Chapter 45

923 46 7
                                    

“Just drink it!” Tinaasan ko siya ng isang kilay.

“May poison ba diyan?” Umiwas siya ng tingin dahilan para mapamewang ako. “Hey! This is not a good joke! Keon! Alam kong mas malakas ako sa'yo at mas matalino pero hindi mo kailangan idaan sa poison—”

Nagulat kaming dalawa ng agad ito ininom ni Keanu. Napasigaw pa si Keon dahil sa hindi niya inaasahang makita. Natigilan si Keanu at napatampal si Keon.

“Ba't mo 'yan ininom?” dismaya niyang tanong. Inis niyang kinuha ang baso. “Gago! Hindi 'yan para sa'yo eh!”

“K-keanu, ayos ka lang?” kinakabahan kong tanong. Hinila ako papalayo ni Keon. “Ano bang nilagay mo sa tubig na 'yan?”

“Ano...” Namula ang kanyang pisnge at napayuko ito dahilan para panliitan ko siya ng mata. Pampaakit sana sa'yo...”

“Keon—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng agad natumba si Keanu, habang walang malay. “Gaga! Ano bang nasa isip mo?! At kailangan mo pa gawin 'to! 13 ka palang at 14 ako! Tapos 'yan na iniisip mo!”

“Tsk! Epal kasi si Keanu.” Mahina lang niya itong sinabi pero narinig ko 'yon. Napabuntong hininga na lamang ako at napailing. Pareho talaga kayo ng mga kapatid mo. “Mas mabuti pa na itali natin siya. Baka ano pang gawin niya sa atin?

•••

Nang matapos ko siyang itali ay napahinga ako ng malalim. Wala pa rin itong malay. Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para matigilan siya.

“Siguro naman may gamot ka dito?” naiinis kong tanong.

“Yep, gagaling din 'yan mga 3 hours.” Namilog ang aking mata dahil sa sinabi niya.

“What?! 3 hours?! Nababaliw ka na ba?! Wag mong sabihin magdudusa siya ng 3 hours?!” sigaw kong tanong sa kanya.

“Well, kung gusto mong mapadali na mawala ang pagdudusa niya. Pwede ko siyang hanapan ng malanding babae na papatol sa kanya?” Napairap nalang ako. Wala talaga siyang pakealam kay Keanu.

“Keon!” inis kong banggit sa pangalan niya. Magsisimula na ang klasi. Hindi natin pwedeng iwan si Keanu dito?!”

Nagulat ako ng pati 'yong leeg ni Keanu ay tinali niya. Tinaasan ko siya ng isang kilay at ngumiti ito sa akin.

“Ayan, okay na 'yan.” Hinila na niya ako. Ba't ang lakas niya? “Pwede na 'yan iwan dito.”

“Hindi natin siya pwedeng iwan. Tignan mo nga kalagayan niya!” Mukhang napikon ito at inis lang itong nakatingin kay Keanu.

“Hindi naman siya mamamatay. At kaya na niya ang sarili niya.” Humigpit ang pagkakayakap niya sa braso ko. “Mas better if hindi ka masyadong lumapit sa kanya, baka ano pang gawin niya sa'yo?”

“At sinong may kasalanan niyan?”

“You're being stubborn! Solar! Kung gusto mong mag stay dito! Bahala ka sa buhay mo!” Hindi na niya ako hinayaan magsalita at agad na siya umalis.

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon