakit ayaw ng tadhana na maging masaya ako?! Bakit palagi nalang ako nagdudusa?! Ano bang ginawa ko noon para parusahan ng ganito?!”
“X-xerxes, hindi lang naman ako ang babae sa mundo. Madami pa diyan, malay mo nasa tabi-tabi mo lang ang babaeng makakatuluyan mo.” Or baka totoong tao talaga ang para sa'yo at hindi fictional lang?
“Ang dali lang sabihin sa'yo kasi kahit kailan hindi mo ako maintindihan.” Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay lumabas na siya.
Tatawagin ko sana siya pero hindi ko nalang tinuloy, kasi alam ko namang hindi siya makikinig sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko habang nakakunot ang noo.
Nanlalambot na ba ako? Bakit nag aaalala ako sa kanya?
•••
Ilang araw na ang nakalipas, hindi na pumapasok sa school si Xerxes. Nag alala na ang ibang studyante dahil ilang araw na siyang nawawala. Wala din naman nakakaalam kung saan siya nakatira. At saka, sa sobrang busy ng bagong magulang niya. Hindi sila makakapunta sa pilipinas.
Tanging pera lang ang naibibigay nila sa anak nila at hindi oras. Nagulat ako ng biglang may humila sa akin papasok sa laboratory room. At nakita ko si Keon na nakasuot ng Lab coat at Chemical resistant gloves at black pants.
Hehe! Ang cute! Napailing ako ng madistract ako sa kacutan niya. Napapuot ito at umiwas ng tingin.
“Geez! Don't make fun of me!” inis niyang sabi. Alam kong hindi talaga siya naiinis, nahihiya lang siya. Agad niya binigay sa akin ang baso na may laman na color pink na tubig. Napakunot ang aking noo.
“Ano 'to?” I asked.
Ewan ko ba pero hindi maganda ang pakiramdam ko dito.
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...