Napatawa ako dahil sa inasta niya, “What is the meaning of this, Keon? You're acting weird. Do you want to kill me?”
Napakagat ito ng labi at napayuko. Am I right?
“Do I look like a bad person to you?” he asked. Kinuha ko ang chocolate at kinain ito. Tumingin siya sa akin na parang hindi inaasahan ang gagawin ko.
“What? Want some?” Umiwas ito ng tingin.
“I don't like sweets.” I chuckled at hinati ang chocolate at binigay sa kanya.
He looked at me na parang nagtataka ito. I only gave him a warm smile at tinanggap niya ito kahit nagtataka pa rin.
“I know you like sweets. Hindi mo kailangan magpanggap pag ako ang kaharap mo, Keon,” mahinahon kong saad.
Namula ang pisnge nito at inis na kinain ang chocolate. Napangiwi nalang ako dahil sa inasta niya at napailing.
“I really don't understand you, Solar.” Kinain ko lang ang chocolate at pinakinggan ang susunod niyang sasabihin. “You've changed a lot.”
“Am i? Hindi ko napansin,” inosente kong sabi. Atlease hindi niya malalaman na hindi ako si Solar.
“Everytime na makausap kita parang hindi si Solar ang nakakausap ko.” Hindi lang ako nagsalita at napalunok nalang ng laway. Agad ito tumingin sa akin, halos hindi ako makagalaw dahil sa titig niya. “Hoy! Magsalita ka!”
Agad ko siya binatukan, halatang nasaktan ito sa ginawa ko. Tumalon ako at ng matapak ko na ang lupa ay agad ako napangiti ng nakakaloko.
“Tuluyan ka na talagang nabaliw. Sige ipagpatuloy mo lang 'yan, Keon. Libre lang mental hospital dito.” Hindi na ako naghintay sa sasabihin niya at naglakad na palayo.
“Hoy! Hindi ako baliw!” Tumawa nalang ako sa narinig ko.
•••
Ang sarap ng pagkain! Hindi ko namalayan na nagugutom na pala ako. Mabuti nalang at nakabalik ako kaagad.
Nakita ko si Lake na may dalang pagkain at umupo ito sa tabi ko. Nawalan tuloy akong ganang kumain.
“Hindi ka ba takot?” Tinaasan ko siya ng isang kilay. Sanay na akong may kaharap na halimaw.
“Takot? Saan?” Napangiti ito ng nakakaloko. Ano na naman kayang pinaplano niya?
“Tayo lang dalawa ang nandito. Wala ng ibang tao dito.” Kinain ko lang ang pagkain ko habang nakatingin sa kanya.
“So?”
“Mabait ba ako?” Ngumiti ako sa kanyang tanong.
“What do you think, Lake? Mas ikaw ang nakakaalam niyan kasi sarili mo 'yan.” Ba't mo tinatanong sa akin? Nag iisip ka ba? Kumakain ako dito eh. Istorbo 'to.
“That's not what the female lead should say,” natatawa niyang sabi sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.
“But I'm not the female lead. I am a support character who will die soon,” aniya ko.
“Paano ka nakakasigurado sa future mo?” I smirked. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain habang naghihintay siya sa sagot ko.
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...